[Chapter Seven]
GABI na ay hindi pa rin makatulog si Gwen, pagulong gulong lang siya sa kama niya. Tapos biglang hihinto tsaka napatitig sa kisame na hindi niya maiiwasan na alalahanin ang sinabi ni Lace sa kaniya na parang sirang plaka lamang na pabalik balik sa isipan niya ang huling sinabi nito.
"Thank you Gwen, maybe there is the right time that you will know everything"
"Thank you Gwen, maybe there is the right time that you will know everything"
"Thank you Gwen, maybe there is the right time that you will know everything"
"Nakakainis ka Lace! Bakit ka pa bumalik na ngayo'y malapit na akong makalimot sayo?! Tapos sasabihin mo sakin na may tamang panahon na malalaman ko rin ang lahat. Tungkol ba ito sa pangarap mo kaya mo ako iniwan? o sawa ka nang intindihin at mahalin ako kaya ka humanap ng iba?"
Bulalas niya sa hangin habang nakatitig pa rin sa kisame. Hindi niya pala namamalayan na namamalisbis na ang mga luha sa kaniyang mga mata.
Bigla bumukas ang pintuan ng kwarto niya at bumungad dito ay ang ama niya. Kaya agad niyang pinunasan ang luha niya gamit ang palad niya.
Agaran siyang napabangon ng tumambad sa kaniyang kwarto ang ama niya na ngayon ay nasa harapan niya na mismo. Mukha itong nag-alala sa kaniya kaya umupo ito sa tabi niya at inayos ang magulo niyang buhok.
'My dad usually do this to me when he saw my hair is so messy, then he use his hand to comb my hairs.
So sweet:-* '"Kung ano man ang problema mo ngayon anak sana'y malampasan mo ito. Walang Magallion ang sumusuko kahit gaano pa man yan ka bigat. Isang mabigat na responsibilidad ang hinahawakan mo ngayon dahil nasa sayong mga kamay ang pag asa ng ating kompaniya. Ngunit batid ko anak na nagagawa mo ito ng maayos dahil isa na ang Magallion's sa may malaking ratings na mayroong magandang kalidad ng pagkakagawa ng mga cosmetic product. I am so proud of you anak, hindi mo binigo ang papa"
niyakap niya ang ama, kahit pa man na ang problema niya ay hindi tungkol sa kompaniya kundi tungkol ito sa pag ibig.
"Thank you so much Dad"
Kumalas ang ama niya ng mapansin nitong umiiyak siya sa pagkasabi nitong pasasalamat sa kaniya. Pupunasan sana ulit ni Gwen ang mga taksil niyang luha sa mga mata ngunit huli na dahil na huli na siya ng kaniyang ama. Ngumiti ito sa kaniya tsaka siya ang pumunas sa mga luha ni Gwen.
"Huwag kang umiyak anak, alam kong may rason siyang dapat niyang panagutan at sabihin sayo"
Nagtataka si Gwen sa sinabi ng kaniyang ama.
"Anong ibig mong sabihin dad?"
"Gwen anak alam kong si Lace pa rin ang laman ng puso't isipan mo hindi si Josh. Siya ba ang dahilan kong bakit hindi ka makatulog? Tama ba ako anak?"
Tumango lang si Gwen sa sinabi ng kaniyang ama. Papa's girl si Gwen kung ano man ang problema niya ay malalaman ka agad ng kaniyang ama wala siyang choice na hindi ito sasabihin kaya sinabi niya ito at ito'y tungkol sa pagmamahalan nila noon ni Lace. Hindi hadlang ang ama ni Gwen sa pag ibig niya para sa binata, kasi para sa kaniyang ama kung saan masaya si Gwen doon din siya.
"Dad i try my best to forget him but its all end of i can't. Gusto ko na siyang kalimutan dad, pero bakit binabagabag pa rin ako sa mga katanungan na ni isa ay walang makakasagot nito."
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (Completed)
Romance(Story Completed)❤ GWEN, trying to forget someone who stole her heart, mind, soul and trust. She always said to herself, 'Ayaw ko nang magmahal, takot na akong masaktan at magtiwala ulit. Kung babalik ka man, sisiguraduhin kong wala na akong narar...