CHAPTER 44

888 12 0
                                    


Akmang lalapit samin si vanessa ng magkagulo ang paligid.

"VAN PANTELEON INAARESTO KA NAMIN SA SALANG PAGLABAG SA REPUBLIC ACT 6195 O MAS KILALA BILANG COMPREHENSIVE DANGEROUS ACT OF 2002.MAY KARAPATAN KANG KUMUHA NG IYONG ABOGADO.SUMAMA KA NA LANG SAMIN SA PRESINTO AT DOON MAGPALIWANAG." napalingon kami ng isa isang magsipasukan ang mga di unipormadong pulis.May mga dumating na din na ilang unipormadong pulis.

Nakita ko naman ang papa ni vanessa.Gulat na gulat ito. "Wala kayong ebidensya sa isinasampa nyong kaso sakin!"

Ipinakita ng isang pulis ang isang papel. "Warrant of arrest.Sumama ka na lang samin,panteleon."

Pinusasan na ito sa kamay.

"Dad!"tumakbo si vanessa papalapit dito."dad!whats the meaning of this!?paano ang kasal ko!?"umiiyak na ito.

Kalat kalat na ang eyeliner nito sa mata.

"Sorry,iha."yun lang ang nasabi ng ama nya.

Hinawakan ni prince ang kamay ko.

"Ang tapang mo talaga,asawa ko."Lumapit samin si vinz.

"ano pare,ok ba ang plano natin?"natawa silang pareho.

"NO!"nagulat ang lahat ng binunot ni vanessa ang baril sa gun pocket ng pulis at itinutok ito sa gawi ko.

Nanlaki ang mata naming lahat.

"Vanessa!"

Ngumisi ito"Kung di rin lang matutuloy ang kasal ko,mas mabuting hindi rin matuloy ang happy ending nyong dalawa!" hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Vanessa!wag mong gawin yan!"sigaw ni prince.

"vanessa.Calm down.Wag mong gawin yan,iha."si papa hernan.

Akmang lalapit sila sa kanya ng itutok nya ang baril isa isa samin. "Dont you dare to come near with me!Kung di papuputukan ko kayo!"

Itinutok nya ulit sakin ang baril. "NG DAHIL SAYO! HINDI KO MAGAWANG MAGING MASAYA!ANO BANG MERON SAYO NA WALA AKO HA!MAS MATUTUWA PA AKO KUNG MAMAMATAY KA!PINAKIDNAP KO NOON SI PRINCE PARA SIRAAN KA AT MAISAMA SYA SA BANGKOK! NAGPABUNTIS PA AKO SA IBA DAHIL AYAW NYA SAKIN! TAPOS GANTO LANG!? MASASAYANG LANG ANG PINAGHIRAPAN KO!?FUCK!MAMATAY KA NA LANG!"

kasunod nun ay ang pagkalabit nya ng gatilyo ng baril at..

BANG!!!!!

Parang tumigil ang mundo ko.Nahigit ko ang hininga ko.

"VINZ!!!"

Bumulagta si vinz sa harap ko.Lahat ay nagkagulo.Agad na hinawakan ng mga pulis si vanessa at pinadapa.

Agad akong lumuhod kay vinz.Tumulo na ang luha ko ng makitang natamaan sya sa tiyan.Hindi ko alam na gagawin nya to para iligtas ako.

"Vinz!bakit mo sinalo!bakit ha!?vinz.please..w-wag ka namang pipikit!" Tumingin sya sakin habang nakangiti.

Nakahawak sya sa sugat nyang bumubulwak ang dugo.Nanginginig na ako.Natatakot ako na baka mamatay sya.

"S-sa lahat ng n-ngiti,y-yung sayo l-lang ang p-pinakang gusto k-ko."umiiyak na ako sa harap nya.

"Vinz!wag mo naman akong iiwan!Bakit ba kailangan mo pang magsakripisyo?!"

"K-kasama sa p-pagmamahal a-ang pagsasakripisyo.K-kung m-mawawala man ako,atleast m-masaya a-ako dahil m-may mabuting r-rason ang k-kamatayan ko." Humagulgol na ako at niyakap sya.

Nakapalibot na silang lahat samin.

"B-bro.I-ingatan mo s-sya."nahihirapang sabi ni vinz kay prince.Tumango lang si prince na pinipigilan ang luha.

Nang mamungay ang mata nya at tinapik ko ang kanyang pisngi. "wag kang pipikit! please..wag mo kaming iiwan!"

Mas lalo akong umiyak ng ipikit nya ang kanyang mga mata.Niyakap ko sya ng mahigpit.Ayokong mawala ang taong minsan ng nagpasaya sakin.Ang taong sumalo sakin at naging sandalan ko nung mga panahong gusto ko ng sumuko.

Bakit ba sa pagmamahal,kailangang may masaktan?kailangang may magsakripisyo? kailangang may matalo?

Masakit makasakit!

Pero kahit anong desisyon ang piliin mo,tama man o mali.Hindi mo mababago ang katotohanang may masasaktan at masasaktan pa din.

Sa buhay.Bago mo maranasan ang kompletong kasiyahan,dadaan ka muna sa kumpletong sakit.

May mawawala,may darating. Sa sugal ng pag ibig.Kapag nagmahal ka ng buo,ikaw yung talo.

Kasabay ng pagdating ng ambulansya at pagbuhat kay vinz sa stretcher.Hawak ko pa din ang kamay nya.

"Vinz.Please..mangako kang mabubuhay ka pa."

Mahigpit akong niyakap ni prince.

"sh.ok lang sya"

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon