"Sigurado ka ba sa lugar na pinupuntahan natin " Ark questioned coz they've been driving for more than 5 hours
"Hindi narin ako sigurado bro, pero ito nakalagay sa map "
"Gagu ka ba! Dika sigurado alam mo ba kung ilang oras na tayo nag papa ikot ikot dito? "
"Tol ngayon lang di ako naka punta dito kaya hindi ko din sigurado ka wag ako sisihin mo " asar na sagot ni Dave, napa irap at napakamot nalang ng ulo si Ark
"Ok nakikita ko na yung bahay I think eto na yun " masigla namang sambit ni Dave
Nakarating sila sa nasabing bahay, pumarada ang mga ito at tsaka nag door bell
"Magandang Hapon po " magalang na bati ng dalawa
"Magandang Hapon naman sa inyo, ano ba ang maipag lilingkod ko sa inyo mga hijo? " tanong naman ng matanda na sa pag kaka alam ng dalawa ay ang may ari ng lugar
"May gusto lang ho sana kaming itanong sa inyo " magalang na sagot ni Ark
" Sige ngunit tumuloy muna kayo sa loob na tayo mag usap at madilim narin rito " tugon ng matanda
"Salamat ho " sagot naman ng dalawa at sumunod sa matanda
Pag kapasok nila ng bahay ay agad nilang napansin ang sapatos na hawig ng suot ni gavin ng umalis ito sa paris pabalik ng New York
Nagkatitigan naman ang dalawa at lalong lumakas ang hinala ni dave na nasa lugar nga na iyon si Gavin
"Upo kayo mga hijo " paanyaya naman ng matanda na agad nag pabalik sa kanila sa kasalukuyan at iniwas ang tingin sa gamit
"Maraming salamat po " sagot nila ng naka ngiti
"Mila, halika at may bisita tayo rito " tawag ng matanda sa kanyang asawa
"Oh sino itong mga ito, gabi na mga hijo kayo ba ay naligaw? " sunod sunod na tanong ng babae
"Ah hindi po sinadya po talaga namin ang lugar niyo ako nga po pala si Ark Dawson siya naman ang aking kaibigan si Dave Smith " magalang na pag papakilala ni Ark
"May itatanong daw sila kaya sila narito " banggit naman ng lalake sa kanyang asawa
"Tungkol saan ba ito mga iho at sinadya nito itong napakalayong lugar na ito " tanong ng matandang babae
"Tungkol ho ito sa isang tao ..." sabi ni Dave nagkatinginan naman ang mag asawa
"Nawala ho siya mga ilang buwan na ang nakaraan, nahulog po ang eroplanong kanyang sinasakyan di kalayuan dito sa inyong lugar ..." pag kukwento ni Dave
Tahimik naman ang mag asawa ngunit halata ang kanilang pag ka gulat at kita sa mukha nila na silay naguguluhan
"Buhay pa ho siya sa pag kaka alam namin dahil walang katawan na natagpuan sa ibang kalapit na isla at ganun din sa dagat kaya naman malakas ang kutob namin na buhay siya at maaring napadpad siya rito sa inyong lugar " pagtatapos ni Dave
Nag katitigan ang mag asawa at hindi makapaniwala sa kanilang narinig kaya naman mas lalo pang lumakas ang hinala ng dalawa
"Kaibigan ho namin siya ang pangalan niya ay Gavin ,by any chance may nakita ho ba kayo? " tanong naman ni Ark
Noong una ay parang nag aalangan pa sumagot ang lalake ngunit ng makita nito ang sinceridad ng dalawa ay sumagot na ito
"Totoo na may isang lalake nga na padpad rito mga anim na buwan na ang nakaraan ngunit wala itong maalala pati kanyang pangalan ay hindi pa niya alam kaya malabong siya ang lalakeng hinahanap niyo" salaysay ng lalake
YOU ARE READING
The Accidental Wife
RomanceUmaga na sa New York kaya naman napag desisyunan ni freya na manood ng balita "Exclusive report : Nawawala ngayon ang isang flight galing France pabalik ng New York City at pinaniniwalang nag crash ito sa isang karagatan dahil hindi na ito ma hanap...