Hestia's POV
"Tia, watch over Amber. I trust you." Bilin ni Tito Duke kaya tumango ako at ngumisi.
"Walang problema, parekoy! Ako pa ba." Finlex ko ang muscle ko kaya natawa ito.
"Mga kalokohan mong bata ka. Sige na, umalis na kayo."
"Nako naman, parekoy! Parang masaya ka pa ata na aalis si Amber, ah?" Ngisi ko habang iginagalaw-galaw ang kilay. "May magaganap bang sexy time mamaya, ha? Ikaw, ha!"
"Matik na yun." Kumindat pa ito kaya humalakhak ako.
"The best ka talaga, parekoy! Bilib talaga ako sayo! Akalain mo yun? Sa edad mong yan, kaya pa ng tuhod mo."
"Aba! Wala kang galang, ah!"
"Let's go, Tia! OMG! I am so excited!" Oa na tili ni Amber kaya napangiwi ako ng lumapit siya sa amin.
"What are you wearing, Amber?!" Sita ni Tito Duke.
"Duh? Dad, this is a dress!"
"Naghihirap na ba tayo? Kulang nalang maghubad ka na sa iksi ng damit mo!"
"Tsk! It's fashion, Dad. Fashion!" Umikot pa talaga ito sa harap namin. "Tadah! Do I look pretty already?" Tanong nito sa amin kaya nagkatinginan kami ni Tito. Napailing ako.
"Tia! What are you wearing?" Reklamo ni Amber habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Ahhh? Damit?"
"Duh! Tomboy ka talaga. Pantalon, t-shirt at cardigan? Tsaka ano yan,? Rubber shoes? Eeew!"
"Arte mo. Mas maganda naman ako sayo." Ngisi ko.
"Hestiaaaaaaaaaaaa!!!" Sigaw nito kaya natawa na naman ako dahil napikon na naman siya.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko, Tia. You know what to do." Tila napu-frustrate niyang ani. "Bantayan mo 'yan."
"Sige, parekoy. No worries." Tumango siya sa sinabi ko at tiningnan ulit si Amber na nagmi-mirror selfie sa harap namin.
"Say goodbye to your Mom first, Amber before you go." Ani Tito.
"I did already, Dad. She's busy in the studyroom."
"Okay. Go now and come home early."
"Okay, Dad. Mga 4am." Ngisi nito kaya natawa ako.
"Sige, parekoy. Ako na ang bahala dito sa anak mong panget."
"Tia!!! Your words!" Reklamo nito ng nakapamaywang.
"Amber!! You're OA!" Pang-iinis ko pa kaya tinalikuran niya ako at humalik sa pisngi ni Tito Duke.
"Bye, Dad!" She said then waved her goodbye. Tumango nalang ako kay Tito Duke.
"Bawal kang magpakalasing mamaya. Kapag ako talaga mapagalitan dahil sa'yo, ibibitay kita patiwarik, Amber." Banta ko sa kanya. Tumango ito at itinaas pa ang kamay na parang nanunumpa. "I'm warning you, Amber." Ulit ko at siningkitan sya ng tingin.
"I promise, Dude. Ugh! Stop sounding like, Dad."
"Then stop acting like a kid all the freaking time! Binabalaan kita. Wag kang humarot kung kani-kanino mamaya." Sinamaan niya lang ako ng tingin at dumila pa ito bago sumakay sa kotse niya. Napabuntong-hininga nalang ako bago pumasok sa kotse ko at sinundan ito patungong Spin-off.
BINABASA MO ANG
Cursed Hybrid (Book 2)
FantasyI am a bearer. I am cursed. I am an oracle. My power's chained. I need to be saved. For freedom isn't on my side.