CHAPTER 38

796 12 0
                                    

Para akong pinapatay sa sakit.Nagtanim ako ng sama ng loob kay prince pero wala akong alam sa tunay na rason.Nangingilid ang luha ko.

"Natakot si prince noon.Pati ako ay nabahala.Kababata ng anak ko si vanessa kaya't malaki ang tiwala nya dito." pinahid ko ang luha ko.

"papa hernan.Hindi po totoo 'yon.Umuwi po ako dahil namimiss ko po ang papa ko at para kamustahin po sya dahil naaksidente sya noon kakahanap sakin." Para akong batang umiiyak sa harap nya.

"Alam kong hindi mo magagawa sa anak ko yon.Ngunit tila nalason na ni vanessa ang isip nito.Tinakas nya ang mag aama papuntang Bangkok sa isiping ipapakulong mo si prince at ilalayo ang anak nya." Napuno ng galit ang puso ko.

Ilang taon! ilang taon akong nagtanim ng sama ng loob kay prince!Pero ang vanessang yun lang pala ang may kagagawan ng lahat.Kung kaya ko lang ibalik ang oras ay hindi na ako aalis sa tabi pa ni prince sa mga panahong iyon.

Nagsisisi ako!Kung kailan ikakasal na sya!

"Papa hernan.."

"Hindi pa huli ang lahat,iha. Sa isang araw pa ang kasal nila at may magagawa ka pa. Patunayan mong mahal mo siya.Patawad kung iyon lang ang nalalaman ko.Kung marami kang tanong sa isip mo ay si prince lamang ang makakasagot niyan." Hindi ako makahinga sa sama ng loob.Ang sakit!

"Pipigilan ko po.Nangangako po ako." Ngumiti sya sa akin.

"Kung talagang mahal mo sya,ipaglalaban mo kahit ikapahamak nyo." Tumayo na sya at lumapit sa akin.Tinapik nya ang balikat ko at naglakad na palabas.

Nanghihinang napasandal ako sa upuan. Kailangan kong kausapin si prince.Pero paano? Gusto ko silang pigilan at balikan si prince pero paano si vinz!? masasaktan ko sya! Ako na ata ang pinaka masamang tao sa mundo dahil hindi ko man lang masuklian ang pagmamahal nya sakin.

Tumayo ako at nanghihinang naglakad.Patuloy lang sa pagpatak ang nga luha ko.Parang nabablangko ang utak ko.

Kung alam ko lang na ganun ang gagawin ni vanessa sa relasyon namin edi sana pinalayas ko na sya kahit pa magalit sa akin si prince.

Mabilis kong tinawagan si vinz.Alam kong masasaktan sya sa gagawin ko.Ayokong matali si prince kay vanessa kung hindi naman talaga nya ito mahal at ayoko ding magpanggap pa na okay kami ni vinz.

Umiiyak kong kinausap si vinz na magkita kami.Hinintay ko sya sa labas ng coffee shop kung saan kami nagkita ni papa hernan.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba.Nang may tumigil na sasakyan sa harap ko ay agad akong lumapit dito.

Nakita ko si vinz sa loob at agad na pumasok sa kotse.Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

"nica,may problema ba?" nag aalala nyang tanong.

"Vinz,sorry kung masasaktan kita." Kumunot ang noo nya.

"what do you mean?" Tiningnan ko sya sa mata.

"Mali ako.Akala ko kasalanan lahat to ni prince.Ang tanga ko!Lahat tayo nasasaktan dahil kay vanessa.Nasasaktan kita ngayon dahil pinipilit kong makamove on kay prince at nasasaktan naman ako ni prince dahil sobrang mahal nya ko.Siniraan ako ni vanessa noon.At hindi ko alam kung ano ang kasunduan nila kaya napapayag si prince na magpakasal kay vanessa." Umiiyak nanaman ako.

Nabigla sya sa sinabi ko at gumuhit ang sakit sa mga mata nya.

"Janica.."Garalgal na ang boses nya.

"Sorry,sorry vinz." hinawakan nya ang kamay ko.

"Kung saan ka sasaya.Magpaparaya ako dahil mahal kita.Sapat na sa akin na nakasama kita at naparamdam sayo kung gaano kita kamahal. Ayaw kitang pahirapan. Kung iiwan mo ko,sabihin mo lang.Wag mo na akong intindihin pa.Sundin mo ang sinisigaw ng puso mo." Masakit pala makasakit!

"vinz.."

"Ayokong magstay ka sakin dahil naaawa ka.Kung ipipilit ko pa ang sarili ko sayo ay ako din ang masasaktan.Mahal kita at hangad ko ang kasiyahan mo." Mabilis ko syang niyakap at umiyak sa balikat nya.

"Sana mahanap mo na ang babaeng para talaga sayo." Humiwalay sya ng yakap at pinunasan ang luha ko.

"Sshh..Kailangan na nating magplano kung paano natin maayos ang love story nyo ni prince.Dinaig nyo pa sina romeo at Juliet sa katapangan nyo." natawa ako.

"Salamat sa lahat!

"Prince!"Kinalampog ko na ang gate nila.Nasa likod ko si vinz dahil sinamahan nya na ko papunta dito.Kailangan kong makausap si vinz.

Lumabas ng pinto si prince at halos matunaw ang puso ko ng makita sya.Ilang linggo ko na din syang hindi nakikita.

Gulat syang napatingin sa akin. "Janica,anong ginagawa nyo dito!"

Binuksan nya ang gate at mabilis ko syang sinugod ng mahinang sampal.

"Bwiset ka!Bakit naniwala ka sa vanessa'ng yun na ipakukulong kita!? Bakit di mo man lang ako kinausap bago ka basta basta umalis ha!?" gulat syang tumingin sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"wag ka ng mag maang maangan pa dahil alam ko na lahat! ilabas mo yang vanessa na yan!mapapatay ko yan!" Sumulyap pa muna sya sa may pinto.

"Janica,please!tama na!nakaraan ay nakaraan!Ikakasal na kami ni vanessa at wala ka ng magagawa pa don!" Para akong sinaksak sa sakit.

Akala ko ngayong nalaman ko na ay mapipigilan ko pa sila.

"a-ano!?hindi mo mahal ang babaeng yun!Ano ba ang kasunduan nyo ha!?sabihin mo sakin!Wag kang magpakasal sa kanya!Layuan mo na sya--"

"Pinamigay mo na ako sa kanya noon,janica!Tangna yun yong pinakamasakit sa lahat!Umalis ka na!Kung alam mo na ang dahilan kung bakit ako sumama sa kanya noon.Sana mawala na yang hinanakit mo sakin.At sana wag kang magtanim ng sama ng loob sakin dahil pakakasalan ko pa din sya dahil para to sayo!para sa mga anak ko!" Tumingin sya kay vinz. "Diba sayo na sya?iuwi mo na sya--"

"vinz!"napatili ako ng sapakin ni vinz si prince at kuwelyuhan ito.

"Tarantado ka,prince!Nagparaya ako para sa inyong dalawa tapos ganyan lang ang sasabihin mo kay janica!Wala ka ng kasinggago dude!" Binitawan nya si prince ng padabog.

Lalapitan ko pa sana si prince ng akbayan ako ni vinz.

"Umuwi na tayo bago ko pa mapatay yang asawa mo." Hinila nya na ako papasok sa kotse nya.

Nakatingin pa din ako kay prince na pinupunasan ang dugo nya sa labi.

Nang umandar ang kotse.Kita ko pa ang pagpatak ng luha ni prince na ikinakirot ng puso ko.

MY HIGHSCHOOL CRUSH♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon