EPILOGUE

8.5K 153 17
                                    

Nakatulugan ko ang paninitig sa mag ama ko. Alam kong pagod sila kahapon dahil may pinuntahan sila. 1 year old pa lang si  Xevior Clavin ay dinadala niya na kung saan-saan. Alam ko na tuloy ang future ng anak ko, magiging explorer siya.

Katulad ngayon, nagising akong wala na sila sa tabi ko. Baka nag jogging iyon sa labas.

Simula ng ipanganak ko si Xevior ay mas lalong umingay na ang bahay namin. Sobrang kulit kasi ng batang 'yun at mas ikinainis ko pa ay laging kay Xenon lang siya nasunod. Lalo na kapag nandito ang mataray na si Amarie, may gusto pa ata sa anak ko dahil napaka possesive ng batang yon.

"Carla, gising na  ba kayo? Nandito si Amara." Ani ni ate Rosy.

Saktong lumabas ako ng banyo. Agad kong binuksan ang pinto at bumungad ang mukha niya sa akin.

"Nasaan siya te?"

"Nasa ibaba lang, kanina ka pa niya hinihintay." Tumango ako habang sinundan ko siya pababa.

Naka-upo si Amara sa sofa at nang malapitan ko siya ay ngiting ngiti siya. Napangiti ako nang makita ko muli ang umbok niya sa kaniyang tyan. Nan makita niya ako ay agad ba lumingkis ang katawan niya sa akin.

"Ang aga mong mambulabog ah?"

Inirapan niya ako. "Duh! Wala bang good morning diyan?"

Sabay kaming napa-upo nang dumating si Ate Rosy na may pagkain. Tumingala ako sa kaniya.

"Ate, nasaan po pala sila Xenon? Hindi na naman sa akin nagpaalam ang mag-amang yon." Naiiling na sabi ko.

Minsan talaga ay nakakapagtampo na, parang hindi ako part ng family. Pasalamat talaga sila at mahal na mahal ko sila.

"Ang sabi sa akin ni Xenon, may contruction site daw silang pupuntahan sa Palawan eh."

Napakunot ang noo ko. Pati talaga sa trabaho, sinasama pa si Xevior! Jusko naman. Baka puro alikabog don at kung mapaano ang anak ko.

"Anong oras sila umalis? Bakit hindi man lang ako isinama?"

Nagkibit balikat lamang si Ate Rosy. Narinig ko ang pagtawa ni Amara, dahil siguro sa pagsinghap ko.

"Hayaan mo na tih! Hindi naman siguro papabayaan ni Xenon ang anak niyo don."

Sabagay. Sobra namang protective ni Xenon kay Xevior kqya nabawasan rin ang pag-aalala ko. Dumambot ako ng tinapay at sinalpak ko iyon sa bunganga ko.

"Oh my ghad!"

Kinabahan akong napatingin kay Amara dahil sa lakas ng sigaw niya. Napatayo ako, "a-anong nangyari? May masakit ba?" Mukha namang okay ang baby niya kaso kita ko ang kabado sa mukha ni Amara habang nakatingin sa phone niya. Agad ko iyong hinablot at tinignan ko. Biglang nag-unahan ang luha kong lumabas dahil sa takot.

"K-kasali ba sila diyan?" Halos hindi ko maituwid ng maayos ang pagsasalita ko.

Napatakip ako sa bibig ko at napa-upo dahil nanghina bigla ang tuhod ko. Parang ang mundo ko ay bigla na lang gumuho.

"Hindi pwede!" Naglumapasay ako.

Ang mag-ama ko........

Inqlalayan ako ni Amara na tumayo kasama si Ate Rosy. Pina-inom na muna ako ng tubig ni ate Rosy kaso halos hindi ako makalunok. Iyak ako ng iyak habang nakatitig pa rin sa Cellphone ni Amara.

An airplane crashed off the coast of Brooke’s Point town in Palawan province Sunday morning, the Philippine Coast Guard said.

Coast Guard spokesperson Commander Armand Balilo, citing information from Western Command and Puerto Princesa City Airport Control Tower, said the plane crashed at 6:30 a.m. Coast Guard assets MCS 3008 and SARV 3106 have been directed to respond accordingly.

Climb on my Desires✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon