ISABELLA POINT OF VIEW.
NAGISING AKO nang merong umalog saakin kaya dali-dali akong bumangon at tiningnan nang masama ang kung sinong umalog saakin pangtingin ko si goddess Aphrodite namutla naman sya sa titig ko.
"A-Ano kasi... pasensiya na po mag-eensayo na ho kasi kayo." Utal na sabi niya, tumango ako at pinalabas siya.
Bastos na kung bastos naistorbo niya ang maganda kong tulog.
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at pumuntang banyo, pagkatapos kong maligo agad akong nag-hanap ng maisusuot hindi naman ako nahirapan dahil nakahanap ako.
Bumababa na ako at bumungad ang magandang mga god and goddess.
"Maraming salamat, mahal na prinsesa." Nakangiting bungad sakin ng mga kasama ko.
Ano naman ang pinag-sasalamatan nila?
"Para saan?" Nag-tataka kong tanong sabay upo sa tani ni Goddess Rhea.
"Sinabihan mo kaming, magaganda." Nakangiting sagot ni Goddess Rhea.
Huh? Papaanong...?
"Nababasa namin ang isip ninyo, mahal na prinsesa." Nakangising wika naman ni Goddess Artemis.
Napatango na lang ako dahil ito ang pinasok ko ang mundo ng mortal.
Pero kahapon ko pa ang pinag-tataka ang tawag nila sakin ay Mahal na Prinsesa.
"Saglit, kahapon ninyo pa kasi akong tinatawag na mahal na prinsesa." Wika ko, nag-seryoso naman ang mga mukha nila.
As if matatakot na ako sa pagseseryoso sila mga mukha silang tanga.
"Malalaman mo sa tamang panahon, mahal na prinsesa." Seryosong sagot nilang lahat napa 'ahh' na lang ako at kumain na kami pagkatapos nawala silang lahat expect kay Goddess Rhea siya ang unang mag-sasanay sakin.
Naandito na kaming dalawa ni Goddess Rhea sa area.
"Handa ka na?" Seryosong tanong ni goddess Rhea tumango ako at sumeryoso na.
"Umupo ka sa gitna at palabasin mo ang dragon nang wind," wika niya umupo ako sa gitna.
"May pagsubok kang pagdadaanan babalikan mo ang dating sakit o lungkot dapat kayanin mo." sagot ulit nya.
Tumango sinundan ko ang sinabi nya na pumikit ako pumasok ang alalang matagal kong kinakalimutan.
Ito ang nakaraan 'kong kinalimutan ko na. Kitang kita ko kung papaano ako umiyak habang papunta kay Mama. Ayaw ko nang balikan ang nakaraan na 'to pilit ko na 'tong kinalimutan. At hindi ko akalaing gagamitin ang eksenang ito sa pag-sasanay ko.
Napahinto ako nang biglang unti-unting may lumabas sa katauhan ko para ako itong hinahati sa sakit. Sobrang lakas nun at hindi ko kakayanin kong biglang lalabas ang gustong lumbas.
BINABASA MO ANG
The Long Lost Powerful Princess | Completed
FantasySEASON #01. Isang salitang mayroon ako salitang WEIRD ang salitang yan ay meron ako lahat na ata eh. hindi kayo maniniwala meron akong, Kulay gold na mata. Pag nagagalit ako nagiging bloody red. Ang buhok ko pinag halo nang pink and gold, Mismo nga...