CHAPTER 25 - BREAK UP -

761 30 1
                                    

- BREAK UP -

Chapter 25...

Isabella's POV.

"MAY TRANSFER DAW!" Sigaw ni Princes. Binaba ko ang hawag kong libro at tiningnan siya.

"Sino?" Malamig kong tanong sa 'kanya.

"Ex ni Prince." Walang-ganang sabi sa'kin ni Princes. Tumango na lang ako at muling tinutok ang mga mata ko sa librong hawak ko.

Masama ang kutob ko sa Ex ni Prince. Sana mali yung kutob kong to.

"Okay ka lang ba Isabella?" Nang-aalalang tanong sa'kin ni Yve. Binaba ko ang librong hawak ko at tumingin ako kay Yve.

"Oo naman, bakit?" Taka kong usal sa 'kanya.

"Baka nag-seselos ka---"

"Bakit naman ako mag-seselos? Wala na sila at may tiwala ako kay Prince." Seryoso kong usal sa 'kanya. Umiwas nang-tingin si Yve habang si Princes seryosong nakatingin kay Yve na para bang may-inaalam.

"Bakit? May-nakita ka bang kahina-hinala kay Prince?" Seryoso kong tanong sa 'kanya.

"A-ah? W-wala." Na-uutal niyang usal sa'kin.

"Yun naman pala." Nakangiti kong usal sa 'kanya.

Tumayo ako at umakyat.

Princess's POV.

"ANONG ALAM MO? Alam kong may-alam ka Yve." Seryoso kong tanong sa 'kanya.

"W-wala." Na-uutal na usal niya.

"Sasabihin mo o ako mismo ang tutuklas nun Yve binabalaan kita." Mas-seryoso kong tanong sa 'kanya. Bumuntong hininga siya at tumingin sa'kin.

"Nakita ko kagabi si Prince lumabas siya kaya naman sinundan ko siya na-crious kasi ako sa 'kanya. Gabing-gabi na kasi nun. Habang sinusundan ko siya dinala ako sa garden..." Bumuntong hininga muna siya at tinuloy ang pag-kwekwento.

"Nakita kong nag-hahalikan silang dalawa ni Candy." Nakayuko niyang usal sa'kin.

Tumayo ako at hinawakan si Yve sa balikat at seryosong tiningnan siya.

"Sabihin mong nang-sisinungaling ka lang Yve." Nakikiusap ko sa 'kanya. Seryoso siyang tumingin sa'kin.

"Lahay yun... Totoo Princes." Seryosong usal niya sa'kin. Napa-hilamos ako nang mukha dahil sa inis.

Bakit mo yun nagawa Prince? Alam mong gaano kaharap ang pinag-dadaanan ni Isabella.

"Kailangang malaman to ni Isabella." Bigla kong usal kay Yve. Pero pinigilan ako ni Yve.

"Wag mong sasabihin sa 'kanya." Seryosong sabi sa'kin ni Yve. Taka ko siyang tiningnan.

"Bigyan mo ako nang-rason kung bakit ko hindi sasabihin kay Isabella ang mahalagang bagay na yan?" Inis kong sambit sa 'kanya.

"Mahirap ang naging takbo nang buhay niya nakaraang araw. Alam kong nasa-isip pa niya yun." Nang-aalalang usal ni Yve. Naupo ako dahil may-puno siya sa sinabi niya kailangan mo nang mag-pahinga ni Isabella.

The Long Lost Powerful Princess | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon