Chapter 1 Join the Club and Move On

369 8 0
                                    

Ako si Jesse Arquisola, at una sa lahat, ayoko ng TAO.

Oo, tao din ako kaya ayoko rin sa sarili ko. Ayoko ng maraming tao, ayoko ng masikip, ayoko ng walang tubig, ayoko ng mabaho, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik! Ay sorry Diamond star, nahiram lang ng linya mo. Masaya na ako sa isang taong buhay kong aral, trabaho at uwi. Oo, student assistant ako. Pagkatapos ng klase ko ay dederetso na lang sa Guidance Office at doon ko ibabaon ang sarili ko sa mga trabaho at utos ng aking supervisor. Nakatutok lang sa computer at nag ko compile ng documents o surveys at kung anu-anong mga papeles. Minsan lang nagkakatao ang office pag may nai report na nagsuntukan, nagbugbugan o nagsabunutan, o dramahan. Minsan lang ang mga ganyang eksena sa Raphaellan University.

Pero masisira na ata ang tahimik kong college life. Bakit naman nasali ako DITO?

"Jesse, do you have an opinion about her situation?" Sabi ng ingleserang feeling Amerikana na si Meredith Yap, isang 3rd year Secondary Education student. Napalakas ang bagsak ng kamay niya sa aking office table. Tinutukoy niya ang isang babaeng estudyanteng nakaupo sa harap ni Mrs. Quizon, ang Guidance counselor at ang supervisor ko.

"Jesse, humihingi lang kami ng ibang perspektibo para mapalakas ang punto namin, at maintindihan niya" wika ni Mrs. Quizon. "Si Mariquita kasi bumabagsak na sa mga subjects niya at hindi na pumapasok."

Ay! Parang high school lang? Ngayon lang nagkaroon ng kasong ganito ang guidance office. Hmm... si Meredith naman kasi na to, ang President ng Peer Education ng school year na to, masyadong masipag. Hay naku! Goodbye peaceful office.

"Jesse, help us here. Ano na?" pilit ni Meredith.

Hingang malalim.

"Ano bang gusto mo Mariquita?" Mahinahon na tanong ko, pumipigil lang ako dahil ayoko ng mga ganitong kadramahan. Hay naku at ang tagal sumagot.

"Gusto ko sanang bumalik si James sakin, pero alam kong malabo kasi meron na siyang iba" pangiyak na sagot niya.

Gaga! Ano pa nga ba ine expect ko?

"Wala ka o kaming magagawa kay James, pero may magagawa ka para sa sarili mo. Kalimutan mo siya, Mariquita." Payo ko.

"At papaano ko gagawin yun?" Tanong ni Mariquita.

"Mag disconnect ka sa mga bagay na matatandaan mo siya. I block mo siya sa FB para di mo makita mga pictures niya. Asan cellphone mo?" Tanong ko.

"Bakit?" Nagtaka pa tong si Mariquita.

"I delete mo ang mga pictures niya." Utos ko.

"Uy ayoko." Tanggi ni Mariquita.

"I can save those pictures on my USB if you want, just in case magka balikan kayo. I understand what Jesse wants you to do." Sabi ni Meredith kay Mariquita.

"Eh pano kung hindi pa rin ako maka move on kahit wala na ang pictures sa phone ko? O kung di ko na siya makikita sa social media? " Tanong ni Mariquita. Ang tigas ng ulo.

"Subukan mo kasi muna."

"Paano kung narinig kong tumugtog ang theme song namin na got to believe in magic sa radyo?" Tanong pa niya.

"Lumang kanta naman yan, sa linggo mo lang siguro maririnig yan." Sabi ko.

"Matatandaan ko siya kapag ulam ko ay itlog, yung malasado, pareho naming gusto yun. Lagi kaming kumakain ng tapsilog diyan sa may tapat ng school, minsan longsilog o hotsilog..." Dagdag ni Mariquita.

"Eh di ngayon, scrambled egg na ang itlog mo pag kakain ka ha." Sabi ko na may sarcastic na tono.

"Niloloko mo ba ako?" Tanong ng naiiritang si Mariquita.

The MOVE ON CLUBWhere stories live. Discover now