PAGTINGIN: Chapter Ten

38 10 4
                                    

[Chapter Ten]

NANGANGATONG, na sa lamig ang dalawa ngunit wala ni isa sa kanila ang nagsasabi na humanap ng masisilungan.

Nananatiling naka tayo at nilalamig na si Gwen habang hawak hawak ang payong sa kanang kamay niya. Na ito'y nagsisilbing silungan nila ngunit ito'y hindi sapat at kinakailangan nilang dumikit para magkasya silang dalawa.

Dumikit ang mga balat nila sa isat isa, sa pamamagit ng pagkabanggan ng balikat nila. At nararamdaman ni Gwen na humawak si Lace sa kamay niya na nakahawak sa payong. Tila ba may kuryenting dumadaloy mula sa kamay niya papunta sa katawan ni Gwen.

Napatitig si Gwen sa kamay ni Lace na sumiklop na sa kamay niya. Hindi siya maka isip at makakilos ng haplosin ni Lace ang mukha ni Gwen gamit ang malambot at nanginginig sa lamig na kamay ni Lace.

Ngunit hindi lamig ang nararamdaman ni Gwen sa bawat haplos ni Lace sa kaliwang pisngi niya, kundi ang init na hatid nito na hindi niya alintana na napapapikit na siya.

'You driving me crazy all the time when you are so near with me, Lace."

"Mahal kita Gwen"
punong puno ng sinsiridad at totoo na galing sa puso ni Lace ang katagang mahal niya si Gwen.

Minulat ni Gwen ang kaniyang mga mata at mapait na ngumiti sa binata.

"Kung mahal mo' ko, bakit mo' ko iniwan Lace?"

"Iniwan kita dahil ayaw kong maging pabigat ako sayo. Ayaw kong ako yong maging hadlang sa pagtupad ng pangarap mo"

nalilito na hindi maintindihan ni Gwen ang sinasabi ni Lace sa kaniya.

Umuulan pa rin ngunit hindi na gaanong ka lakas.

"What do you mean? Na maging pabigat ka sakin?"

"Sorry Gwen, kung ngayon ko lang sinabi to sayo ayaw kong nakikitang nahihirapan ka at pinagsisilbihan ako. Na animo'y ako lang ang mundo mo, ayaw kong maging selfish dahil may pangarap ka rin para sa pamilya at sarili mo"

"Lace direct to the point! Gusto kong malaman kung bakit umalis ka na lang bigla na walang iniwang salita na paalam  sakin?! At anong ibig mong sabihin sa mga pinagsasabi mo sakin ngayon?"

Nawiwindang na tanong ni Gwen sa kaniya.

"May sakit ako Gwen, Kidney disease. Kaya sa gabing ng kita tayo sa lugar nato, sasabihin ko na sana sayo na sa Canada nila ako ipapa- diagnose and treatment sa sakit kong to."

Na bitawan ni Gwen ang payong na kanina nilang hawak, ngayon ay pareho na silang basang basa sa ulan. Natutop ni Gwen ang kamay sa bibig niya, hindi siya makapaniwala na maglilihim sa kaniya si Lace sa mahabang panahon sa naging kondisyon nito.

"Bakit ngayon mo lang to sinabi sakin? Edi sana na alagaan kita, edi sana laging nasa tabi mo'ko kapag kailangan mo ng tulog ko."

"Ayaw kong nakikitang nahihirapan ang taong mahal ko, ng dahil sa sakit ko at lalong lalo na magiging sagabal lang ako sayo. Mas minabuti ko nalang na huwag sabihin sayo ang kondisyon ko"

Isa din ito sa mabigat na rason ni Lace kung bakit niya kinakailangang iwan si Gwen. At ayaw ipasabi sa kaniya ang sakit na matagal na niyang nararamdaman noong mga panahong sila pa ni Gwen.

Hindi niya lang ito pinapahalata sa dalaga dahil ayaw niyang mag-alala ito ng husto sa kaniya. So, he keep it secret.

"Sa tingin mo ba, hindi ako nahihirapan sa sitwasyong basta basta mo nalang akong iniwan? Mahirap para sakin ang kalimutan ka! Nagluluksa at nagkukulong lang ako sa kwarto ko habang walang humpay na pag-iyak at pagtanong sa sarili ko, 'may nagawa ba akong mali? Hindi ba ako sapat kaya mo ako iniwan? o sawang sawa ka nang intindihin ako?"

Naghahalo ang ulan at ang luha na dumadaloy sa mukha ni Gwen. Ni yakap siya ng mahigpit ni Lace na umiiyak na rin, para silang mga tanga na nag-iiyakan sa kalagitnaan ng pagbuhos ng ulan.

"I know you are in deep pain. If I could only do something to ease your pain inside, i would be glad to take it all. I'm sorry Gwen"

"Ang selfish mo! Ikaw na nga ang may sakit satin ako pa ang inaalala mo. Ganon ka ba talaga Lace?"

Magkaharap na sila ngayon habang hinahawakan ng dalawang kamay ni Lace ang mukha ni Gwen. At pinahiran ang luha sa mga mata nito gamit ang hintuturo.

"Oo ganon ako, basta sa taong mahal ko. Huwag kang mag-alala nasa maayos na kalagayan na ako ngayon dahil kaagaran naman nalulunasan ang sakit ko. Lumaban ako Gwen para sayo, at makakasama pa kita ng matagal."

"Lumalaban ka nawala ako sa tabi mo, hindi naman tama yon Lace. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko na hinahayaan ko si Josh na makapasok sa buhay ko habang ikaw ay nasa proseso ng pagpapagaling mo"

"Huwag mong sisisihin ang sarili mo Gwen, tama lang na ginawa mo yon. Mas sinisisi ko nga ang sarili ko dahil naging duwag ako, duwag akong ipaalam sayo ang tungkol sa kondisyon ko. Patawad, sana'y mapatawad mo pa ako"

Yumuko si Lace na makikita sa mga mata niya na lumuluha siya na sinabayan ng walang humpay na pagbuhos ng ulan. Para bang walang balak itong tumigil.

Hinawakan ni Gwen ang baba ni Lace upang e angat ito.

"Pinapatawad na kita Lace, sino ba ako para pagkaitan kita sa hinihingi mo."

Isang matamis na ngiti ang sumilay sa labi ni Lace. Ganon din si Gwen sa kaniya

"Would it be a sin if i stole your heart again, Gwen?"

"Oo, isang makasalanan kana kaya matagal kanang nakakulong sa puso ko"

Walang pinalampas na pagkakataon si Lace kaya sinunggaban niya ng matamis at mainit na halik ang dalaga. Tinugon ni Gwen ang halik ni Lace sa kaniya.

The kiss of the two love birds was passionate that there heart are full of feelings.

"I love you Lace"

"I love you more, Gwen. And will always be you, only you, Bi"

Ang WAKAS...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAGTINGIN (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon