🎼 ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 𝟷

1.7K 10 0
                                    

𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐄𝐃𝐃𝐈𝐍𝐆

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


𝐓𝐇𝐄 𝐖𝐄𝐃𝐃𝐈𝐍𝐆

"OH my freaking vajay! You are so beautiful, Sena Amara Marquez!"

Halos sumigaw sa kanyang harapan si Kurt. Ang kanyang best friend na siyang napagsasabihan niya ng lahat ng nasa kanyang dibdib. Ang taong hindi siya iniwan for better or for worst. Even if her best friend is gay, she knew that Kurt will be there as always. Kahit pa ngayon na ikakasal na siya, alam niyang mananatili itong nagmamahal sa kanya.

"Thanks Kurt Antonio." Her smile was brilliant that even her cheeks were glowing.

"Huwag mo ngang ipagsigawan ang apelyido ko at naaalibadbaran ako." Matama siya nitong pinagmasdan. "O, bakit naman parang iiyak ka riyan? It's your wedding day, honey. You should be laughing out loud hanggang lumabas ang ngala-ngala mo!" Tumawa ito at niyakap siya. "Congrats Sena. You're soon to be married to a rich and handsome Tiangco."

Gumanti siya rito ng yakap. This is what she was waiting for. Matagal niyang pinangarap na humarap sa dambana kasama ang kaisa-isang taong minahal niya at pag-aalayan ng sarili ng buong-buo.

Sena never had any relationship. She's twenty three and she only had one boyfriend. That person is Theo. Her dream. Her one true love. Simula nang makita niya ang mga mata nito, ang labi nito at kung paano siya nito ngitian, alam niya na ito na ang ibig niyang makasama sa habangbuhay.

"This is it, Kurt. I'm getting married." She smiled and the colour of her cheeks blushed more.

Iniharap siya ni Kurt sa salamin habang ito ay nakatayo sa kanyang likuran. "Look at you, Sena..."

They both looked at her reflection. Nakalugay ang kanyang umaalon at mahabang buhok. Ang tanging palamuti lamang ay mga kumikinang na mumunting diyamante at nakakalat iyon sa iba't-ibang bahagi. Sa gilid ng kanyang bilugang mga mata ay mga pinilakang bato katulad ng laylayan ng kanyang suot na trahe de boda. Mahahaba ang kanyang pilikmata at natural na mapula ang kanyang labi. Nakalitaw ang kanyang mapuputing balikat ngunit natatabingan ng silk, white gloves ang kanyang mga braso.

"You're so beautiful my friend. And you're not going to be alone anymore. You've been dreaming for a man eversince our childhood. Heto na siya. Mahahawakan mo na siya. Although alam ko namang nahawakan mo na ang malaki, mahaba at matigas na—"

Tinampal niya ang kamay nito upang huwag nang ituloy ang kahalayang sasabihin. "I'm a virgin, Kurt," she whispered.

Pinanlakihan siya ng mata ng kaibigan. "Oh my vajay, if only I have! Seriously?"

Tumango siya at nahihiyang ngumiti. "I am. Hindi ako ginalaw ni Theo. He respects me and my body."

"Ganoon siya ka-gentleman?"

"Ganoon siya ka-gentleman."

"Ang suwerte mo talagang, babae ka." Pinanggigilan siya nito sa pamamagitan ng yakap. "I'm really, really, really happy for you, Sena. Sana all..."

"Thank you, Kurt. You are the best friend one should ever have."

"Bueno..." Inayos nito ang suot na abuhing coat and tie. Kung titingnan ito ay hindi mahahalatang hindi ito tunay na lalaki. Guwapo, matangkad at mestiso. Ilang whitening cream at gluthatione rin ang nilaklak ng kaibigan niya upang ma-achieve ang kinis ng kutis nito. Pinagselosan na rin ito noon ni Theo. And yes. Women seduced him. Even if they already know his real identity.

"It's almost time. Tama na ang drama natin at baka masira pa ang make-up mo. Remember to throw your bouquet to me. Or else, sasabunutan talaga kitang bruha ka!"

Napangiti na lamang siya at tumayo mula sa kinauupuan. She heard the signal. It's time to meet her groom.

It was five years ago, Sena Amara could still remember the time when she was riding a provincial bus with her bestfriend, Kurt going to Manila. She had no idea on what her new life will give her. Sumama lamang siya sa kaibigan noon sa pagnanais na makahanap ng magandang trabaho.

Namatay ang kanyang mga magulang sa isang aksidente. Sumabog ang pagawaan ng troso na pag-aari ng pamilyang pinaglilingkuran ng kanyang mga magulang. Kasamang nasunog ang kanyang ama at ina. Wala silang naipundar maliban sa nakatapos siya ng high school. Walang kamag-anak na gustong kumupkop sa kanya. Magdadagdag pa nga ba sila ng isa pang palamunin? Sobrang hirap ng buhay sa kanilang probinsiya.

Sena Amara decided to travel and leave the place where she was born. Hindi naging madali ang lahat. Naging kasambahay, nagtinda, naglabada. But she's a natural singer. Bata pa lamang ay hilig na niyang kumanta. Kaya pinasok niya ang pagiging small time singer sa isang bar. Lahat ay tiniis niya upang mabuhay. At nakita ni Kurt ang lahat ng iyon.

Hanggang nakilala niya si Theo. She joined a gig for a sideline and bumped into him one day during their corporate business event. His light brown, hazel eyes not only penetrated her heart but also her soul. Niligawan siya nito at sinong hindi magkakagusto rito?

She heard the ending from the melody of the love song they chose before the marching of the bride. Inayos niya ang suot na belo. Mahigpit na hinawakan ang kanyang bouquet at sa kabilang kamay ay isang mikropono. Tumugtog ang piano na siyang pinakahihintay bago nagtayuan ang lahat ng nasa loob ng katedral.

Bawat hakbang ni Sena ay natatapakan niya ang mga nagkalat na talulot ng dilaw na mga rosas. Ang kanyang mga mata ay nanatili sa dulo ng mahabang pulang carpet. Sa dulo kung saan nakatayo ang kanyang mapapangasawa.

Iniangat niya ang mikropono at itinapat sa kanyang bibig. She will sing for hia groom their favourite love song.

"Wise men say... only fools rush in..."

Theo Tiangco's hazel eyes were directly looking at her. Ganoon ang tingin nito sa kanya noong una silang nagtagpo. Eyes filled with admiration. Now those eyes don't only show deep affection but love for her.

Maayos ang itim na itim nitong buhok. Nagniningning ang mga mata nito. Napakaguwapo ni Theo. May matangos na ilong, katamtamang sukat ng labi at matipunong pangangatawan. He's six feet in height. Kaya halos tingalain niya ito dahil five feet four inches lamang si Sena.

Theo's black tuxedo gave him an authoritative look. But the yellow orchid on the left side pocket on his chest makes him adorable. Hindi siya makapaniwala na mapapasakanya na ang nilalang na ito.

"But I can't help... falling in love with you..."

Halos maluha ang mga saksi na naroroon sa madamdaming pag-awit ni Sena. Kung sana nakikita siya ngayon ng mga yumaong magulang. Sana ay masaya rin ang mga ito kagaya niya na nag-uumapaw sa kaligayahan.

Namalayan na lamang ni Sena na kaharap na nila ang pari.

"I, Sena Amara Marquez, take you, Theo Tiangco, as my wedded husband and I promise you love, honor and respect..." Sena recited. Hindi naaalis ang kanyang tingin sa kaharap na lalaki.

"To be faithful to you, and not to forsake you until death do us part. So help me God..." Theo promised. Mabilis nitong isinuot ang singsing sa daliri ni Sena na tanda ng kanilang pag-iisang dibdib.

Nang gawaran ni Theo ng matamis na halik ang asawa ay tila nilipad na sila. Iyon na ang simula ng kanilang bagong buhay. They are not two separate individual anymore. They are one.

"I love you, Sena," he said. Theo kissed her again.

"Mahal na mahal kita, Theo," bulong ni Sena. Sa likod ng kanyang isip ay nanalangin siya. Na sana ay pangmatagalan na ang kanilang pagiging isa. Dahil hinding-hindi magbabago ang nararamdaman niya para kay Theo. Tanging kamatayan lamang ang makapaghihiwalay sa kanila. Kahit tumanda pa siya at makalimutan ito, puso niya ang magpapaalala ng pag-ibig niya para rito.

sᴇᴄʀᴇᴛ ʟᴏᴠᴇ sᴏɴɢ ʙʏ ᴍᴀʀ ᴍᴏᴊɪᴄᴀ
ᴀʟʟ ʀɪɢʜᴛs ʀᴇsᴇʀᴠᴇᴅ

Secret Love SongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon