ꨄ︎MIKHAILꨄ︎
Isang linggo na ang lumipas matapos ang mga nangyari, thankfully wala ng nagtangkang sumunod sa mga gustong pumatay kay Lloyd.
And also, nabalitaan ko na ipinadala na si Jaylene sa kanyang first solo mission. Ang ibalik ang file na originally sa Blood Moon pero kinuha ng mga Valencia.
Hope she's safe.
"Sir nandito na daw ang mga financial account na kailangan niyo." I said at saka inilapag ang mga papeles sa lamesa niya, pero mukhang hindi niya yata ako narinig dahil nanatiling nakatulala ito sa kawalan habang kagat-kagat ang lapis. "Sir?" Pagtawag ko dito.
Pero hindi niya pa rin ako narinig.
I sighed at padabog na inilapag ko ang mga kamay ko sa lamesa niya, since kahoy iyon lumikha ito ng malakas na tunog na dahil para mabali ang lapis na kagat niya dahil sa gulat.
"What the fuck!? what is your problem?" Inis na tanong nito.
"I'm afraid that you need to go back to work." I said at saka lumakad palabas ng opisina niya.
"Tan mandona" (so bossy.) he mumbled, I smirked and turned the doorknob.
"¡Entiendo que!" (I understand that!) sagot ko bago tuluyang lumabas ng opisina niya, leaving him in a shock state.
Lagi na lang siyang ganyan everytime na papasok ako sa office niya, since wala din naman akong ginagawa. Tinutulungan ko si Jericho sa mga 'secretary duties' niya.
He almost cried when I told him that by the way.
But since that delivery guy tried to kill him, naging ganoon na siya lagi. I wonder kung may kinalaman iyon sa sinabing pangalan ng lalaki.
I need to find out that.
"Mikhail goddess! thank you for gracing your presence to me!" Jericho exclaimed and I gave him a weird look. "Hehe, kailangan kasi itong ihatid sa marketing department eh sa kabilang building pa iyon." He said.
Kinuha ko naman ang envelope na iyon.
"I'll do it, keep an eye to Sir Lloyd while I'm gone." Utos ko at saka iniwan sa doon. Tinahak ko naman ang daan papuntang kabilang building kung saan nandoon daw ang Marketing Department.
"Nakita mo na ba yung kasa-kasama na babae ni Sir Peterson?" Napahinto naman ako sa paglalakad ng marinig iyon, it turns out na mula iyon sa CR ng mga babae.
"Yup, ang puti niya! may dugo pa kaya yung isang yon?" Sagot naman ng isang babae.
Isang linggo pa lang ako dito sa kumpanya may chismis na kaagad sa akin?
Sumandal naman ako sa dingding at pinakinggan ang usapan nila.
"Maputi lang yon, di naman maganda."
"Wait, ano ba siya ni Sir?"
"Di ko alam, pero narinig ko mula kay Selena na fiance daw siya ni Sir kaya laging nandito."
Tumaas naman ang kilay ko ng marinig iyon, okay what the fuck are they saying!?
"Sure ka? eh bakit wala akong nakitang singsing sa daliri?"
"Uso na ngayon yung ringless engagement no!"
"Pero di ko siya bet para kay Sir."
Lumabas naman ako mula sa pinagtataguan ko and I stepped inside, tuloy pa rin ang usapan nila.

BINABASA MO ANG
The Assassin
AçãoThe Black Rose Series #2 Assassin - specialize in positioning and artful killing. They strike when the time is right - no sooner, no later.