AKALA niya noon, kailangan niyang hanapin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kanya. Kailangan niyang lumakad, lumibot at ibukas ang paningin upang makita ang hinahanap-hanap niya. Kung mananatili kasi siya sa kanyang kinatatayuan, baka hindi na dumating ang hinihintay niya.
Kaya hinanap niya ang kanyang ikaliligaya. Kung saan kapag nakita niya ay bibilis ang tibok ng kanyang puso. Kung saan perpekto ang lahat ng anggulong kanyang nakikita.
Akala niya ay magiging masaya na siya. Dahil nahanap na niya ang magpapasaya sa kanyang buhay. Pero paano kung bumalik siya sa simula? Doon sa lugar kung saan niya hinanap ang mga bagay na magbibigay sa kanya ng kakontentuhan. At doon pala mismo sa lugar na iyon, naroon lamang ang lahat ng magiging bahagi ng kanyang buhay.
Hindi lamang pala pagiging masaya ang mahalaga. Dapat ay makadama din siya kung paano masaktan. Dahil doon niya lamang malalaman ang tunay na kahulugan at kaibahan ng lungkot at saya.
Doon mismo sa iisang lugar na iyon, lahat ng naroroon ay bahagi ng magiging kinabukasan niya. Itinutok niya ang mga mata sa iisang bagay lamang. Hindi siya umikot. Hindi siya lumibot. Nalagpasan niya tuloy ang mahahalagang bagay.
Nasa huli talaga ang pagsisisi. Dahil hindi na siya makababalik pa sa lugar na iyon. Hindi na niya mapapalitan ang mga bagay na nabasag na. Dahil mananatili ang lamat na siyang bakas ng kahapon sa kinabukasan niya.
Iyon ay kung mayroon pa nga bang bukas na naghihintay sa buhay na pinili niya.
💔 SECRET LOVE SONG 💔
by MAR MOJICA
BINABASA MO ANG
Secret Love Song
General FictionSSPG | R18 | MFM Labyrinthe is a place where Sena Amara Marquez fell into. Torn between the past and the present. Torn between before and after. No one knows how she fell into that pit. Isang sikreto na siya lamang ang nakakaalam. Tanging sa kanyang...