[Chapter Two]
Matapos ang ginawa nilang eksena sa loob ng restaurant ay agad siyang hinila ni Lace pa alis doon.
Hindi niya alam kong saan siya balak dalhin ni Lace basta basta lang siyang nagpapahila. Wala din siyang reklamo ng halos patakbo na ang ginawa nila upang lisanin ang lugar na yon.
At hanggang sa huminto sila sa isang fountain na kung saan ng iiba ang kulay ng tubig nito. Mabibighani at maaaliw ka kapag nakita mo'to.
"Bakit mo ba ako dinala dito Lace? Uuwi na ak---"
akmang tatalikod si Gwen para umuwi na sana nang magsalita si Lace na ikinatigil niya.
"Tinatanong mo kung bakit kita dinala dito? Dinala kita dahil kahit papaano gumaan man lang ang pakiramdam mo mawala yang sakit at poot sa puso mo"
napatitig lang si Gwen sa fountain na tinitignan na ngayon ni Lace, na mukhang seryoso na seryoso siya. Dahan dahan siyang lumapit sa railings ng fountain at ng makalapit ay humawak siya dito. Pagkatapos ay pinagmasdan ang iba't ibang klase na kulay ng tubig na bumabagsak mula sa taas patungog ibaba.
'Tama nga siya nakaaaliw pagmasdan ang fountain na ito at lalo na nakapag pagaan ng damdamin'
sabi niya sa isip isipan nito.
Hindi niya namamalayan na tumabi na pala si Lace sa kaniya at humawak din sa railings.
Five feet apart lang ang distansya nila,Pinagmasdan ni Lace si Gwen na aliw na aliw na minamasdan ang tubig sa fountain.
'Akala ko pagnawala na ako sa tabi mo magiging masaya kana kapiling si Josh at hindi muna ako kailangan pa. Pero bakit sa pagbalik ko hindi ngiti sa labi mo ang nakikita ko kundi kalungkotan at hinanakit sayo Gwen?" Anang tanong niya sa isipan ng nakatitig parin siya kay Gwen.
Bigla itong tumingin sa direksyon niya kaya naman agad siyang tumitig sa tubig na pinagmasdan ni Gwen kanina.
At nagkukunwaring hindi siya nakatitig dito.
"Effective ba ang paghila ko sayo papunta dito? At ipakita ang fountain nato na makapagbawas sa sakit na nararamdaman mo?"
salita ni Lace habang seryosong nakatingin na sa kaniyang mga mata."Oo, mabuti buti na rin yong pakiramdam ko pero hindi ibig sabihin non na mawawala ka agad ang lahat ng sakit dito sa puso ko"
sabay turo niya sa puso niya at nag-umpisa ng umiyak na ikina alarma ni Lace.
Lumapit siya kay Gwen upang sana'y yakapin at punasan ang luha niya ngunit humakbang paatras si Gwen na ikinaurong niya sa paglapit."Hanggang dyan ka lang Lace"
naguguluhan nakumunot ang noo ni Lace sa tinuran ni Gwen sa kaniya.
"Gwen kong alam mong matagal ka nang niloloko ni Josh hiwalayan mo na siya dahil masasaktan ka lang pagpinatuloy mo pa"
Matapang na tumitig si Gwen sa kaniya wala siyang kahit anong emosyon na makikita dito maliban nalang sa galit na ekspresyon na pinapakita nito.
'Bakit ganiyan siya makareact sa sinabi ko? Galit ba siya? May sinabi ba akong ikinagalit niya?'
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (Completed)
Romance(Story Completed)❤ GWEN, trying to forget someone who stole her heart, mind, soul and trust. She always said to herself, 'Ayaw ko nang magmahal, takot na akong masaktan at magtiwala ulit. Kung babalik ka man, sisiguraduhin kong wala na akong narar...