Hestia's POV
"Tia!"
"Oh? Ano?! Wag ka ngang magulo." Asar kong wika.
"Hoy, Tia! Makinig ka nga!"
"Mamaya na, Dude."
"Hestia!"
"Tsk! Tingnan mo! Natalo tuloy!" Inis na sinamaan ko sya ng tingin. Kita nyang busy ako. Bwesit! Tinawanan lang ako ng bruhilda kong bestfriend.
"Sorry not sorry!"
"Letche ka. Alam mo ba yun?" Binato ko sya ng throwpillow pero naka-iwas sya habang tumatawa. "Cancer!"
"Tia naman, eh. Tingnan mo kasi, oh!" Tumabi sya sa akin at maarteng ibinigay ang cellphone nya sa akin.
"Oh?" Tumaas ang kilay ko. "Ano naman 'to?"
"Inaccept na ako ni Lefix sa Facebook!" Maarteng tili niya.
"Naku, naku, ha! Tigil-tigilan mo ako, Amber. Humaharot ka na naman. Isusumbong talaga kita kay Tito Duke. Tingnan lang natin." Pananakot ko. Sumimangot ito at kinuha pabalik ang cellphone nya.
"Kj talaga!"
"Ewan ko sayo. Nagmumukha ka kamong tanga. Maliwanag pa sa sikat ng araw na hindi ka mapapansin niyan."
"Ang nega talaga!" Irap nito at tumayo sa couch. "Malay mo. Baka sya na ang soulmate ko, diba? Gosh! I can't wait for my 18th Birthday!"
"Girl, don't held your hopes high. Masasaktan ka lang." Wika ko habang ngumunguya ng bubble gum.
"Duh? Libreng mangarap, girl. Wag kang madamot."
"Bahala ka. Basta sinasabi ko sayo..."
"Hep.hep.hep! Ang nega mo talaga, Hestia Amelie Cole! Wag ka ngang epal, pwede ba?" Aniya pero dumila lang ako.
"Amber Celistine Ofelia Lowell, your mate will come in the most unexpected moment. So don't rush things out. Let it be magical and spontaneous and don't ruin that moment because expectation will ruin it. I tell you." Babala ko.
"Wow! May pa-words of wisdom si Madaam!" Bulas nito at ngumisi. "Hanep, ah? Saan mo napulot yun?"
"Tss, maliit na bagay. Wala ka bang bilib sa akin?" Pagyayabang ko.
"Wala! Sa archery ka lang magaling. Manhid ka, eh. Wala kang puso kaya paano mo natutunan yun?" Biro niya kaya tumayo ako.
BINABASA MO ANG
Cursed Hybrid (Book 2)
FantasyI am a bearer. I am cursed. I am an oracle. My power's chained. I need to be saved. For freedom isn't on my side.