Chapter 5: Seer

1.8K 97 71
                                    

Hestia POV

"Hestia!! Hoy!"

"Earth to Hestia!! Dude, ano ba!" Napalingon ako kay Amber. She snapped her fingers right in front of my face.

"H-Huh?!" Nagulat ako at napatingin sa paligid.

"Anong huh?! Kanina pa ako nagsasalita dito tapos ikaw nakatunganga ka lang diyan. Hello?! Online games na naman ba 'yang nasa isip mo?" Maarteng tanong ni Amber. Natitigan ko ang mga kamay ko at hinawakan ko ang katawan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala kaya hinawakan ko ang braso ni Amber.

'Shit! Am I dreaming?!'

"What is happening with you? Bigla-bigla ka nalang nag i-space out! Ang sabi ko, anong laman nitong ibinigay mo?!" Inalog nito ang box. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang suot ni Amber at ang hawak niyang box.

'What the fuck is happening?! Did I time traveled?!'

"B-Bomba kaya wag mong a-alugin." Naisip kong sagot at hindi ko alam kung bakit boluntaryong lumabas ito sa bibig ko.

"Bwesit ka talaga!" Hinampas niya ako sa braso kaya napatanga ako.

'Damn it! It was the same reaction that I got from her!'

Binuksan niya ang regalo at nakita ko ang natutuwang reaksyon niya.

"Iphone 11 pro! Really?!" Excited niyang bulas at agad na kinalikot ang aparato. I'm still unable to speak. Everything felt surreal! It's like I am experiencing Dejavu!

"Thank you, Tia! I love you!" She hugged me and still, I was left immobile. "Iba talaga pag may mayaman na bestfriend." She said the exact words again.

I sighed and hugged her so tight. Gulong-gulo ako. Hindi ko napansin na naguunahan na pala sa pagtulo ang mga luha ko.

"Shit, Dude! Are you crying?!" Pansin niya kaya agad akong umiling.

"Tanga! Napuwing lang ako." Kaila ko kaya ngumisi siya.

"I love you, Tia." Bulong niya kaya may kumudlit na sakit sa puso ko nang sinabi niya yun.

"M-may... May g-gusto ka bang sabihin sa akin, Amber?" Kinakabahang tanong ko. Kumunot naman ang noo nito at nagtaka.

"Huh? What are you saying?"

"Uhh, a-about a-anything. Random t-thoughts.. about m-me?" Di ko siya magawang tanungin ng diretso kaya umiling nalang ako nang taasan niya ako ng kilay. "I-It's nothing. Don't mind me." Iniwas ko ang tingin sa kanya at sumandal sa headrest dahil parang nanghihina ako.

"You're acting weird, Dude." Puna ni Amber pero di ako umimik dahil busy ako sa kakaisip kung ano ang nangyari kanina. I have a hunch about what this is, but I'm still not sure yet.

Nagdrive si Amber papuntang school habang sumasakit naman ang ulo ko dahil bawat tingin ko sa paligid ay naganap na.

"Catch up later with you, Mulan! Toodles!" Maarteng paalam ni Amber habang ako naman ay nakatayo lang habang nakatingin sa papalayong bulto niya.

Cursed Hybrid (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon