Eleven

49 15 30
                                    

Sky

"Hindi pa ba tayo babalik?" tanong ko sa kanya.

Akala ko aalis na kami kanina, hindi pa pala.

Halos mag kakalahating oras na kami dito sa loob ng silid at wala kaming ginawa kundi ang manahimik o tumulala.

Sa gitna ng kaguluhan, malaking bagay na ang pagkakaroon ng kahit ganitong kaikling katahimikan.

"You want to go?" tanong niya ng pabulong.

Nakaupo na siya sa katabi kong upuan at nakasubsob na ang mukha sa mesa.

"Ayos lang naman, baka kasi hanap ka na nila Gin." Napasubsob na lang din ako sa mesa at hinarap siya.

Umiling lang siya at nanatiling tahimik.

Natatakpan ng braso niya ang kanyang mukha kaya 'di ko alam kung anong nararamdam niya ngayon.

Natatakot din kaya siya katulad ko?

Nung sinabi ko kasi sakanya ang lahat wala akong nakitang ekspresyon sa mukha niya kundi pag-aalala na mabilis din namang nawala. Ang hirap niya talagang hulaan minsan.

Yung nangyari kasi kay Lance, two years ago ganun din. Galit lang ang nakita ko sakanya ni walang katiting na takot o awa man lang.

Imagine truck yun. Kung nagkataon naging pang giniling si Lance.

Hindi ba siya nakakaramdam ng takot?

At sa halos dalawang taon din na magkasama kami ilang beses na kong umiyak ngunit siya hindi, kailanman.

Nung nagbreak din sila ni Eva hindi ko rin siya nakitang lumuha.

Manhid ba 'to?

Pero makikita mo naman na kahit ganon, may pakialam siya.

He lack emotions or maybe... he's good at hiding it.

"Iñigo... hindi ka ba natakot kanina? Kasi ako parang naramdaman kong tumibok ata ulit yung puso ko sa sobrang kaba." Natawa na ko ng mahina ngunit nanatili parin siya sa ganong puwesto.

"Huy! Iñigo? Inaantok ka ba? O baka naman ngayon ka lang tinamaan ng alak?"

Umiling lang ito at humarap na sa akin.

"Hindi ako lasing." Pero bakit ganyan yung mga mata niya.

"Bakit ang tahimik mo?"

"Bakit? Bawal manahimik?" Aba ang pilosopo.

Sinamaan ko siya ng tingin at aayos na sana ng pagkakaupo kaso hinila niya pabalik ang ulo ko sa mesa.

"Hoy! Ano ba masakit," sabi ko sa naiinis na tono ngunit nanatili parin sa ganung ayos.

"Talaga, masakit?" tanong niya na lalong nagpasimagot sa'kin.

"Bakit? Bawal masaktan?" pilosopo ko ding sabi sa kanya.

May namuo ng maliit na ngiti sa labi niya.

Sandali kong tinitigan ang mukha niya at ganon rin siya.

Ang tangos talaga ng ilong niya. Sana ol nalang talaga.

Ta's yung mga mata niya. Parang ang daming gustong sabihin pero hindi mo magawang mawari.

Ang itim na itim nitong kulay, ang ganda. Para kang nakatitig sa isang abstract painting. Hindi mo magawang intindihin pero may gustong sabihin.

Hindi man lang siya napakurap sa paninitig  niya kaya hindi rin ako kumurap. Staring contest.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Falling For SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon