31 – Kung di lang talaga kita mahal.
Walang imikan na inihatid kaming lahat ni Presbi sa condo namin. Sobrang awkward nga, kasi matapos nilang magkasagutan ni Kitel ay hinatid pa din niya kami. (Malamang alangang paglakarin niya kayo pauwi)
“Sige pare. Salamat sa paghatid.” Si Sprite lang ang nagsalita saming lahat habang tumango na lang si Kuya at si Kitel - ayun nauna nang bumaba.
Hindi ko alam kung anong gagawin, kung bababa na din ba ako or magsstay para kausapin siya. Ewan ko ba, ang tagal na din namin sigurong hiwalay at hindi ko na alam kung pano i-handle yung mga ganitong pangyayari.
But come to think of it… Parang wala naman akong ginagawa everytime nagaaway kami noon. Na most of the time ay siya ang gumagawa ng paraan para magkabati kami. Kasalanan man niya o hindi. Siya pa rin ang gagawa ng paraan para magkaayos kami. He’ll bring flowers, chocolates or surprise me somewhere then BAM okay na kami ulit. Never nangyari na ako ang sumuyo… na ako ang nanlambing.
So malamang talaga Corr hindi mo talaga malalaman.
“Uh… I’ll go ahead…” I said – a bit unsure on what to do.
Oo na! Hindi ko talaga alam. So why would I stay and make everything more complicated and awkward?
“I’ll see you tomorrow?” He said… No, patanong iyon. Kaya agad akong napaharap sa kaniya. Hindi ko sadyang mapakunot ang noo dahilan kung bakit umiwas siya ng tingin.
C’mon, what did I do na naman?
“We have a date, di ba?” Medyo naiirita na sabi niya—SHOCKS! Oo nga pala! May date kami! Shit. Nastress kasi ako kay Tito Johnny at kila Kitel kaya nawala na tuloy sa isip ko yung date bukas.
“Nakakainis ka.” Busangot niya, obvious ang pagkairita niya sa pagkakalimot ko.
“Sorry, nawala sa isip ko—” At nakita kong mas lalo siyang sumimangot pa ng humarap sakin. “No. No. I didn’t mean that! Ang ibig kong sabihin, na-stress lang ako sa nangyari kanina kaya ayun nawala sa loob ko—Okay that didn’t sound right either.” Mabilis kong sinabi at yumuko.
What the hell are you blabbering about, Corr? Argh!— Narinig ko siyang nagbuntong hininga ng pagkalakas lakas, na para bang pilit niyang pinapahaba ang kaniyang pasensya.
“Kung di lang talaga kita mahal.” He suddenly said kaya napatingin ako sa kaniya.
“What—”
“Dahil nainis ako sayo, I’ll pick you up at six, tomorrow morning, okay” He said, now smiling like a kid. Bipolar talaga 'to! Kanina busangot mukha tapos ngayon ngingiti ngiti na naman.
“SIX?! Are you for real?! Ang aga ‘non!”
“Well… if you think about it, five na lang! Para mas sulit.” He said with finality, giving me that oh-so smile of him.
Hay… Kung di ka lang talaga gwapo.
“What? Hey! I heard that.” He smirked.
WTF?! Napalakas ba?
**
So yun nga ang nangyari. Wala pang araw ng tawagan ako ni Presbi na nasa baba na daw siya ng condo namin at nagiintay.
“Let’s drive-thru. Hindi pa ako kumakain.” Sabi ko na parang bata habang itinaas sa ulo ko ang suot suot kong Ray-Ban, pero ang aga aga yata at wala na agad sa mood si Presbi.
BINABASA MO ANG
What happened to us? Season 1
Ficción GeneralSeason 1: What happened to us? Corr's POV "What happened to us Corr? It wasn't perfect but we we're so happy." "It was, but you ruined it."