Nagising si freya sa ingay na nanggagaling sa baba kaya agad itong nag ayos at bumaba
Maayos ang sala at napalitan ang mga mat, nagtaka ito sapagkat imposible naman na si Gavin ang mag lilinis pero dahil inis kagabi possible para gantihan siya
Pababa siya ng hagdan ng may naamoy siyang masarap kaya pumunta ito sa kusina, doon ay nakita niya ang isang babae nasa mid 50's na ito pero kapansin pansin ang kagandahan nito
Lumingon ang babae, hindi pamilyar si Freya sa kanya sigurado ito na si Gavin ang nag papunta sa kanya
"Gising ka na pala hija, upo ka na dito kumain ka na nakapag luto na ako kanina pa naka alis si Gavin kaya binilin ka saakin " bati ng ale
Naupo naman si Freya pero hindi pa rin niya alam bakit biglaan ang pag dating ng babae gayong ang sabi ni Gavin ay walang naka alam sa lugar na ito
"Ako si Alicia, ako ang nag pupunta rito para mag linis at para ayusin itong bahay ni Gavin" pag papakilala nito habang ipinagpatuloy ang pag hahain
Hindi naman sumagot si freya sa halip ay ngumiti lamang ito
"Ikaw si Freya hindi ba?" tanong ng babae
"Ah o-opo "ang tanging nasagot nalang ni freya
"Huwag ka ng mahiya saakin, binilin ka niya saakin, ang sabi niya alagaan ko ang asawa niya" sabi naman nito, nahihiyang ngiti nalang ang isinukli ni Freya, hindi parin siya sanay sa tawag na asawa
"Huwag niyo po sana masamain pero mag ka ano-ano po kayo ni Gavin ?" naitanong ni Freya sapakagkat hindi naman makikita ang kahit na anong pagkakahalintulad ng dalawa
"Ah matagal na akong naninilbihan sa pamilya nila Gavin, parang anak na ang turing ko sa kanya simula kase ng mamatay ang nanay niya lubha siyang naging malungkot kaya sinubukan ko siyang kausapin kaya simula noon ay naging malapit na kami sa isat isa " pag kukwento ni Alicia
"Hindi po sa nakiki alam ako pero ano po ang nangyare sa kanyang ina?" nahihiyang tanong naman ni Freya, wala pa siyang masyadong alam sa mga pangyayari or kahit ano sa buhay ni Gavin, tanging pangalan at reputasyon ng pagiging babaero ang alam niya
"Nag kasakit ng malubha ang Ginang, mahina pa noon ang business ng kanilang pamilya kaya hindi ito nabigyan ng maayos na gamot hanggang sa mamatay ito sa kanilang bahay, wala noon gustong tumulong sa kanila kaya dinamdam masyado iyon ni Gavin, na nag resulta para mag sikap siya at palaguin ang kanilang business"
Saad nito habang inaayos ang mga kagamitan sa kusina katabi si Freya na hindi na umimik at naka patong ang baba sa kamay
Kahit pala minsan sarap tirisin ay may tinatagong lungkot rin pala ang lalake, iyon agad ang naisip ni Freya
Tama nga sila, don't judge a book by its cover, nga lang ang cover ng book ni Gavin masyadong malayo sa laman ng buong libro, mahirap intindihin mahirap basahin at kung hindi pag tutuunan ng pansin at tanging cover lang ang titignan ay iba ang magiging interpretasyon
"Alam mo pakiramdam ko sobrang espesyal ka at mahal na mahal ka ni gavin dahil ikaw pa lamang ang unang babae na dinala niya dito, ni minsan ay wala siyang dinala dito ang totoo walang naka alam sa bahay niya na ito maging ang mga kaibigan niya at ang tatay niya ay wala siyang nadala dito at sobrang napaka halaga ng bahay na ito dahil ito ang pinaka una na naipundar niya mula sa kanyang pag sisikap" kwento ng Ginang na nagpawi sa pag iisip ni Freya
Hindi naman alam ni freya kung matutuwa ba siya sa nalaman o hindi dahil kahit anong gawin wala naman sa konteksto ng masayang kasal ang nangyari sa kanila, ginawa dahil kailangan ng pagkakataon

YOU ARE READING
The Accidental Wife
RomanceUmaga na sa New York kaya naman napag desisyunan ni freya na manood ng balita "Exclusive report : Nawawala ngayon ang isang flight galing France pabalik ng New York City at pinaniniwalang nag crash ito sa isang karagatan dahil hindi na ito ma hanap...