ꨄ︎MIKHAILꨄ︎
"Sige na please, i-train mo na ako." Jaylene pleads.
Nag-angat naman ako ng tingin mula sa file binabasa ko, she pouted and sinubukan ang puppy eyes. But it doesn't suit her.
"No." Sagot ko at saka ibinalik ang tingin sa papel.
"Eeeeeh! sige na!" She whined and I rolled my eyes.
Kakagaling niya lang kasi mula kay Kapitan at may solo mission na ibinigay sa kanya kaya kinukulit niya ako na i-train siya for preparations.
"Tigilan mo nga yan si Mikhail, Jaylene. Kapag ikaw biglang ginilitan niyan sa leeg." Jaypee warned.
"Saka bakit ako? nandyan naman si Kia or si Gemma." I said.
"Eh kasi ikaw yung nandito eh." She said sheepishly, sinamaan ko naman siya ng tingin and she pouted again. "Sige na kasiii." She pleads again.
"Mahal ang talent fee ko." I muttered.
"Babayaran ka naman ni Jaypee eh."
"At bakit pati ako nasama diyan!?" Inis na tanong ni Jaypee habang kumakain ito hindi kalayuan sa amin.
"Jayp, ikaw na nga lang mag-train sa isang ito. Sumasakit ulo ko." I said at saka hinilot ang sentido ko. "Kapag masakit pa naman yung ulo ko, bigla akong nananaksak." Dagdag ko.
Kaagad naman na umalis sa tabi ko si Jaylene at patakbong lumabas ng barn, I chuckled at her reaction bago ipinagpatuloy ang pagbabasa ng file.
"Busy ka ba talaga?" Jaypee asked.
"Yup, may binigay na kaso sa akin si Kapitan eh." I said.
"Kaso? anong kaso?" He asked in confusion. "Parang ngayon ko lang narinig na tumatanggap na tayo ng mga case." He said.
"Lagi ka kasing out of the country kaya hindi mo alam." I said and chuckled. "I was the leader of the investigation team together with Harley, pero minsan lang kami magamit since wala namang masyadong 'case' tayong natatanggap." I explained.
"Really? anong 'case' naman yang hawak mo?" He asked.
"It's about an organization named 'The Empire'" I said at saka tinignan ang papel na hawak ko. "According to the source, they are recruiting some rich families to be with them."
"Are they a good or bad organization?"
"We still didn't know, kaya nga ibinigay sa akin itp para imbestigahan ko." I said at saka sumandal sa kinauupuan ko. "So kamusta ang Afghanistan?" Natatawang tanong ko and he grumbled.
"Nakakasawa mga pagkain doon." Reklamo nito. "Buti nga at na-kumbinsi ko si Gemma na umuwi kaagad pagkatapos ng misyon namin doon." He said.
I snickered. "Basta usapang pagkain ikaw na talaga." I said.
"Kamusta pala kayo dito habang wala kami? for sure naghasik na naman ng gulo yung babaeng iyon no?" He asked.
He was pertaining to Jaylene. "Nah, nandyan naman si Harley. She was Gemma's discipline officer habang wala siya." I said
"I forgot about her." He said at saka itinapon ang styro na pinaglagyan ng in-order namin na pagkain. "Laging mainit ang dugo non sa babaeng yon." He commented
Bumukas naman ang pinto ng bark at sumilip mula doon ang isa sa ka-team namin sa Gamma Team.
"Villajuan, pinapatawag ka ni Kapitan." She said at saka umalis, nagkatinginan naman kami ni Jaypee at kahit nagtataka ay tumayo ako at tinahak ang daan papunta sa opisina ni Captain Davis-Middleton.

BINABASA MO ANG
The Assassin
ActionThe Black Rose Series #2 Assassin - specialize in positioning and artful killing. They strike when the time is right - no sooner, no later.