Five

104 42 41
                                    


Sky

"Wohh! Ang galing mo Iñigo!"

"Wah! Ikaw na Iñigo! Jowain mo nalang ako, na fall na 'ko sayo!"

What the fuck! Napatingin ako sa babaeng sumigaw nun, tatalon talon na ito habang ang banner na dala ay winawagayway sa ere. Sumampa pa sa railings na nagsisilbing barrier papasok sa court at doon nagtititili.

Yeah, you'll definitely fall, una ang mukha sa sahig kaya nailing na lang ako.

Tiliin na ang naghahari sa buong gymnasium. Kahit practice game lang naman ito ng mga varsity marami paring nanunuod. Kasalukuyang nakapasok si Iñigo kasama si Gin at yung Chen na madalas din nilang nakakasama. Kahit na demanding ang kurso nilang Engineering nagagawa parin nilang isingit ang paglalaro nito. At balita ko ay nalalapit na ang laban nila na ginaganap taon taon sa mga piling university sa buong Cebu.

Nasa kalaban ang bola kaya todo defense ang mga kasamahan niya sa court. Kasalukuyan itong dinidrible ng isang may katangkaran ngunit payat na player ng biglang sumulpot sa harap niya si Gin at bigla itong inagawan ng bola sabay pasa kay Iñigo na nasa may gitnang parte ng court. Nang masalo niya ang bola ay mabilis itong tumakbo sa court nila at pumwesto sa pang three points na linya. Kaya nagtilian nanaman ang mga babae dahil akala siguro nila mag t-three points pero hindi. Napangisi nalang ako.

Tumalon siya na akala mo'y isu-shoot ang bola kaya napatalon din ang nagbabantay sakanya ngunit imbes na ihagis papunta sa ring, pinatalbog niya ang bola sa direksyon ni Gin na walang bantay at puwesto rin sa three pointer line. Pumasok ang bola kaya nag tiliin nanaman ang mga babaeng nagkakagusto din kay Gin.

"Wah! Pero mas the best ka parin Iñ-" hindi na nga natuloy ng babae ang sasabihin at tuluyan nang nahulog sa sinasampahang railings na una ang mukha. Halos marinig pa ang pagtama ng mukha niya sa floor ng gym.

Napangiwi nalang ako. Masakit yun.

Malakas akong natawa at nakita kong tumingala si Iñigo sa direksyong kinakaupuan ko, nasa may hagdan ako malapit lang sakanila, nakapangalumbaba at naghihintay lang ng mga mangyayari kaya kitang kita ko ang aktwal na pagkakahulog ng babaeng nasa kabilang dako naman ng bleachers. Kasalakuyan silang naka time out kaya agaw atensyon talaga ang pangyayaring iyon.

"I saw that. Ang sakit non! Iba talaga nagagawa ng pagmamahal, she broke her nose for you," asar ko sa kanya ng natatawa, umiling nalang siya at ngumisi.

"I know." Akala ko di na siya sasagot ngunit nagsalita pa siya kaya napatingin ang iba niyang kasama sa kanya.

"Ano yun? Kilala mo ba yun?" tanong ng coach nila habang sinasaway ang ibang players na tumatawa habang pinagmamasdan ang babaeng umiiyak at nakahawak sa ilong nitong dumugo habang inaalalayan ng mga kaibigan at ng isang guro palabas ng gym.

"No, I mean... I know she'll eventually fall kung tatayo siya don," paliwanag niya kaya naalis ang atensyon niya sa'kin.

Tumayo na ko at lumapit kay Iñigo. Tapos na ang show ayaw ko ng manatili dito, pupuntahan ko nalang si fat lady.

"Punta lang ako kay fat lady."

Hinanap ko siya sa buong cafeteria ngunit wala siya. Dahil busy si Iñigo sa basketball ay wala akong makausap, gusto ko sana ikwento sakanya yung nagyari doon sa babaeng na fall at sa mga babae ni Iñigo kaso mukhang mauudlot pa dahil nawawala siya.

Hapon na, madalas pag ganitong oras di na siya umaalis sa loob ng cafeteria dahil sa panahong ito konti nalang ang tao doon at may panahon siya para manakot.

Naglakad lakad nalang ako sa mga pasilyo ng paaralan para pampalipas oras ngunit napahinto ako sa tapat ng isang banyo ng pambabae ng marinig ko ang pinaguusapan nila.

Falling For SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon