The Odd Ones: One

16 4 0
                                    

The odd Ones: One

September 4, 2020

I was staring intently at the ceiling for a few minutes when I heard a loud knock on my door followed by the hysterical shout of Jackie. Hindi ko napigilan mapangiti dahil sigurado akong kanina pa siya nakabihis para pumasok samantalang ako ay eto hindi pa bumabangon.

"Ano ba naman Selene! Hindi tayo yayaman nito kung lagi kang papasok ng late!" She repeated.

Nang hindi ako sumagot ay agad kong narinig ang mabilis na pagpihit mula sa pintuan kasunod ng yabag ng kanyang mga paa. Agad kong nakita ang mukha niyang nakabusangot kasunod ng pumapaligid sa kanyang kulay dilaw na usok. I sometimes wonder why she has the yellow aura and what it means. I figured it was probably derived from her need of earning money. Tumayo siya sa tabi ng pintuan habang patuloy na nakakunot ang kanyang noo.

"Selene diba sina---" I immediately cut her off by raising my hand. Pero imbes na tigilan niya ako ay agad niyang pinalutang ang nasa tabi kong unan saka niya ito pinatama sa mukha ko. I heard her laugh pero tumigil din ito.

"Babangon na ako Jackie relax ka lang pwede? Masyado pang maaga baka malasin ang resto ngayon dahil sa'yo" I said. Trying to scare her at mukha naman gumana dahil tumigil siya. Basta talaga tungkol sa kikitain ng shop.

Bumangon ako habang sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko saka ako humarap sa kanya.

"I seriously need to find you a new boyfriend. Baka kaya laging mainit ang ulo mo dahil apat na taon ka nang single. Wala ka bang balak magkaboyfriend. Alam kong gwapo ang kapatid ko pero baka may mas gwapo pa" pang-iinis ko sa kanya na agad ko din pinagsisihan dahil muli na naman lumutang ang unan at tumama sa likod ng ulo ko. Nasapo ko ang ulo ko dahil medyo naoalakas ang pagbato niya ng unan. Nang tignan ko siya ng masama ay napansin ako ang pagbabago ng kulay sa paligid ni Jackie. It instantly turned blue after I mentioned my brother.

"May kung ano sigurong gayuma na pinakain sa akin ang kapatid mo kaya hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya kahit na patay na siya. May sira din kasi yung kapatid mo, iwan ba naman tayo bigla bigla." She turned to the picture of my brother on the table.

"Sige nga kung may mahanap kang mayaman, ihanap mo 'ko" she tried to sound happy pero hindi parin nagbabago ang kulay ng aura niya. She's lying.

I think that's one of the pros of this power. Nagagawa kong malaman kung nagsisinungaling ba ang kaharap ko sa pamamagitan ng aura nila.

"Sige na mauna ka na magliligo na 'ko. Mauna ka na lang sa resto baka may mga costumers na sa harap naghihintay baka lumipat sila sa iba"

She looked at me with that questioning eyes. "Saan naman sila pupunta? Tayo lang ang may murang resto dito sa bayan na ito" she proudly said saka siya tumalikod. Bago siya tuluyan makalabas ay muling lumutang ang unan at tumama sa mukha ko saka siya lumabas.

"Bilisan mo." she shouted "at huwag mong gamitin ang kapangyarihan mo sa mga makakasalubong mo"

Jackie always does that kapag hindi ako gumigising ng maaga. Her power is called telekinesis. She can manipulate objects and move them to whatever she wants. She was five years older than me at girlfriend siya ng kapatid ko at mula ng mamatay si Ethan ay si Jackie na ang kasama ko.

We were only allowed to use our power kapag kami lang ang magkasama dahil na rin sa baka matakot lang ang ibang tao kapag nalaman nila. Normal people have it with judging and fearing the unknown when they failed to comprehend. I was advantaged dahil kahit gamitin ako ito sa harap ng maraming tao ay hindi rin naman nila malalaman. But my brother, Ethan reminded me to be careful when I used it at kahit anong mangyare ay hindi ko dapat sabihin kahit kanino. It's weird that it's the last thing I remember he said kapag naaalala ko siya.

The Odd OnesWhere stories live. Discover now