Chapter 10

1.1K 35 2
                                    

ISABELLA POINT OF VIEW.


"MAGHANDA KAYO!" Biglang sigaw ni sophia nahalata na kasi niyang isang huwad ang kasama namin, kahit ano pang manggagaya mo sa isang tao.


"Ice dagger! Ice ball! Ice heart!" sigaw ko.

Lahat ng puounta sa harapan ko ay ganun ang tira ko. Ialalabas ko na sana ang kapangyarihan ko ay agad naman biglang sumakit ang ulo ko.

Mahigpit akong napahawak sa ulo ko at biglang lumabas ang mga imahe kung ano ang nangyayari ngayon sa acedemy pati ang hari at reyna kung hindi namin sila tutulungan lahat sila mamatay, may naramdaman akong sumalo saakin muntik na pala akong matumba napatingin ako kung sino ang sumalo sakin.

"Salamat, Mikael." Pag-papasalamat ko. Kumawal na ako sa pagkakahawak niya at tumingin ako kila Megan. Tumango siya sakin kaya naman tumango ako sa'kanya.

"Humawak kayo saakin," malamig kong wika nagtataka naman silang tuimingin hindi ko yun pinansin.

"Mauna na kayo, siguraduhin mong walang masasaktan sakanilang lahat." Mahinahon na wika ko tumango naman siya at naglaho na lang bigla.

"Bakit anon----" hindi kona pinatapos ang sasabihin ni kuya blake.

"Acedemy." Agad din naman kaming nag-laho at naandito na kami sa opisina ng HM. Agad ko din natanaw ang mga hari at reyna ng iba't-ibang kaharian.

"Ama! Ina!" Sabay-sabay na sigaw nila at nagsilapitan sa mga reyna at hari.

Umiwas naman ako ng tingin at pumuntang pintuan ng HM para silipin kung meron bang dadaan na kalaban.


"Lumusob ang mga dark users habang wala kayo, at ang pagkakaalam ko hindi sila basta-basta makakapasok ang mga kalaban." Wika ni HM agad din akong napalingon sakanya.

"May traidor kung ganun." Seryosong wika ko. Agad naman sumang-ayon ang lahat naandito.

"Kailangan na nating makalabas dito. Dahil baka mapaano ang ibang nasa ilabas." Nag-aalalang wika ni Megan.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ko ang pag-bukas ng pintuan at itinulak yun papalabas. Isa-isa ko silang pinalabas hanggang sa nahuli ang mahal na reyna ng lengdary.

"Sino ka?" Seryosong tanong niya sakin.

"Isabella Reyes po, mahal na reyna."

Habang naglalakad kami ay palihim akong gumagamit ng kapangyarihan kasi naman maraming lumalapit na dark users.


"Doon tayo sa kanan, Megan, Blake at sa kaliwa naman kayo Reign, Sophia at Joelle at sa gitna naman kayo Franco, Zayn at Mikael." Paliwanag ko.

Lahat sila ay sumang-ayon sa sinabi ko kaya naman nagka-hiwalay hiwalay na kami.

"Lahat kayo mag-sipasok!"

Lahat naman ng estudyanteng nakikipaglaban ay pumasok pwera sa mga meron nang kapangyarihan.


"Oh? Naligaw ka ata ng pupuntahan, ate." Pang-aasar ni Megan sa kapatid niya. Napangisi naman ako sa pang-aasar niya.

The Long Lost Powerful Princess | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon