Chapter 2

2K 51 3
                                    

ISABELLA POINT OF VIEW.

PAG-KATAPOS nang pinaka huling subject namin lumabas na ako pero biglang may humablot sa buhok ko

"Aray ko." Daig ko dahil pakiramdam ko mawawalan ako ng buhok dahil sa higpit nun.

"Lumayo ka sa boyfriend ko." Bulong nung taong humila sa buhok ko, lumingon ako at nakita ko si Megan.

Ang girlfriend ng kaibigan ko.

"A-Ano bang pinagsasabi mo?" Nag-tatakang tanong ko.

"Oh, please. Wag ka ngang painosente!" Sabat na sigaw nung kaibigan niya, agad na nag-dikit ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Napailing ako, ano bang problema ng mga taong to, kaibigan ko lang si Blake!

"Kaibigan ko lang siya, Megan. Isa pa hinding-hindi ako pumapatol sa kaibigan." Paliwanag ko.

Ramdam ko ang pagkaluwag ng pagkahawak niya kaya naman mabilis akong humarap sakanya.

"Totoo ba yang sinabi mo?" Tanong niya sakin.

Sasagot na sana ako ng biglang may umeksena at sinampal ako!

"Walang hiya ka! Tigilan mo ang bait-baitan alam ko namang nasa loob ang kulo mong babae ka!" Malakas na sigaw ng ate ni megan.

"Ate! Ano ba." Inis na sigaw ni Megan at hinawakan niya ang balikat ang ate niya.

"So pinagtatanggol mo na siya ngayon?! Kanina lang galit na galit ka sakanya!" Sigaw ng ate nya sakanya.

"A-Ate, tama na. Mas ayoko yung nangingielam ka alam mo yun! Kapag away ko! Away ko." Mariin na wika ni Megan.

"Pasensiya na kung dahil sakin, nag-aaway kayo." Mahinahon na wika ko at umalis na dun.

Pagkauwi ko umakyat agad ako kahit pa tinatawag ako ni mama ayaw kona bakit ba laging ganito.

Bumuntong hininga ako at tumingala at tumitig sa kisame, hindi ko alam kung makokonsensya ako dahil nag-away na naman sila dahil sa'kin.

Madami na akong nasirang magkakapatid ang bobo ko.

Bumuntong hininga ako pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata.

"Anak bumababa kana at kakain na!" Sigaw ni mama.

"Pababa na po!" Pabalik kong sigaw inayos kona ang sarili ko pumunta mona ako sa CR at nang ayos at nang palit ako nang damit at tinanggal ang nasa mukha ko salamin brace at inayos kona ang buhok ko nang iba nanamn ang buhok pinag-halong pink and gold.

BLAKE POINT OF VIEW.

"TITA? Tao po."

"Oh? Blake? Ikaw ba yan?" Tanong ni Tita mula sa pintuan.

Napakamot ako ng batok. "Oho, kakamustahin ko lang 'ho sana si Isabella, tita." Nakangiting wika ko.

"Ay saktong kakauwi palang niya. Hala sige pumasok kana." Nakangiting pag-aaya sakin ni tita.

Binuksan ko ang gate at mabilis na pumunta sa pintuan upang makapasok, dinala ako ni Tita sa dining table dahil saktong kakain na daw.

"Ano palang problema? Umuwing wala sa mood ang alaga ko na 'yun." Pag-uusisa ni tita habang naghahanda ng plato.

"May hindi lang po kami nagkaintindihan ni Isabella, Tita. Kaya kakausapin ko po." Nakangiting wika ko.

"Ah, sana ay magkaayos kayo." Nakangiting sabi ni Tita na agad naman akong tumango.

"Mama?"

Sabay kaming napalingon ni Tita na marinig ko ang boses ni Isabella. Ngunit napahinto ako sa ginagawa ko ng makita kung ano si Isabella ngayon...

"I-Isabella? Ikaw ba 'yan?" Hindi makapaniwalang tanong ko sakanya.

Mas lalo akong napatitig sakanya, ang mahaba nitong buhok na kulay pink na may halong ginto at angga mata nito ay blue.

IBANG-IBA SIYA SA NAKIKITA KO SA SCHOOL.

"B-Blake..." Gulat na sambit niya sa pangalan ko at halatang natigilan din.

"Hihintayin ko kayo, sa garden na muna kayo mag-usap." Sabat ni Tita.

Agad na tumango si Isabella at nauna na sa garden agad naman akong humabol sakanya.

"Magtapat ka nga sakin, Isabella. May crush ka ba sakin kaya ganyan itsura mo?" Gulat pa ding tanong ko sakanya, at tumabi sakanya.


Tumingin siya sakin na hindi makapaniwala. "Bobong 'to. Umayos ka nga, magkaibigan tayo at isa pa totoong ako to. Hays pano ko ba ipapaliwanag." Problemang wika niya.


Natatawang tinapik ko ang balikat niya. "Ayos lang, atleast ngayon alam ko na."


ISABELLA POINT OF VIEW.

"ISABELLA." Agad akong napalingon sa tabi ko ng biglaang tawag sakin ni Blake.

"Ohh?" sagot ko.

"Pasensya pala sa ginawa sayo ni Megan." Problemadong sabi niya.

"Hindi, ayos lang." Nakangiting wika ko.

"Oo nga pala." Biglang sambit niya, kaya naman napatingin ako sakanya.

"Aalis na muna ako, kailangan kong lumilat ng ibang school at ibang matitirahan, at kung hindi ako pumayag malalagot ako kila mama." Sabi niya."At pasabi kay Megan, wag siyang mag-alala babalikan ko siya." Dagdag niya, kaya naman mas lalo akong napatingin sakanya.

"Naghiwalay kayo ni Megan?" Gulat na tanong ko, tumango naman siya agad naman akong natigilan. "D-Dahil ba sa'kin?" Nakokonsensiya kong tanong.

Agad naman siyang umiling. "I-Isabella. Hindi, para din saamin to kasi kung magpapatuloy lang kami kung ano kami baka hindi niya makayanan ang LDR. Ayoko dumating na may magloko saaming dalawa kasi malayo kami sa isa't-isa."

"Wala kang tiwala sakanya?" Malungkot na tanong.

Sarakastiko siyang napatawa. "Sobra-sobra ang tiwala ko kay Megan."

"Eh ano pala?"

"Wala akong tiwala sa sarili ko, Isabella." Mahinahon na wika niya, kaunti palang nasabi niya pero sobra kong naintindihan.

Bumuntong hininga ako at lumapit sakanya at tinapik ng mahinahon at mabagal ang balikat niya.

"Natatakot lang ako na baka, magsawa ako kasi ganun ang sitwasyon namin. Oo sobrang babaw pero ayokong mahirap siya o ako."


"Makakarating ang lahat ng sasabihin mo sakanya, wag kang mag-alala ako ang bahala sakanya ako ang magiging kaibigan niya." Mahinahon na paalala ko kay Blake.

Nakangiting lumingon siya. "Maraming salamat ah, ang swerte ko talaga sayo."

–WeAreLoveSickGirls07

The Long Lost Powerful Princess | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon