CHAPTER 15

1K 14 0
                                    


Paikot ikot ako sa loob ng kwarto.Alas dose na pero hindi pa din sya umuuwi. Hinatid nya lang ako kanina at bumalik ulit don. Naiirita na talaga ako. Pinapakiramdaman ko kung dadating na sya. Nilock ko kase ang pinto ng kwarto namin at naglagay ng kumot at unan sa labas ng pinto.Sa sala sya matutulog.

Maya maya pa ay narinig ko ang katok sa pinto. "Baby ko,nakauwi na po ako." Napatakbo ako sa kama. May pa 'po' pang nalalaman si tiyo mo!

Hindi ako umimik. "Baby ko..Sorry na.Buksan mo naman na tong pinto oh..Miss na kita"

Palakpakan nyo!Miss daw ako o! akala nya siguro.Tabi kami matulog ngayon.Edi nyeow!

Pinikit ko ang mata ko kahit katok pa din sya ng katok.Susubukan ko na lang matulog. Bigla namang tumahimik siguro'y natulog na sya sa sala.

Maya maya pa ay narinig ko ang pag unlock ng pinto. Sinusian nya! Nanlaki ang mata ko!May susi sya potek! Palpak!

Nagtulog tulogan naman ako. Ramdam ko ang paglapit nya at pagupo nya sa tabi ko. Hinalikan nya ang balikat ko. "Alam kong gising ka." Mas lalo akong pumikit.

"Sorry na kung di kita sinunod.Iloveyou" Napapangiti ako pero pinigil ko.

Iminulat ko ang mata ko at umupo. "Buti naman at umuwi ka na,lalaki! Anong oras na oh? Kanina pa kita iniintay! Ang sabi mo sandali ka lang! Ginigigil mo talaga ako eh no! Baka ikamatay mo pa yang pag iinom mo eh! Naku!Wag mo naman akong biyudahin ng maaga! Paano kung nakabuo na tayo tas namatay ka? Edi mawawalan ng ama ang anak ko! Bwiset ka talaga!Di ka man lang nakikinig sakin!" Ngumuso sya.

Lumapit sya at isiniksik ang muka nya sa leeg ko.Niyakap nya din ang bewang ko. "Kaya nga sorry na..Di ko na uulitin.Wag ka ng magalit hm?"Tinampal ko sya.

"Dun ka matutulog sa sofa!Yukong katabi ka!" Umungol sya at kinagat ang leeg ko.

"naman eh! Ayoko dun! Gusto kitang katabi!"

"Aish!Matutulog na ko!Dun ka!" Nagulat na lang ako ng ihiga nya ako.Niyakap nya ako ng mahigpit at sumiksik lalo sakin.

"Tulog na lng kita Kelangan nating mag ipon ng lakas.Gagawa pa tayo ng bata"

"oh eto pa!" inihagis ko sa kanya yung iba pa naming lamog. Ngumuso naman sya. "Wag kang panguso nguso sakin! Dalian mo jan!"

Pinaglaba ko sya para sa parusa nya. Pinahirapan ko talaga.Akalain ba naman nyong Mag inom kagabi tas nung madaling araw na, ginapang na ko Jusko! Laki ng ng eyebags ko dahil sa payat na to!

Heto't nakaupo ako sa harap nya. Pinapanuod ko lang syang maglaba. Baka Short cut-in nya eh!

"Wala bang kiss jan para madagdagan yung energy ko?" Pinandilatan ko sya.

"Kung di ka sana nag 'ehersisyo' kagabi edi sana may energy ka ngayon!"

Biglang nag ting yung messenger ng Phone ko kaya kinuha ko yun. Napangiti ako ng mabasa ang chat ni alliyah.Miss na daw nila ako.

"Sino yan?" Seryoso na sya habang nagkukusot. Umirap ako.

"Wala to." Nagsalubong ang kilay nya.

"Wala?e bat nakangiti ka? Wag nga ako!" Bat ba tamang hinala sya?!

"Wala nga!Kulit! Punta muna kong kusina. Ipaghahanda ka po ng meryenda,mahal na prinsepe na ubod ng manyak!" Napatawa sya. Pumunta naman ako sa kusina.

Pagbalik ko ay may dala na akong Juice at Pan cake. Tumayo naman sya at umupo sa bangko. Nagulat na lang ako ng hilahin nya ako at iupo sa hita nya.

"Meryenda,Hindi Landi!"

"Mas gusto kitang meryendahin." Piningot ko sya.

"Manyak!" Ngumuso naman sya at ipinulupot ang braso nya sa bewang ko.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon