Shit! Shit!
Agad kaming napabangon ni Xenon. Taranta akong napatingin kay Dad. Galit na galit ito at parang onti na lang ay bubugahan kami ng apoy.
Nakatayo kami sa gilid ng kama.
"Sir, I'll explain." Kalmadong sabat ni Xenon.
Ipinunta niya ako sa kaniyang likod pero hindi talaga ako mapalagay.
"WHO FUCKING ARE YOU?!" Matalim ang matang nakatingin kay Xenon at bumaling sa akin. "LAVINIA CARLA!" Sumugod si dad kaya humarang ako kay Xenon.
Takot na takot ako ngayon. "D-dad... please, calm down!" Pilit pa rin akong humaharang kahit na hinihigit na ni dad si Xenon.
Hinarap niya si Dad na para bang walang katakot-takot. Alam kong sasaktan ni Dad si Xenon. Napasabunot ako sa sariing buhok .
"Mahal, okay lang." Bulong niya sa akin. Umiling-iling ako at hindi ko mapigilang umiyak. "I'm Xenon, boyfriend of-"
Nagulat ako ng malakas na hinigit ni Dad si Xenon para mapalayo sakin at saka niya sinuntok.
Oh my ghad!
Nakatiim ang bagang ni dad. "Who are you to enter Lavinia's room?!"
Si mommy at ako ay napasinghap nang suntukin ulit ni dad si Xenon sa mukha.
"Dad!" Pigil ko.
Matalim siyang tumingin sa akin. "I will not miss it!"
"X-xenon!" Nilapitan ko siya pero hinigit ako ni mommy. Matalim rin ang pagkakatingin niya sa akin at halatang dissappointed. "No dad!" Nagpupimiglas ako kay mommy.
Minsan ay naiiwasan ni Xenon ang suntok ni Dad. Hindi rin naman siya makaganti at pilit niyang pinapakalma si Daddy.
"When did you come here? My daughter is getting married to someone else!'
"I know Sir. But I will not allow it."
Kitang kita ang mga litid sa kaniyang leeg. Halatang gigil na gigil siya kay Xenon na mas lalo kong ikinaba.
Hinawakan ni Dad sa Damit si Xenon saka hinigit palabas ng kwarto ko. Wala man lang ginawa si Xenon para protektahan ang kaniyang sarili. Mas lalo pa tuloy akong napaiyak.
"Dad! Xenon! Oh my ghad!"
Palabas na rin sana ako kaso pinigilan ako ni Mommy. "Hayaan mo na ang daddy mo!"
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hahayaan niya lang saktan si Xenon sa kamay ni Dad? Aano kung mapatay ni Dad si Xenon? Oo nga,galit din siya sa nagawa ko.
"Ang tigas ng ulo mo, Lavinia!" Sigaw ni mommy.
"You know what Mom, I don't know if you're my true parents."
"How dare you?" Masungit na tanong niya.
Pinahid ko ang luha ko. "Bata pa lang ako lahat ng gusto niyo ay kailangan ayun ang masusunod. Hindi niyo man lang inaalam kung ano talaga ang gusto ko. Paano niyo nga pala malalaman? Busy kayo sa trabaho." Napatawa ako ng mapait. "Bumabawi kayo sa mga material na bagay pero hindi pa rin mawala-wala ang pagiging Dictador niyo sakin at kulang na lang pati paghinga kayo na rin ang magdesisiyon. Sakal na sakal na ako pero dahil kay Xenon narealize ko na baka ginagawa niyo lang lahat 'to kasi mahal niyo ako. Ginawa ko ang lahat para mapalapit ang loob natin. Alam kong galit kayo sa pagtakas ko, gusto ko lang naman ng pahinga. Gusto kong lumayo sa pagkakakulong ko sa mga disisyon niyo. Gusto ko munang maging malaya kahit konting oras lang. Simula bata naman ako, pinagbibigyan niyo ako pero ni isa, isa sa mga gusto ko ay walang nasunod. Pero pati ang taong mahal ko ay sasaktan niyo, hindi ko na alam."