CHAPTER 37

811 10 0
                                    


Nagsalubong ang kilay ni vinz. "Sino ba ang mas walang kwenta satin?Tandaan mo kung sino ang nanakit ng sobra sa kanya at ang sumira ng buhay nya.Kung wala akong kwenta,mas walang kwenta ka,prince." Mabilis ang kamao ni prince na sinuntok si vinz sa muka.

"Wala kang alam na hayop ka kaya wag na wag mo akong pagsasalitaan ng ganyan!" Binitawan ako ni prince.Tumingin muna sya sakin bago ibalik ang tingin kay vinz. "Iuwi mo sya ng ligtas.Alagaan mo muna sya bago ka umalis.Ikaw na ang may ari ng puso nya kaya ikaw na ang mas may karapatan sa kanya ngayon. Ipinagkakatiwala ko na sayo,ang babaeng mahal na mahal ko.."Umiwas sya ng tingin "noon.."

Para akong pinapatay sa sakit.Naglakad na sya palayo.Nakatingin pa din ako sa papalayo nyang bulto.

Gusto ko syang sundan at sabihing sya ang gusto kong maghatid sa akin pauwi.Gusto ko syang sigawan kung bakit ibinigay nya na ako.Parang ang sakit.

Bago pa mangilid ang luha ko ay naramdaman ko na ang yakap ni vinz sa akin.

"Umuwi na tayo.Sorry kung wala akong kwenta katulad ng sinabi ni prince.Sorry kung pinipilit ko pa din yung sarili ko sayo."Tuluyan na akong napaiyak.

Hinila nya na ang braso ko at pinasakay ako sa sasakyan nya.Buong biyahe,tahimik lang kami.Nakatanaw lang ako sa labas ng bintana at palihim na umiiyak.Hanggang kelan ba ako magdudusa ng ganito?

Nang makarating kami sa bahay ay agad akong humiga ng kama. Sya na din ang umintindi sa akin at pinunasan ang katawan ko.Mas gusto kong si prince pa din ang gumawa sakin ng ganito.

"thanks"Pilit akong ngumiti sa kanya.Nanlaki ang mata ko ng hawakan nya ang pisngi ko at ilapit ang muka nya.

ilang inch na lang ay maglalapat na ang mg labi namin.amoy ko na ang hininga nya at ng akmang hahalikan nya ako ay umiwas ako.

"tutulog na ako."Ngumiti sya ng mapait at hinalikan na lang ang ulo ko.

"Uuwi na ako.Magpahinga ka na.Sorry,wala akong alam na nasa bar ka.Kung alam ko lang sana,edi hindi ako napahiya kay prince.Sya pa ang tumawag sakin para masundo ka."

"Vinz,ang bango ng niluluto mo."ngumiti sya at pinagpatuloy ang pagluluto.

Nasa bahay ngayon si vinz at sya ang kabonding namin ni venom. Boyfriend ko naman sya eh.

"Kapag natikman mo tong luto ko.Im sure mafafall ka na sakin."natawa ako at pumunta sa likod nya.

"Siguraduhin mo lang na mahuhulog ako sayo kapag natikman ko yan."Hinawakan nya ang sandok at sumandok ng sabaw.Inilapit nya ito sa bibig ko.

"tikman mo nga"nakangiti akong tinikman ang luto  nya.

"wow!ang sarap nga."Ngumiti sya ng matamis.

"ano?nafall ka ba?"napatahimik ako.Napansin naman nya iyon kaya tumawa sya. "sabi ko na nga ba di ako masarap magluto."

Parang naguilt naman ako at niyakap sya sa bewang. "masarap ka po magluto,okay?bukod don,masarap ka pa."humalakhak sya.

"anong masarap  ka jan.Di mo pa nga ako tinitikman."nanlaki ang mata ko.Hindi ako nakaimik. "tawagin mo na si venom at sina tita.Kakain na tayo."

Tumango naman ako.

Lahat ginagawa ni vinz para lang makalimot ako kay prince.Gusto kong sabihin sa kanya na tumigil na sya dahil alam kong nasasaktan na sya pero desidido talaga syang mapaltan si prince sa puso ko.

Hindi na din nagpapakita si prince sa akin at si king naman ay inihahatid lang ni papa hernan dito sa bahay,minsan ay si venom ang hinihiram nila.

Pinipigilan kong mamiss si prince lalo na at ikakasal na sya,ilang araw na lang.Iyon ang sabi ni papa hernan.Nakaplano na ang kasal at naibigay na ang mga invitation.Inaantay na lang ang eksaktong araw.

Masakit pero anjan naman si vinz para pasiyahin ako.Mahal ko na sya pero bilang isang kaibigan lang.Nagagalit ako sa sarili  ko dahil yun lang ang kaya kong ibigay sa lahat ng ginawa nya para sakin.Si prince pa rin kase.

Mahirap  kalimutan ang taong first mo.Unang taong nagparamdam sayo ng lahat. Sya yung first kiss ko at boyfriend,at ang nakauna sakin,kaya ang hirap nyang kalimutan.

Tumunog ang Phone ko at nakitang tumatawag si papa hernan.

"bakit po?"

"Pede ba tayong mag usap,iha?coffee shop "

"sige po"

Nang makaalis si vinz matapos naming kumain ay nagbihis na ako para puntahan si papa hernan.Iniwan ko muna si venom kana mama dahil mukang seryoso si papa hernan at kinakabahan ako.

Nasa tapat na ako ng coffee shop at nakita ko na si papa hernan sa loob na naghihintay dahil made of glass ang front wall nito.Mabilis akong pumasok at pumunta sa table kung saan sya nakaupo.

"Papa hernan.."Umupo ako sa kaharap nyang upuan."Tungkol po saan yung pag uusapan natin?"

Ngumiti sya."Hintayin muna natin yung kapeng in-order ko,iha."

"sige po." Maya maya lang ay may naglagay na ng kape sa harap namin.Sumimsim muna sya non bago tumingin sa akin.

"Mahal mo pa ba ang anak ko?"Nahigit ko ang hininga ko.Hindi ako makapagsalita.

"po?"

"Oo o hindi lang,iha."Napaiwas ako ng tingin.Hindi naman siguro masamang umamin diba?

"ang totoo po,M-mahal ko pa po si prince kaso ikakasal na sya at ang taong pakakasalan nya ay mahal nya." Sumandal sya sa upuan.

"Kung mahal mo ang anak ko,pigilan mo syang matali sa iba.."Tumingin sya ng diretso sa mga mata ko. "Wag mo syang hayaang matali sa taong hindi naman sya sasaya."

Naguluhan nanaman ako.

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

"Ayoko ang babaeng yun para sa anak ko.At bilang ama ay ayoko ding nahihirapan ang anak ko."

"nahihirapan?Pano po sya mahihirapan eh mahal nya po si vanessa."

"Wala syang minahal na ibang babae kundi ikaw lang."Para akong maiiyak.

"Kung mahal nya po talaga ako,di sya magpapakasal sa iba." Ngumiti sya ng mapait.

"Sa sobrang pagmamahal nya sayo ay napilitan syang magpakasal kay vanessa dahil may kasunduan sila." Nanlaki ang mata ko.Hindi ako makapagsalita.

"a-ano po?"

"Umalis ka noon para puntahan ang pamilya mo.Sinabi ni vanessa kay prince na narinig ka nyang kausap ang ama mo sa telepono,sinabi mong uuwi ka na dahil sinasaktan ka ni prince.Kukunin mo ang anak mo, iiwan si prince at ipapakulong ito sa kasong kidnapping at rape." Namilog ang mata ko at hindi makapaniwala.

"H-hindi po totoo yan!"

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon