Chapter 3 Forget your Worries and Move On

58 4 0
                                    

"Pero hindi nga kita iniiwasan." Paliwanag ko kay Dom. Nagsisinungaling lang ako para di na mapunta sa kadramahan. Wala akong panahon at lakas para dun.

"Teka nga, mag jowa ba kayo?" Tanong ni Cheska kay Dom na gulat na gulat ang mata, kulang na lang lumabas ang mga eyeballs niya sa mga butas ng mata niya.

"May... may utang siya sakin." Dahilan niya.

"Oyy! Wala akong utang sa yo noh." Sabi ko. Gago to ah.

"Kaya nga. Taong may utang lang ang umiiwas." Biro ni Dom sakin.

"Hinde nga ako..."

"Tama na yan. Focus muna sa issue ko please. Mamaya na yung inyo, okay. Pero my gosh! Kinilig ako sa inyong dalawa ayiiiieee!" Tili ni Cheska.

Bruha toh! BL fan?

Humingang malalim si Dom at tinanong si Cheska.

"Hmm... What time and where? At sino ba tong boyfriend mo?"

"3PM sa Metro Mall. Jake will just be in a gaming area, dadaan lang tayo dun then eat out sa restaurant. Mapapansin na niya tayo niyan." Sagot ni Cheska habang hinihimas-himas niya ang right chest ni Dom. Nang-aakit ang bilat.

TSE! Di ako affected.

Tumango na lang si Dom.

"Owkay! So it seems like we concluded an agreement. Cheska, if you don't mind, I'd like to treat you in a salon tomorrow. Yung na lang ang contribution ko." Alok ni Meredith kay Cheska.

"Mukha ba kong kelangan mag salon?" Sabi ni Cheska.

"Oh no, you are gorgeous as you are now. But we girls need to feel extra beautiful. And also an assurance para sure na magsisisi si Jake na niloko ka niya." Bola ni Meredith.

"Sounds good! Okay pala ang club niyo eh." Puri ni Cheska sa amin. "Alis na ko. Dom, see you tomorrow. Mwaah!" Dagdag pa niya.

Blag! Lumabas na ng opisina si Cheska.

Natahimik kami ng Ilang minute, pinoproseso ang kalokohang pinasok namin. Pag-aalala ang humuhugis sa mukha ni Meredith kasi hindi dapat mga ganitong solusyon na naibibigay ng club, pero malaking tulong ang alok ni Cheska sa funding at budget ng Peer Ed organization at ng club na ito lalo na't malapit na rin ang kanyang inaasikasong event. Si Renz naman, ayun nakahiga na naman sa sofa at pumipindot-pindot ng cellphone niya. At si Dom... matalim pa rin ang tingin niya sakin.

"Tuparin mo ang deal natin." Sabi ni Dom sakin, at lumabas na siya ng opisina.

"Ikaw nga tong lumabas. O sino bang umiiiwas?" Bulong ko sa sarili ko.

"Magkakilala pala kayo ni Dom?" Tanong ni Meredith.

Hay naku Meredith! Hindi ko yan sasagutin. Huwag kang usisera ng buhay ng may buhay.

"Gawan ko pa ba ng report ito?" Tanong ko para makaiwas sa tanong niya.

"Ahh... I'll take care of it. Please send me a softcopy of an anecdotal record template." Mungkahi niya. At least hindi madagdagan trabaho ko.

Hindi ako nagseselos na may ka date na babae si Dom, actually wala akong pakialam. Parang familiar lang kasi si Jake na yan.

"Eh bakit defensive?" Tanong ng buwiset kong konsensiya.

"Tse! Nakikisali ka naman. Bumalik ka nga sa mundo ng mga konsensiya"

KINABUKASAN

Gagawin ko na ang mga exercises sa Java Programming dito sa office para di na ako gagawa sa bahay, wala pa namang ginagawa dito. Gawin ko rin assignment ko sa Algebra at Oral Communication.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The MOVE ON CLUBWhere stories live. Discover now