Excited ako dahil finally mag kikita na kami ni gray. Ngayon nya i mi meet yung girl kasama ang parents nya. Kinakabahan pero excited din at the same time.Lumabas ako ng bahay suot ang simple white dress naka curl din ang buhok ko at suot ang mini bag.
Di na ako nag paalam sa magulang ko dahil wala din naman sila dito. Nag grab ako papunta sa starbucks dun daw ako susunduin ni gray.
Nang makarating ako dun, halos humiwalay na ang puso ko sa sobrang kilig nang makita ko syang pababa sa sasakyan nya. He's wearing black long sleeve polo tack in to his white jeans naka black shoes din sya, at yung hair nya may pa bangs na
Oh boyfriend ko yan, napansin ko kasing pinag titinginan sya ng mga tao habang papasok sa SB
"Pinag antay ba kita?" Tanong nya
"Nope" sagot ko
Hinawakan nya na ako sa kamay at kinuha ang bag ko sa lamesa. Halos gusto kong sumigaw sa sobrang kilig pero pinipigilan ko lang.
"I miss you" sabi nya, napalunok ako bigla
"Talaga ba"
Ginulo nya ang buhok ko, "ayaw pa maniwala"
Pinag buksan nya ako ng pinto at umupo ako sa passenger seat, habang nag mamaneho sya hawak nya ang kamay ko.
"Kamay ko"
"Hawak ko" sagot nya
Nang makarating kami sa isang resto agad kaming pumasok kaso bigla akong napahinto.
"Kinakabahan ako" sagot ko
"Andito ako you don't need to worry" sabi nya
Nang makarating kami sa place, nakita ko yung babae na nakatalikod naka black dress sya may kasama din sya dun sa table
"Si mommy at daddy yung nasa harap" sabi ni gray, tinutukoy nya yung kausap nung babae na naka talikod.
Hinawakan na ako ni gray sa kamay at lumakad palapit dun.
"Wait, eh kung umalis nalang kaya ako?"
"No, ayuko ikasal sa taong di ko mahal" sabi nya
Lumakad kaming dalawa at nang makarating kami dun, sobrang nagulat ako dahil yung babaeng papakasalan ni Gray ay si Jiminah
"Jiminah?" Bulong ko
"Gray?" Tanong ni Jiminah
"Ikaw?" Sagot ni Gray
"Son? Mag ka kilala kayo?" Tanong nung mom ni gray
"Ito talaga tadhana, kayo pinagtagpo para ikasal. Ito ganda panimula sa negosyo" sabi nung ching chong na tatay ni gray
"Good, mag ka kilala na pala kayo di na tayo mahihirapan pang ipakasal sila" sabi nung mommy ni Jiminah
"Oh, anong tinatayo tayo mo dyan gray? Umupo kana" sabi nung mom ni gray
"Sino yang babae kasama mo? Di pwede third party dito malas sa negosyo" sambit nung daddy ni gray
"Stop!" Sigaw ni gray
"Di ko papakasalan si jiminah, dahil may girlfriend ako" sabi ni gray
"Opo ma'am, girlfriend po ni Gray si Ramona kaya malabo po na mag pakasal kami."
"Tumigil ka Jiminah" narinig kong sabi nung mommy ni jiminah
Nag tatalo na sila jiminah at ang parents nya nag ko korean na sila para di namin ma intindihan halos di ako maka kilos sa nangyayari at nana tili akong naka tulala.
![](https://img.wattpad.com/cover/228118278-288-k908641.jpg)
YOU ARE READING
Once Again (PG story Series #2)
JugendliteraturAfter Graduation Way back 2002, Ramona studied at Ateneo De Manila University, she took BS Information Technology Entrepreneurship, Walt studied in the same School with Ramona, he took business Management, coen Take Architecture in the same school...