EIGHTEEN

6.4K 93 4
                                    

Nagising nga ako nang wala na siya sa tabi ko ngunit may iniwan naman siyang note sa side table ko.




Good Morning, Mahal. Sobrang himbing ng tulog mo kaya hindi na kita ginising. Don't worry babalik ako. I love you.





Napangiti ako pagkatapos kong basahin ang sulat niya. Ngayon ko lang rin nakita ang sulat niya, ang ganda parang tinalo pa ang sulat ko.





Kinuha ko ang libro kong nakatabi sa side table ko at doon ko inipit yung notes niya. Mahirap na at baka makita pa ni mommy kung sakaling pumasok siya.





Saktong pumasok si mommy sa kwarto ko kaya itinabi ko yung libro. Halatang may pupuntahan siya dahil ayos na ayos siya.





"Aalis kami ng daddy mo. Don't try to run away again, baby." she smiled sweetly. "Don't worry, may pasalubong kami sayo. I love you."






Tumango lang ako at tuluyan na siyang umalis sa kwarto ko. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo upang mag-ayos sa aking sarili.






it's a new day! I'm excited to see him again. It's okay if mommy and daddy leave. Xenon could easily get into my room. Henry doesn't even come into my room without my permission so we won't be caught either.





I don't have any gadgets kaya ang ginawa ko lang sa umaga hanggang tanghali ay nanuod ng t.v. sa kwarto ko. Mabuti na lang at kahit t.v. ay hindi nila pinagkait. Bumababa lang ako sa tuwing nagugutom ako. Henry let me doing whatever I want but he still kept an eye on me even when he was out of my room. Basta hindi ako umalis ng bahay.





I missed Daniela! Sana nakakapunta siya rito kaso ayaw nila mommy sa kaniya. Maybe because they knew that Jax was her boyfriend and She was one of the reasons I left in this house.





"Mahal." Tawag ko kay Xenon. Nanatili lang siyang nakayakap sa baywang ko habang nanunuod ako. "Hmm?"





Pinaglaruan ko ang daliri niya. "Paano kung buntisin mo na lang ako para hindi matuloy ang kasal namin?"





Sumeryoso ang mukha niya. Hindi ko alam kung nagustuhan niya ang sinabi ko o hindi. Napabuga siya ng hininga. "Hindi natin yan gagawin, Carla. Nag-aaral ka pa."





So, kapag tapos na akong mag-aral ay pwede na? Paano kung matuloy ang kasal namin ni Jax, paano na kami? Pero naiinfindihan ko si Xenon, gusto niya munang makapag tapos ako. Kinilig tuloy ako.




Sumandal ako sa balikat niya. "Nakakapagod maging sunod-sunuran." Natatawang sabi ko.






Nakangiti ako pero uminit ang pisngi ko at namalayan ko na lang na umiiyak na ako. I love my parents but I can't do what they want for me. Nag overthink tuloy ako kung may dapat ba akong piliin.





"Mahal...." inalo niya ako at hinimas ang likod ko.





Pinahid ko naman ang luha ko. "Hindi ko lang maiwasang magkaroon ng tampo sa magulang ko. Lahat naman pwedeng makaramdam ng ganon diba?"





Huminga siya ng malalim. "Yeah, we're the same."






Nagkaroon ako ng atensyon dahil sa sinabi. Minsan lang siya magkwento tungkol sa Pamilya niya, halos hindi ko maisip kung ano bang pamilya sila Xenon dahil kakarampot lang kung magkwento siya.




"How?Bakit ka may tampo sa pamilya mo?"





Matamang tinitigan niya ako sandali bago muling nagsalita. Handa ako sa mga kwento niya.





Climb on my Desires✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon