Ang ibong maya ay ang dalawang inakay

9 3 4
                                    

ANG IBON AT ANG DALAWANG INAKAY

Sa isang kagubatan ay may nakatirang isang ibong maya. Sobrang habang pasensya at dedikasyon at dedikasyon ang ibinuhos niya sa paghihintay upang mapisa ang 2 itlog na kanyang nililimliman. Hindi kalaunan ay nagbunga ang pagtitiyaga ng ibon at kanya ng nasilayan ang kaniyang mga anak.

Naging payapa naman ang pamumuhay ng mag-iina sa mga sumunod na linggo.

Isang araw, bago umalis ang maya upang maghanap ng makakain ay kaniya munang pinangaralan ang 2 inakay.

"Mga anak huwag kayong aalis sa pugad maliwanag? Ang inyong mga pakpak ay hindi pa sapat upang kayoy makalipad. Ang paglabas mula sa ating munting tahanan ay napakadelikado sa dami ng nakaambang panganib. Huwag kayong mag-alala at isaisip lagi ang pagtitiyaga dahil dadating ang tamang panahon para sa lahat."

Lumipas ang ilang oras at hindi parin nagbabalik ang maya. Ang dalawang inakay ay gutom na gutom na.

"Hindi kona kaya! Gutom na gutom nako!" padabog na wika ng unang inakay.

"Magtiis kana lamang at maghintay. Paniguradong kakaunti ang pagkain kung kayat natatagalan si inay. Maya-maya lamang ay babalik na siya na may dalang pagkain at agad mapapawi ang ating gutom." sagot ng ikalawang inakay.

"HINDI! Aalis na ako sa pugad at maghahanap ng makakain!" lakas-loob na buwelta ng unang inakay sa kapatid.


"Ngunit pinagsabihan na tayo ni inay na ang ating mga pakpak ay hindi pa sapat upang makalipad." giit ng ikalawang inakay.

"Higit na malaki ang aking mga pakpak kumpara sa iyo kapatid. Buo na ang aking pasya at wala ng makapipigil sa akin!" litanya ng unang inakay at agad tumalon sa pugad.

At dahil nga hindi pa sapat ang kanilang mga pakpak para makalipad, ay dere-deretsong nahulog ang kawawang ibon mula sa taas ng puno na naging sanhi ng agarang pagkamatay nito.

///

L

esson:
Ang ating buhay ay hindi biro-biro lamang. Kailangan nating maging maingat sa mga susunod na yugto. Kung kayat huwag nating madaliin ang mga bagay-bagay at matutong maghintay. Ang tamang oras ay darating din basta magtitiyaga.

Ang mga pangaral ng ating mga magulang o mas nakakatanda ay ating isapuso. Higit na mas marami silang karanasan kumpara sa atin. Mas alam din nila ang tama sa mali at ang nakakasama sa nakakabuti.
Isa pang dahilan ay ang kagustuhan nilang napunta lamang tayo sa tamang daan at hindi malihis.

Wala namang masama kung susundin natin sila at hayaang tulungan tayong buuin ang ating pagkatao. At sana sa oras na kaya na nating tumayo sa ating mga sariling paa ay huwag natin silang kalimutan. Ang mga taong patuloy na umaagapay at humahasa sa atin upang maisatama ang bagay-bagay.
ANG PANGARAL NILAY ATING KAILANGAN AT HUWAG KALIMUTAN!

Galing kona managalog.😂Bulol ngalang sa personal! Whuahahaha!

One-shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon