[4] gibbous

833 38 2
                                    

Hinintay ni Danny na magsabing "joke!" ang dating kasintahan. Pero hindi mapagbiro ang ngiti nito. Nangugusap ang mga mata ni Mayari na tila kumikislap sa ilalim ng buwan.

Ang lamig ng tubig sa paa ni Danny ay bumaloy papunta sa iba pang parte ng kaniyang katawan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.

"Dan naman eh!" reklamo ni Mayari. "Sabi nang kahit ngayon lang eh. Pupunta na nga ako sa buwan tapos hindi mo pa pagbibigyan ang hiling ko." Naghalukipkip ito at inismiran siya. "Nakakainis ka talaga."

Napayuko si Danny. May nakapa siyang maliit na bato sa tabi. Tinapon niya ito sa tubig.

"Okay ka lang, teh?" tanong niya kay Mayari. "Umakto ka parang okay tayo."

Hindi niya kasi ito maintindihan. Sobrang messy ng breakup nila na umabot sa point na isinumpa nila ang isa't isa. Tapos ngayon, heto si Mayari, umaaktong walang nangyari.

Naalala pa niya ang huli nilang sinabi sa isa't isa. Narito rin sila sa pantalan nang araw na iyon.

"Kung nahihiya ka palang ipangalandakang nainlove ka sa babae, bakit mo pa ako niligawan?!" lumuluhang sigaw sakaniya ni Mayari. Galit na galit ito pagkat hindi niya masabi sa ibang tao ang relasyon nila. Mukha kasi si Danny ng mga bakla sa college nila. Isang kahihiyan ang masabing nagkagusto siya sa babae.

"Kaya nga!" sang-ayon niya. "Dapat talaga hindi nalang naging tayo!"

Napanganga si Mayari. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Danny. "You... huwag ka nang magpapakita saakin," ang huli nitong sinabi bago siya iniwan.

Nagtalo ang puso at isip ni Danny nang araw na 'yun. Tunay niyang minahal si Mayari pero alam niyang galit na galit ito. Kaya hinayaan na muna niya. Sinubukan niyang kausapin ito kinaumagahan pero hindi na siya pinansin ng babae. Hanggang sa maggraduate sila'y hindi na nila kinausap ang isa't isa.

Until today.

At ngayon ay nasa pantalan nanaman sila. Si Mayari pa ang nagsabing huwag nang magpakita si Danny pero ito rin pala ang unang magpapakita.

"Kalimutan mo na 'yun," ani Mayari. "Kahit ngayong gabi lang. Please?"

Inangat ni Danny ang tingin at nakitang nakatitig sakaniya si Mayari. Walang halong galit ang mga tingin nito, pero nakikita niya ang kalungkutan sa mga ito. "Kahit ngayong gabi lang?" ulit ni Danny sa sinabi nito.

Tumango si Mayari. "Ngayong gabi lang. Kung tayo pa, anong gagawin mo?"

Biglang dinagsa si Danny ng halo-halong emosyon. Sa ilalim ng maliwanag na buwan, inalala niya ang masasasaya nilang alaala sa pantalang ito. Dito ang tagpuan nila pagkatapos ng klase pagkat kahit malapit ito sa college nila ay hindi dayuhin ng tao. Mukhang silang dalawa nga lang ang may alam ng lugar.

"Kung tayo parin ngayon," panimula niya. Ginalaw niya ang kaniyang kanang kamay at inabot ang pisngi ni Mayari. Kalahati lang ng mukha nito ang naaaninag niya, kagaya ng buwang isang pisngi lang rin ang ipinapakita. Pero hindi tulad ng ibang hindi mapuntahan ang madilim na bahagi ng buwan ay nahawakan niya ang kalahati ng mukha ni Mayari.

"Kung tayo parin ay hahalikan kita," patuloy niya habang nakatitig kay Mayari. "At ipapaalala ko sa'yo kung gaano katotoo ang nararamdaman ko, kahit hindi ko masabi sa ibang tao."

Kumurap si Mayari. May butil ng tubig na dumikit sa hintuturo niyang humahaplos sa pisngi nito. Narealize ni Danny na umiiyak si Mayari. Gusto na rin niyang gumaya pero pinigilan niya.

Ito na siguro ang closure namin, isip niya.

Muling kumurap si Mayari sabay sabing, "Bakit hindi mo gawin?"

Hindi na kailangang sabihan si Danny sa pangalawang beses. Pinagbigyan na niya ang sarili at lumapit kay Mayari.

Sa ilalim ng buwan, sa kanilang tagpuan, muli niyang hinagkan ang tanging babaeng kaniyang minahal.

To be continued...

MayariTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon