The Odd Ones: Two

9 2 0
                                    

The Odd Ones: Two

It took Jackie two hours before she returned. Nang pumasok siya sa resto ay may malaking ngiti sa kanyang labi na imbes na ikagulat namin ni Bobby ay tinawanan pa namin. Siguradong malaki na naman ang nakuha niyang tip kaya ganyan siya umasta ngayon.

Habang naglalakad siya patungo sa counter kung nasaan kami ay sumayaw sayaw pa siya at kitang-kita sa aura niya na kulay yellow ang emosyon niya.

"May nangyari ba kanina habang wala ako?" tanong niya habang nilalagay sa kaha ang tip na nakuha niya.

Umiling ako bilang tugon. Hindi ko na kailangan pang sabihin sa kanya ang nangyari kanina tungkol doon sa lalaki. Siguradong pagagalitan niya lang ako.

"Break time muna?" Jackie asked. Sinuot niya ang apron niya saka sinimulan gawin ang mga order.

"Oo. Pwede bang lumagpas ng isang oras ang break ko?" I asked her.

"Hindi. Unless may dadalhin kang costumer dito na bibili sa lahat ng order" Simple nitong sagot saka inabot kay Bobby ang isang tray ng pagkain.

Nang makalabas ako sa shop ay inayos ko ang suot kong jacket. Kinapa ko ang bulsa nito para hanapin ang phone ko ngunit wala ito dito. Right, nasa bag ko ito. Ngunit kapag bumalik pa ako sa loob ay baka hindi na ako palabasin pa ni Jackie dahil nagsisimula na naman dumami ang mga tao.

Nang mapagpasyahan ko na huwag na lang itong kunin ay muli kong inayos ang sarili ko saka nagsimulang maglakad.

It was past seven in the evening and the town's people are heading towards the circus. Maingay ang paligid dahil na rin sa mga nagtatawanan na mga kabataan. Maliwanag ang paligid dahil narin sa mga nakasinding ilaw mula sa mga poste. Sumabay ako sa kanila sa paglalakad at binati ang ilan na namumukhaan ko.

Habang naglalakad ay hindi ko naiwasan mapatingin sa batang babae na hawak-hawak ng kanyang mga magulang habang naglalakad sila. A bitter smile escaped my lips. I've never known the feeling of having your parents hold your hands or the feeling of going out with them. Kung ginawa man namin ito noon ay siguradong masyado pa akong bata para maalala ito.

Life could've been better if my parents didn't die or if Ethan was still here.

I tried to shake the thought away. It only brings me sadness at hindi ito nakakatulong. I reminded myself to focus on what is in front of me as of the moment. The Now. I have Jackie and for now that is enough.

Nang makarating ako sa junction ay tumigil ako para kumaway sa ibang mga kasama ko na naglalakad. Lahat sila ay lumiko patungo sa circus while I headed towards the park.

It's always like this every night. Halos lahat naman doon talaga ang punta kapag gabi dahil na din ito lang ang mapaglilibangan nila dito sa bayan. Unless the want to go to the two big cities.

Nagsimula akong maglakad patungo sa park. Bukod sa lake at circus or ang abandonadong lighthouse ay ito lang ang pwedeng pasyalan dito. At kapag gabi ay wala na din pumupunta maliban sa akin. It was peaceful and quiet. Tanging ang tunog lang ng mga insekto ang maririnig mo.

Nang matanaw ko ang ang bench na lagi kong inuupuan ay binilisan ko ang paglalakad. Ngunit agad din akong napatigil ng maramdaman ko na hindi lang ako ang nandito, Nagkunwari ako na hindi ko sila napansin. Nang makalapit ako sa bench ay agad akong umupo saka sinimulan pakiramdaman ang paligid.

Nang ipikit ko ang aking mga mata ay nagmistulang isang kulay itim na mapa ang paligid. Ang mga puno na nakapalibot sa mga park ay naging kulay berde at ang mga tao na nagtatago mula sa mga ito ay naging kulay pula. Red means anger. It means that I am in danger. Dahil dito ay kinabahan ako agad.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Odd OnesWhere stories live. Discover now