Ilang araw na din.Muka ngang seryoso si prince sa sinabi nyang hahayaan nya na ako.Minsan na lang nya kung dalawin si venom at hindi nya ako masyadong kinikibo.Nasa bahay si vinz ngayon at may dala ulit syang bouquet.Linggo linggo kase sya kung dumalaw at laging may dala.
"Janica,ok ka lang?bakit parang tulala ka?"Tanong sa akin ni vinz. Napatingin naman ako sa kanya.
"wala..may iniisip lang ako."Kumunot ang noo nya.
"hm?at ano namang iniisip mo." Ngumiti ako sa kanya.
"Seryoso ka ba talaga sakin,vinz?"Natawa sya at hinawakan ang kamay ko.
"oo naman,Handa akong maghintay ng ilang taon,mahalin mo lang ako."Para akong maluluha.
"Vinz?"
"hmm?"Huminga ako ng malalim bago tumingin ulit sa mga mata nya.
"S-sinasagot na k-kita."Ilang araw ko ding pinag isipan ang bagay na ito.Siguro nga ito na yung panahon para bigyan ko naman ng chance si vinz.
Nanlaki ang mata nya."a-ano?Pwedeng pakiulit?Baka mali lang ako ng dinig." Natawa ako.
"Ang sabi ko,sinasagot na kita!" Mas lalong nanlaki ang mata nya.
"Talaga!?so tayo na!?"tumango ako."YES!YES!tayo na!"
Nagulat na lang ako ng yakapin nya ako at halikan sa noo. Sobrang tuwa nya.
"Salamat!thank you,janica!Ipapangako ko na mamahalin kita ng buong buo!Hindi ko sasayangin ang binigay mong chance!Aalagaan kita,kayo ni venom.Salamat talaga."
Naiyak na ako.Masaya ako pero bakit parang nanghihinayang.
Napalingon kami ni vinz ng marinig ang pagsarado ng pinto. Nanlaki ang mata ko ng makita si prince.Malungkot ang mga mata nya.Bihis na bihis sya.
"p-prince.."ngumiti sya ng mapait.
"Sorry,naabala ko kayo."Nakalagay ang kamay nya sa likod.Binuksan nya ang pinto at nagmamadaling umalis.
Para akong iiyak na ewan.Ang sakit!Dapat masaya ako eh!
Niyakap ko si vinz para hindi nya makita ang luhang nagbabadyang kumawala sa mata ko.
"Vinz,please.Turuan mo kong kalimutan si prince." ramdam ko ang paghagod nya sa likod ko.
"Gagawin ko.Handa akong maging rebound.Masakit magmahal ng taong durog pero kakayanin ko."
Nasa sala ako at nagkakape.Sobrang lakas kase ng buhos ng ulan at ang lamig pa.Ang dami ko ding iniisip.Nasa kwarto na si venom at tulog na.Pasado alas diyes na ng gabi.
Napatayo ako ng marinig ang kalampog ng gate.Kumuha ako ng payong at lumabas.Nanlaki ang mata ko ng makita si prince na basang basa ng ulan.
"Prince!"Malamlam ang mga mata nya.
"Janica! Bakit mo ba to ginagawa sakin!?"Kumunot ang noo ko.
"Ano bang pinagsasabi mo,prince?!"
"Bakit mo sinagot yung gagong yun,ha!?" Umiwas ako ng tingin.
"Umuwi ka na!Magkakasakit ka dahil jan sa ginagawa mo!"Sinipa nya ang gate.
"Tangna!Bakit ang dali sayo na magmahal ng iba!"Puno ng hinanakit ang boses nya. Naguluhan ako.Nagsalubong ang kilay ko.
"Eh ikaw!?bat ang dali sayo na magpakasal sa iba!?"Mukang lasing si Prince.
"Kung alam mo lang,sana alam mo na lang." Naguluhan ako.
"Ano ba,prince!Lasing ka ba!?"Tiningnan nya ako sa mata.
"Oo!Yung alak yung nilapitan ko dahil nasasaktan ako!Dapat akin ka lang eh!Nung araw na sinagot mo yung gagong yun!Yun yung araw na susuyuin sana kita!Liligawan sana ulit kita!"Nanlaki ang mata ko.Parang may humaplos sa puso ko.
"Liligawan?!nahihibang ka na ba!?Ikakasal ka na,prince!Balak mo nanaman ba akong paglaruan!?"Naiiyak nanaman ako.
May inilabas syang Isang red rose.Lantay na iyon.Kinuha ko iyon ng iabot nya sakin.
"Sorry,ngayon ko lang naibigay.Nakakahiya kaseng sirain yung moment ninyo ng gagong yun.Ngayong sinagot mo na sya.Wala na akong magagawa.Stay strong na lang.Sana hindi sya maging kasing tarantado ko."At kasabay nun ay ang paglakad nya ng pasuray suray sa daan.
May pumatak nanaman na luha galing sa mata ko.Bakit ba ang gulo nya?Bakit ba ganito na lang lagi sya?
Nakatitig lang ako sa lantay na rosas na ibinigay nya.May nakakabit doon na note. Nang buklatin ko yun ay lalo akong naiyak.
'Sorry na,balik ka na sakin,mahal pa kita.'
Tangna!Kasinungalingan!
Mabilis kong nabitawan ang payong at binuksan ang gate.Tumakbo ako para habulin si prince.Kahit sobrang lakas ng ulan ay hindi ako nakaramdam ng lamig. Gusto ko syang tanungin! ang gulo gulo nya!
Nakita ko syang naglalakad sa kalsada di kalayuan sa akin.Huminga ako ng malalim.
"PRINCE!" napatigil sya sa paglalakad at hindi lumingon.Umiiyak akong tumakbo sa kinaroroonan nya at niyakap sya ng mahigpit mula sa likuran. "Kung mahal mo pa ko,bat mo ko sinasaktan ng ganito."
"Nasasaktan kita dahil mahal kita." naguluhan nanaman ako.
"Prince,linawin mo naman.Bakit ba parating ang gulo gulo mo."Humarap sya sakin ay niyakap ako ng mahigpit.
"Kagagaling mo lang sa sakit,bakit ka pa nagpaulan?Pasaway ka talaga!"Pinitik nya ang noo ko.
"Bakit ikaw!Naglasing kana,nagpaulan ka pa!"Sumimangot ako.
"Oh?bat nagaalala ka sakin?Pano ka makakamove on nyan sakin."Nakaramdam nanaman ako ng sakit.
"Paano ako makakamove on sayo kung lagi mo na lang akong ginugulo?" Natawa sya.
"Sorry na,last na to.Hindi na kita kukulitin." Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa bewang nya.
"Kung hindi ko ba sinagot si vinz,liligawan mo talaga ako?"Natahimik sya sandali.
"Oo."
"Bakit mo pa gagawin yun kung ikakasal ka na."Ansaket!
Humiwalay sya ng yakap at kinuha ang kamay ko at inilagay iyon sa tapat ng puso nya.
"Kahit ikasal ako sa iba,Sayo pa din to.Ikaw pa din.Sayo pa din.Ako pa din ang payat mong asawa.Hindi man tayo legal na mag asawa.Mananatiling ako ang asawa mo kahit ikasal ako sa iba."Hindi ko sya maintindihan.
"Kung mahal mo ko,di ka magpapakasal sa iba!"Nangilid nanaman ang luha ko.
"Magpapakasal ako sa iba kase mahal kita!"
"ANO BA PRINCE! ANG GULO MO! ANO BANG PINAGSASABI MO HA!?" natawa sya at hinalikan ang noo ko.
"Tara na sa bahay nyo,ihahatid na kita."hindi ako gumalaw.
"ayoko!"
"Umuwi ka na.Baka magkasakit ka nanaman!"
"ayoko sabi!"Sinamaan nya ko ng tingin.
"Uuwi ka o babayuhin kita dito?" nanlaki ang mata ko.Napatili na lang ako ng buhatin nya ko.
BINABASA MO ANG
MY HIGHSCHOOL CRUSH♡
Romans"Luh?Diba yun yung Transferee?"agad kaming napalingon sa taong itinuro ni Lee Colien.Naglalakad ang isang lalaki na nakasuot ng malinis na uniform. Matangkad. Agad akong napalunok dahil shet! ang pogi.Walanjo! "ah!Oo bago lang yan dito.Grade 10.Gali...