[Chapter Three]
"Kuyaaaa!"
Sigaw na tawag ni Hugo kay Lace.
"Hugo! Big boy kana ah, huling kita ko pa sayo ang iyakin mo pa"
biro nasabi ni Lace kay Hugo at sabay gulo ng buhok nito.
"Kuya Lace naman eh! Huwag mo naman akong ipahiya sa harap ni ninang Gwen" natawa na lang si Lace sa tinuran nito at nagpatuloy ng lumakad papalapit sa kinaroroonan niya.
Nagtama ang mga mata nila sa isa't isa ng tuluyan ng makalapit si Lace at Hugo sa direksyon niya.
Una siyang umiwas, nang higitin na ng inaanak niya ang kanang kamay niya.
"Hali na kayo Ninang Gwen at Kuya Lace naghihintay na sila mom and dad sa hapang kainan"
--
Nagsimula na silang kumain, magkatabi si Hugo, Robert na siyang daddy niya at katabi naman ni Robert ay si Lace na siyang katapat naman ni Gwen. At katabi naman ni Gwen ang best friend na siyang mommy ni Hugo.
"Lace kailan ka pa bumalik?" tanong na panimula ng usapan ni Robert sa tropa niyang si Lace.
"Kahapon pa lang bro, pasensya na kong hindi ko na kayo sinabihan na nasa pinas na ako. Ayaw kong makaabala sa inyo lalo na't may kaniya kaniya na kayong pamilya."
Napangisi si Robert sa sinabi ni Lace at tinapik ito sa balikat.
"Alam mo bro? Bakit hindi kana lang mag asawa kasi, edi ayan na pang iwanan kana ng tropa natin"
"Hay nako Hub! Huwag mo ngang pilitin si Lace na mag asawa na. Baka hindi natin alam kaya siya bumalik ulit dito sa pilipinas ay para balikan ang babaeng gusto niyang mapapangasawa dito"
Pag-eechos na sabi ni Hershey ng bigla siyang pinggutin ni Gwen sa tagiliran na ikinatawa lang ng best friend niya.
"Hmm. Sobrang sarap naman ng adobo na niluluto ni ninang Elsa! Salamat talaga kuya Lace kahit hindi pumunta si ninang sa kaarawan ko ay nandito ka naman upang pagdalhan ako ng paborito ko"
Sarap na sarap at takam na takam si Hugo sa ulam na dinala ni Lace na siya mismo ang nagluto nito at hindi ang ate niya. Ngumiti nalang siya sa sinabi ni Hugo.
"Walang anuman Hugo, makakarating kay ate Elsa na nagugustuhan mo ang niluto niya"
Walang imik lang si Gwen habang kumakain. Hanggang sa pinaglagyan siya ni Hugo ng isang pirasong chicken adobo sa plato niya.
"Ninang tikman mo po iyan niluto yan ni ninang Elsa. Sobrang sarap po"
"Okay para sa kahilingan ng inaanak ko" sabi niya sabay abot at kusot sa pisngi ni Hugo.
"Ninang naman eh!"
Tumatawa na lang silang lahat sa pagmamaktol ni Hugo.
Sinubo na niya ang isang pirasong karne sa baba niya at ngumungoya. Bigla siyang napatigil saglit sa pagnguya ng may maalala siya na kaparehong kapareho ng lasa nang kinakain niyang chicken adobo ngayon sa lalaking nagluto nito sa kaniya noon.
'Posible kayang siya ang nagluto nito? Pero bakit sinabi niyang ang ate Elsa niya ang nagluto? Kapareho kasi ng natikman kong niluto niya noon para sakin ang lasa na natikman ko ulit ngayon'
BINABASA MO ANG
PAGTINGIN (Completed)
Romance(Story Completed)❤ GWEN, trying to forget someone who stole her heart, mind, soul and trust. She always said to herself, 'Ayaw ko nang magmahal, takot na akong masaktan at magtiwala ulit. Kung babalik ka man, sisiguraduhin kong wala na akong narar...