Chapter 2 Take the Challenge and Move On

69 1 0
                                    

"Na miss kita, Jesse. TSE! Anong pinagsasabi nun? Miss mo pala ako? Sino niloloko mo?" Inis na kinakausap ko na naman ang sarili ko.

"Uyyy... nag blush ka nga kahapon. Di ka nga nakatulog sa kakaisip sa kanya." Tukso ng konsensiya ko.

"Hindi noh! Iniisip ko lang yung... program ko sa C++"

"Visual Basic na kayo ah. Palusot pa."

Biglang pumasok si Renz sa opisina at for sure hihiga yan sa sofa at like always, nagpapalamig lang dito dahil mas malakas ang aircon dito sa office.

"San si Tita?" Tanong ni Renz.

Wow! That's a first, or the second time. Isang school year na student assistant ako ng Tita mo Renz, at ngayon kinakausap mo na ako? Ehrmm... No. This is nothing special. Huwag magtiwala sa lalakeng maraming exes, kaya magiging bitchesa lang ako like always.

"May meeting. 4PM pa ang balik." Sagot ko na walang ka feelings feelings.

"Hmm... Okay." Sagot lang ni Renz at humiga na sa sofa.

Hayyy... sana ganito na lang, boring at wala masyadong nangyayari sa office, PAYAPA. Bihira din pumasok si Mrs.  Quizon, pero kahit nandito si boss, tahimik lang siyang uupo sa office table niya. Uutos lang siya ng kung anu-ano. Kahit nga tong si Renz eh, hihiga lang yan sa sofa at hindi ako inaabala. Pero aaminin ko na si Renz ang naging eye candy ko sa office. Matangkad, sexy, at laging nakaumbok hahaha! Amoy pawis nga lang palagi at... bobo siya. Natatandaan ko pa noong baguhan pa lang akong student assistant, tinanong niya sa Tita niya kung ano ang spelling ng date. As in DATE? Kala niya magkaiba ang spelling ng date na petsa at yung kakain sa labas na magkasintahan o nagliligawan pa lang. HAHAHA! HAHAHA! Ehrmm. Sorry... Buti nga at na master ko na ang I kontrol ang facial expression ko.

Blag!

"Where's Ma'am Quizon?" Tanong ni Meredith habang binuksan ang pinto ng malakas at napatama sa dingding. Nakaka warshock tong si Meredith eh.

"Meeting. 4PM pa ang balik." Sagot ko ulit.

"Guess what? Move On Club is official!" Excited na pahayag ni Meredith. Hindi ko alam kung matatawa ako o masusuka sa kabaduyan. Ano bang nangyayari sa University na to?

*fake smile*

"Jesse, I really need your help. IT ka naman. We need to have a social media page where students can chat or VC us online." Sabi ni Meredith sakin with matching face of inspiration.

Gaga! Kahit sinong impakta, pwedeng gumawa ng Facebook page. Di nila kelangan maging IT student.

"Ano eh... wala akong social media account eh." Sagot ko.

"What? May tao pa bang walang Facebook o Twitter?" Gulat na tanong ni Meredith.

Ako.

"Gawa ka na, please. Or... if you have a reason why you don't want social media accounts, I can lend you my second account. I'll set it with admin access on the page that we're going to create. It's just for counseling students online. You know, ang galing mo kasi kahapon." Sabi ng mapilit na si Meredith.

Nambola pa to. Sige, tango na lang ako. Wala talaga akong social media account na sarili ko. Nakikigamit lang ako sa account ng mama ko, ina add ko ang mga classmates ko just for necessary academic purposes. Wala akong kaibigan at ayokong makipagkaibigan.

"Let's wait for Dominic para makapag-umpisa tayo ng ating meeting." Sabi ni Meredith.

Si Dom? NOOOOO! Ayokong makita siya. Kailangan ko ng dahilan na makalabas.

"Meredith, meron pala akong importanteng gagawin sa OSA. Okay lang ba na bigyan niyo na lang ako ng copy ng minutes of meeting natin? O balitaan niyo na lang ako." Pakiusap ko kay Meredith. Buti nga naisip ko tong alibi na to. For sure hindi na yan mamimilit.

The MOVE ON CLUBWhere stories live. Discover now