Six

74 38 32
                                    

Iñigo

"Mga pre, ngayon palang sinasabi ko na sa inyo. Clear all your sched kung may lakad man kayo... Lalo ka na Iñigo!... sa linggo ah," paalam ni Gin sa amin ngunit sakin lang nakatingin ang gago.

"Oo na, tss. Umalis ka na nga," sabi ko sakanya. Ngumiti siya ng malawak at isa isang ng tinapik ang mga balikat namin bago umalis.

Kasalukuyan pa kaming nakaupo sa bleachers at nauna lang siya sa pag-uwi dahil may celebration silang gaganapin sa bahay nila at yung celebration para sa barkada ay sa linggo pa gaganapin.

Pareho kaming nakatanggap ng sulat sa isang prestihiyosong paaralan, last year may nagpunta dito na isang school official galing sa paaralang 'yon para humanap ng mga may potential para mag-recruit ng magiging varsity.

Matagal ng gusto doon ni Gin mag-aral 'di lang talaga siya nabibigyan ng pagkakataon dahil pahirapang makapasok do'n at ngayon andito na sa harap namin ay 'di siya makapaniwala at magpapaparty pa.

"Pre, bakit ikaw hindi mo tinaggap?" tanong ni Chen sabay punas ng pawis sa noo.

Nagkibit balikat lang ako at uminom na ng gatorade. Basketball exist in my life just to kill time, na hindi katulad ni Gin na parang ginawa ng buhay ito. I'm not even thrilled when I accepted the letter. From the start I have no plans of leaving this place and I'm content with my life here. And... I can't leave her here, alone.

"Grabe! Sayang yung opportunity, pare," saad naman ni Owen habang hawak parin ang bola habang dinidribble ito.

"I don't need that opportunity, eventhough I choose to pursue basketball we all know that someday I have to drop it because of the firm. Its a waste of time if I put my life in it," nasabi ko nalang sakanila.

My father owned the most renowed construction firm here in Cebu. I have two elder siblings, Andrea and Elizabeth. Andie is the eldest, she's currently in Manila now with my mom, working. Habang si Eli ay nasa ibang bansa at nasa last year na ng med school. See they both pursue medicine so I'm left with no choice but to take engineering. And also the reason why our house is always empty, kadalasan parang ako nalang ang nakatira doon at ang mga kasambahay and of course Sky.

Umuuwi naman si papa pero madalas sa office na ito namamalagi. Habang si mom at Andie ay halos isang beses sa isang buwan na nalang kung umuwi dito, we have a house in Manila kaya doon na sila simula ng maitayo ito, the main reason is mom, she's always busy with her own clinic and because she's a major share holder in one of the best known hospital in the city.

Kaya nung nalaman niya na may nag offer sa'kin sa isang school doon ay tuwang tuwa siya at gusto niya na agad akong pumunta doon but I told her that I would stay.

"I'll change now, maiwan ko muna kayo."

Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay hinarang na agad ako ng dalawa ng may ngisi sa labi.

"Hindi kami na ang mauuuna," saad ni Chen na nag pakunot sa noo ko at may sinenyas sa kung saan.

"May bisita ka," sabi naman ni Owen kaya napatalikod na 'ko sa kanila. Narinig ko pa silang tumatawa, pagkatapos nilang tapikin ang balikat ko na hudyat na aalis na sila.

Nang lumingon ako sa direksyon ng may kailangan sa akin ay gusto ko nalang agad umalis. I have no time for this, tss.

"Yes?" tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon, namumukhaan ko siya, naging kaklase ko siya sa isang minor class ko last sem. Sa may 'di kalayuan ay natatanaw ko ang dalawa pang babae na nakatanaw lang saamin at may malalaking ngiti sa labi.

'Di agad siya sumagot sa tanong ko kaya naiirita na 'ko. Nakita ko pang namula ang buong mukha nito sabay iwas ng tingin. What now?

"Ms. Kung 'di ka rin naman mag sasalita ay mauuna na k-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ngunit pinutol niya rin agad na akala mo'y natauhan.

Falling For SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon