I remember then, he told me. 'I love you today, tommorrow and forever.' Pinanghawakan ko ito dahil ramdam kong totoo ito.
Habang patagal ng patagal at natapos ang ilang buwan, nagkaroon ako ng paghihinala. Hindi naman ako maghihinala kung wala siyang tinatago sa akin eh. Akala ko noong una, busy lang siya sa trabaho at mas nag-iipon siya para sa baby namin.
Hinaplos ko ang umbok ng aking tiyan. I'm five months pregnant. I remember how we made our baby. How we shared different positions, how I moved as I looked at him satisfied. I feel how sweet he is and care for me. But now?
Lagi na lang siyang late umuwi at kapag kasama ko siya ay lagi naman siyang may kausap sa telepono. Feeling ko, balewala na lang ako sa kaniya at hindi niya na ako mahal. Do I still have space in his heart?
"Ang laki na ng tiyan mo! I am excited to be a grandmother." She smile sweetly.
"When will you and daddy visit here? I miss you two so much." Nalulungkot ako.
Feeling ko ay attention seeker ako. Araw-araw akong tinatawagan nila mommy dahil nagrereklamo ako sa kanila dahil nagtatampo agad ako kapag hindi nila ako kinausap.
"I miss you too baby. Hayaan mo, malapit na kaming pumunta diyan. Just wait for us, Lavinia Carla."
Nakaramdam ako ng excitement. Isang beses sa isang taon lang silang pumunta rito pero sa taing ito ay hindi pa. Siguro ay bibisita sila dito ni daddy kapag kapanganak ko. Excited pa naman silang makita ang baby ko.
Wala akong ginawa buong maghapon kundi ang manuod, magbasa ng mga tungkol sa baby at pagluluto. Dito ko na lang talaga tinituon ang lahat ng oras ko para makalimutan ko ang hinanakit ko kay Xenon.
Kahit na sinabi ni Amara na tatanungin niya si Nathan kung may alam siyang tinatago sa akin ni Xenon ay wala rin akong nakuha.
"Wala ba talaga? Baka nambabae talaga siya?" Problemadong tanong ko kay Amara.
Umiling siya. "Huwag kang mangamba kay Xenon, mahal na mahal ka non."
Napabuntong hininga ako. Pilit kong isinasaksak iyon sa utak ko pero mas nangingibabaw talaga ang pakiramdam kong may mali.
Napatingin ako kay Amara nang tapikin niya ako sa balikat. "Please, huwag kang mag-isip ng kung ano mula kay Xenon. Trust him, Carla."
"Ihhhh!!!! Feeling ko talaga may tinatago siya sa akin eh! Kung nambabae man siya, lagot talaga siya sa akin!"
Nakangiting napailing si Amara. "Kawawang Xenon, under pala."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Ang dami kong gustong ireklamo kay Xenon kapag dumating siya mamaya. Hindi ko na kayang itago ito! Feeling ko ay sobrang stress ko kapag hindi ko ito nalabas.
"Pwede ko na bang kuhain ang asawa ko?"
Sabay kaming napatingin ni Amara nang dumungaw di Nathan sa pinto. Agad na nagsalubing ang kilay ko. "May sinabi ba akong pumasok ka?!"
Nakita ko ang pagkamot niya sa kaniyang ulo. "Katakot ka naman, Carla! Kukuhain ko lang si Amara eh." Nakangusong aniya.
Noong sinabi ni Amara na okay na sila ni Nathan ay nagulat ako. Wala ngang ka-effort 'to si Nathan tapos pinatawad niya agad. By the way, deoende talaga iyon kay Amara. Alam ko namang mahal na mahal niya pa rin si Nathan kahit gago yon, support na lang.
"Hoy! Masasabihin ako tungkol kay Xenon...." agad na nag-angat ako ng tingin sa kaniya.
May alam nga siguro 'to! Mag bestfriend sila kaya hindi na ko magtataka kung walang alam ang isa't isa sa mga kalokohan nila.