MY VIRAL VIDEO
It's been one week. One week simula nung nagising ako magisa sa isang hotel na walang damit. Di ko maalala ang boung detalye ng gabing iyon pero alam kong nakuha niya ang pagkababae ko. Sa tuwing naalala ko 'yon di ko mapigilang di umiyak. It's my virginity and I lost it to a stranger.
Agad kong pinahid ang luha. At tumingin sa salamin sa harapan ko. Inayos ko ang sarili ko na para bang walang nangyari. Di naman siguro ako lang ang nakakaranas nito. Life must go on.
"Kaya mo 'yan, Elle. Hindi lang ikaw ay may karanasang ganito, Elle. Siguro lesson mo ito na di ka magtitiwala kahit kanino man," kumbinsi ko sarili.
Agad kong kinuha ang bag at bumaba na ng kwarto para pupunta sa school. Maaga pa ang pasok ko ngayong araw.
"Daddy, Mommy, papasok na po ako sa school," sabi ko.
"Okey, Elle. Be good in school," humalik sila daddy at mommy sa pisngi ko.
"Kuya, tara na po," sabi ko sa driver namin na naghahatid sundo sa akin lagi.
Naglalakad na ako papunta sa first class ko ngayong araw. Paakyat ako ng hagdanan papuntang 3rd floor at lahat ng madadaan ko ay titingin sa akin at magtatawanan.
What's matter?
Di ko nalang sila pinansin at nagpatuloy ako sa pag-akyat. Nagka-salubong kami ni Marrise, Zuri at Bella agad naman akong ngumiti sa kanila.
"Good morning, girls" bati ko sa kanila.
"'Wag kang maglalapit sa amin, Elle. You're a slut," nandidiring sabi Zuri sa akin.
"What did you say, Zuri?" inis kong tanong.
"Nagmamalinis pa ang pokpok. Come on Elle, 'wag kana maging mahinhin pa. Alam na namin ang baho mo at sobrang nangangamoy kana," sabi naman sa akin ni Marrise.
"Ano bang pinagsasabi niyo?! Don't point a finger and make a story I didn't do!" depensa ko sa sarili.
What the the heck?!
"How can you explain this?" sabay abot ni Bella sa cellphone niya sa akin na nagtataray pa.
Kinuha ko ito at tinignan. Nanlamig ako habang pinapanood ang sarili ko sa video. Sex video ko. Kitang kita ako sa video at kong paano ako sarap na sarap dun.
"F-Fuck...Stop teasing me," rinig na rinig kong sabi sa video.
Dinelete ko ito at binalik kay Bella 'yong cellphone niya.
"So, ano? Deny pa girl? Kitang kita namin, sarap na sarap ka pa nga eh," sabi ni Bella sa akin at diring diri pa ito.
"Iniwan niyo ako ng gabing 'yan. Iniwan niyo 'ko," sabi ko at nagsimula ng tumulo ang mga luha.
"Pathetic," sabi ni Zuri at iniwan nila akong napako sa kinatatayuan.
Nang maka-recover sa gulat at kahihiyan ay agad akong naglakad ng mabilis pero hinarang ako ng mga schoolmates kong lalaki. Tawang tawa pa sila sa akin.
"Si Elle," sabi ng isang lalaki.
"Hi Elle, paisa naman d'yan," at nagtawanan sila.
"Patikim naman sayo, Elle."
"Oo nga Elle. Dapat kami din makatikim sayo. Mamayang gabi?"
"TIGILAN NIYO AKO DI NIYO ALAM 'YONG TOTOONG NANGYARI!" sigaw ko pero walang tigil ang luha ko kakatulo at ganun din ang nangungutyang tawanan nila.
"Alam mo, Elle. Dati akala namin matino kang babae, eh. Ang amo ng mukha mo parang di makabasag pero wasak kana pala," sabi ng isang lalaki at nagtawanan sila ng malakas.
BINABASA MO ANG
Viral Video🥂
Short StoryDescription: Elle's viral video change her life in an instant. Warning: This is a mature content and have sorts of violence. Don't risk to read if you can't bare violence, especially you have emotional and mental concern. Your health first. •11162...