Nine

64 30 29
                                    


Sky

"The child saw me," tanging nabanggit ko nalang sakanya.

"Child? Where?" sabi niya at napalinga linga nalang sa paligid na para bang makikita niya pa ang bata.

"Wala na, nakatakbo na. Iñigo, nakita niya ako. Tumingin siya sa mga mata ko." Nakita kong may pagkakagulo na bumakas sa mukha niya.

Magsasalita pa sana siya ngunit may isang katandaang lalaki, na nasa mid thirties or early fourties ang pumunta sa banda namin at nagtingin tingin ng libro kaya nanahimik na muna ito at lumayo ng kaunti doon kaya sinundan ko.

"Totoo, tumingin siya sakin tapos sabi niya pa 'salamat ate' tapos bigla nalang tumakbo palayo. Eh wala namang ibang tao doon, kami lang! ... No, I mean siya lang pala." Paliwanag ko ng dire-diretso.

Hindi parin siya nagsasalita. Bakit? Masyado bang hindi kapani-paniwala.

"Hindi ba kapani-paniwala yung sinasabi ko?" Tanong ko sa kanya.

Hindi siya nagsasalita at ng mapadpad na kami sa dulo ng mga shelves, malayo doon sa lalaki ay saka niya ako tinignan.

"I believe you. It just that its the first time after two years that someone saw you. Kahit sa school wala. Ako lang. Kaya panong nakita ka ng batang tinutukoy mo?" sabi niya ng pabulong tsaka nagkukunwaring tinitignan ang mga libro sa shelves.

Napansin kasi namin na napapadako ang tingin ng lalaki sa may gawi namin. Anong problema niya?

"Yun nga din ang pinagtataka ko. Tapos parang alam niya pa yung ginawa ko sa libro."

"Book?" May kinuha siyang isang libro at sinuri ito.

"Muntikan na kasing mahulog sa ulo niya kaya panatalsik ko papalayo pero wala man lang siyang naging reaksyon! Parang 'di man nga siya nagulat o natakot na nagawa ko yun. Shit! Ewan ko ang gulo." Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Don't overthink. Baka katulad ko yung bata," sabi niya ulit ng pabulong at tumitig sa librong nasa kamay niya na ngayon.

Katulad? So ibig sabihin dalawa na silang nakakakita saakin. How? Hindi ko maintindihan.

Pero tama si Iñigo. Hindi dapat ako mag overthink.

Ano naman ngayon kung nakita niya ako. She's just a child and I should be happy atleast.

Lumapit pa ako sakanya at napatingin sa librong hawak niya saka binasa ang description na naka lagay doon.

Napangiwi nalang ako.

"Why are they romanticizing about that kind of situation, it is bullshit!" Nabulalas ko nalang ng mabasa kung tungkol saan iyon.

Its about a ghost falling inlove with a man. A man! Someone who's breathing, someone who's alive!

I would bet my next life, kung mabibigyan man that it would be a sad ending.

"Your mouth. And of course, its a fantasy novel." Sabi niya ng 'di inaalis ang mata sa libro at sinuri pa ang book cover nito. Napailing iling na ako at napadako ulit ang tingin sa lalaki.

"Kilala mo ba yun? He would approach you in a minute," bulong ko sa tenga niya kahit wala namang nakakarinig sa'min.

"Pero di ko maintindihan yung sinabi niya, malabo." Nikata kong tumingin siya gamit ang gilid ng mata niya sa lalaki at ibinalik din ang libro sa shlef.

"I know him. One of my dad's people. Architect ata." Nagulat pa ko sa biglaang pagkuha niya ng hintuturo ko at hinila na ko papalayo doon.

Mukha tuloy siyang galit dahil sa nakakuyom na mga palad. I don't know, he loves his course but he don't want to associate himself with those types of people. Ang gulo niya lang.

Falling For SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon