[5] full

958 49 19
                                    

"Hey babe."

Naalimpungatan si Danny nang maramdaman ang kamay na humahaplos sa kaniyang pisngi. Tumambad sakaniya ang nakangiting mukha ni Jax. Naduling siya nang lumapit ito para halikan siya.

"Y-you're home," pansin niya. Medyo disoriented siyang napatingin sa paligid. Hindi niya maalala kung paano siya nakauwi. Ang alam niya'y lumabas siya kagabi. Pero heto siya, nakatulog sa sofa suot parin ang sando at boxer shorts na alam niyang pinalitan niya kagabi.

"Yeah," sang-ayon ni Jax sabay upo sa kaniyang tabi. Isa-isa na nitong inalis ang suot na sapatos. "Kagabi pa sana ako uuwi pero ayaw pa ng mga kasama ko. Eh tapos na naman kami. Nakakainis nga. Sana dinala ko nalang 'yung kotse."

Wala sa wisyong tumango si Danny. Naguguluhan parin siya. 

Huwag mong sabihing panaginip lang 'yun? tanong niya sa sarili. Sobrang totoo kasi ng nangyari kagabi na hindi niya maisip kung paanong panaginip lang ang lahat.

At, isa pa, kung panaginip nga iyon, bakit naman niya biglang mapapanaginipan si Mayari? Walang dahilan para bigla niyang maalala 'to, kahit subconsciously.

"Hey, babe. Okay ka lang?" nag-aalalang hawak Jax sakaniya. "Inaantok ka pa ba? I'm so sorry."

Umiling siya. "Hindi. Okay lang ako. It's just... I had a weird dream."

"Hm. Wanna share?" tanong ni Jax sabay kuha ng sapatos nito. Jax took it outside and looked at him again from the doorway.

"No, it's okay," dismiss niya ng topic. "Wala lang 'to."

Nagkibit-balikat si Jax. Tumuloy ito sa kusina at binukasan ang ref. "What do you want for breakfast? Oh--- tira mo na 'to kagabi?" Sumilip si Jax mula sa kusina at ipinakita sakaniya ang isang bowl.

Pinagtaasan siya ng buhok sa braso. Ito ang dinner niya sana kagabi pero hindi niya nakain dahil kay Mayari. His growling stomach confirmed it.

"N-nakatulugan ko ata."

Inamoy ni Jax ang pagkain. "Hindi pa naman panis pero kagabi pa 'to. Magluluto nalang ako ng bago."

Isang distracted na tango lang ang isinagot ni Danny. Hindi parin niya maisip kung ano ba ang totoo -- nakasama ba niya si Mayari o hindi?

Kumakabog ang puso niya at hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Napagdesisyunan nalang niyang maligo para mahimasmasan.

Pagkaligo ay sinalubong siya ng masarap na amoy ng bagong saing na kanin at pinritong itlog at tinapa. Napangiti siya sabay yakap kay Jax mula sa likod. Piniprito pa nito ang mga tinapa.

"Ang sarap naman nito," bulong niya sabay kagat sa tainga ng boyfriend.

Natatawang umiwas si Jax dahilan para muntik nang matapon ang piniprito. "Ano ba! Huwag kang magulo, madidisgrasya tayo nito eh," natatawang saway ni Jax.

Natatawa ring bumitaw si Danny sakaniya. Pero agad na nawala ang kanyang ngiti nang sumagi sa isip niya ang mga ngiti ni Mayari.

Malinaw sa kaniyang isipan ang bawat ngiti at tawa nito sa kaniyang panaginip, na weird kasi hindi ganoon ka-vivid ang mga naaalala niya sa panaginip. Madalas pang maghalo-halo ang mga ito sa isip niya pagkagising.

Pero iba ngayon. Bawat minutong kasama niya si Mayari kagabi ay malinaw sakaniya, na para bang nangyari talaga.

"Kain na," anunsyo ni Jax na nagpabalik sakaniya sa real world. Kasabay nito ang pagtunog ng kaniyang cellphone. Sunod-sunod na tunog mula sa Messenger app.

"Sandali, check ko lang 'yun," paalam niya bago lumabas sa kusina. Nakita niya ang cellphone sa center table ng sala. Kinuha niya ito't binuksan. Nagkakagulo sa tigang na groupchat nila noong college.

Hindi na sana niya papansinin nang mabasa niya ang pangalan ni Mayari. Hindi niya ito classmate pero namention ito ng isa sa mga kaklase niya.

Batchmate natin siya, chat ng isa. And they're asking for donations.

Cancer daw, dagdag ng isa pa.

Tumigil si Danny sa paghinga nang mabasa ang sunod na chat. Nabitawan niya rin ang cellphone na agad nahulog sa sahig.

RIP sakaniya, with crying and praying emoji ang huling chat na nabasa ni Danny.

Nanikip ang kaniyang dibdib. Naalala niya ang huling sinabi ni Mayari sa kaniyang panaginip.

"Pupunta na ako sa buwan, Dan," anito habang nakatitig sa bulugang buwan. "Gusto kitang isama pero... ang selfish ko naman kung gagawi ko 'yun. Tandaan mo lang, ikaw lang ang minahal ko."

Napaupo si Danny sa sahig. Tuloy-tuloy sa pagbagsak ang kaniyang mga luha. Dinaluhan pa siya ni Jax pero hindi siya makapagsalita. Paulit-ulit sa kaniyang isip ang ngiti ni Mayari, kahit na kalahati lang ng mukha nito ang kaniyang nakikita. 

Hindi niya inakala na nagpapaalam na pala ito sakaniya.

-fin-

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon