"Ma, pwede po ba akong magtransfer ng school this coming semester?" tanong ko kay Mama. My hands are shaking. Ngayon lang kasi ako magsisinungaling sa kanya.
"HA?," napatigil si Mama sa pagkain. Dinner time kasi. We always talk about things habang nangdidinner. "Bakit naman? Akala ko ba di ka aalis dyan kasi nanduon si Jean?"
"Ano kasi Ma, medyo di ko gusto yung pagtuturo ng mga teachers. Masyadong mabagal compared sa iba." Tama ba yung reason na yun? Aba'y malay ko. Sana naman. * fingers crossed.
"Sabagay, yun nga rin sabi nung ibang mga nanay na kilala ko. Saan mo naman balak mag-school, Maria Cristina?"
"Sa ano po.. sa Manila."
Napatigil na naman si Mama. "Bakit naman duon pa? Marami pa namang ibang schools dito ah. Naku, kung ang balak mo lang eh mag-boyfriend, papayagan naman kita diba? Wag ka nang lumayo."
"Di naman po yun ma," At hindi ko biyfriend ang dahilan mama. At kahit kelan, di ko yun magiging boyfriend. "Marami kasing universities sa Manila diba? MAs marami akong mapagpiilian. Sige na Ma, please."
"So, magbo-board ka? Ganun ba yun Maria Cristina?"
Tumango ako. Nag-iisip ng malalim si Mama for sure. Kasi tinatawag ang mahiwaga kong pangalan ng buong-buo.
"Opo. Mama."
5 minutes. Saksakan ng tahimik that whole 5 minutes.
"Di Mama," singit ni Prince, kapatid kong epal. "Gusto niya lang talaga mag-boyfriend."
"Manahimik ka Prinsipe. At di ko pa nakakalimutang nakita ko si Jonnah sa ilalim ng kama mo kagabi." Si Jonnah yung girlfriend ni Prince. Hahahha. Buti nga.
"Ma?"
"Sige, mag-deny ka pa at mawawalan ka ng baon buong linggo."
"Mama naman," he complained.
"Oh, ngayon, ako nga di ko pa yun nagagawa ever!" pang-aasar ko.
"Tama na yan." sabi ni Mama. "Naririnig kayo ni Fifi."
"Ayoko naman ng berpren (boyfriend) Mama. Ikaw lang love ko." sagot ni Fifi.
"Good yan Sophia."
"So.. Mama?" tnaong ko.
"So ka dyan? Wag mo kong pinapairalan ng arte mo MAria Cristina." sabi niya.
"Ano na nga po kasi decision niyo Ma?"
DRUMROLL. TUGUDUG. TUGUDUG.
"O sige, pwede ka nang pumunta sa Manila next sem."
YES! Pumayag na si Mama!! Tuwang-tuwa lang ako. At least, nabawasan na problema ko.
"Pero, pwede mag-boyfriend. Bawal mag... Alam mo na siguro yun diba?"
"Opo Ma, trust me. Di ko yun gagawin."
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
"So, ayun nga. Pumayag na si Mama." kwento ko kay Jean.
"Ha? Ano sabi mo?"
"Pupunta ako ng Manila."
"Sus, pasalamat ka mabait Mama mo. Kung hindi.."
"Oo nga eh. Pero pwede bang sa inyo muna ako mag-stay nun? Habang di pa kao nakaka-enroll sa Samson?"
"Oo naman, alam mo namang welcome ka sa bahay."
"Thanks. Love talaga kita." yakap ko kay Jean.
"Naku, love din kitang bruha ka."
At least, Samson nalang ang problema ko. HAAAAAY.
.End.