Halos maglumpasay ako para lang itakas ako ni Daniela sa bahay. Ikakamatay ko na ata ang pagkulong rito sa bahay, para kasi akong isang preso. Lahat na lang bawal para kay mommy at daddy.Sila ang nagdedesisyon ng bawat galaw ko. Kulang na lang, pati ang paghinga ko ay sila na rin ang magdesisyon. Kailan ko kaya makakamit ang kalayaan ko? Eh,malamang ang bata ko pa.
Pinuslit ko na nga itong phone ko kay mommy para lang makipag kuntsaba kay Daniela. Ito namang babaeng ito ay napakatakot rin!
"Daniela, please? Help me now." Halos pabulong na lang ang boses ko dahil baka marinig pa ako sa labas.
Narinig ko sa background na parang may sumisigaw. "Carla, I have a problem now too. My ex- fiance is chasing me." Hingal na hingal na sabi nito.
Napatayo ako ng wala sa oras. Oo, alam kong may ex-fiancè siya. Nasa Pilipinas nga raw iyon at tumakas lang si Daniela dahil may boyfriend siya na si Jax.
"What?! Puntahan mo ako ngayon at tutulungan rin kita! I'm going to die, Daniela."
Sana epektib!
Dumaan ang katahimikan, akala ko ay binabaan niya ako ng tawag pero narinig ko sa background ang pagtalon. Nasan na kaya ang babaeng ito? Pati ako ay kinakabahan sa kaniya.
"Hello? Daniela?"
Nagpabalik-balik ang lakad ko habang hinihintay syang sumagot.
"Get out of your room. Come to the back of your house." Bulong niya.
Halos magtalon ako sa saya! Nandito siya whahahaha! Makakatakas na rin ako.
Sabi ko na nga ba! Mahal na mahal talaga ako ni Daniela.
"Be careful, Carla. Baka may makakita sayo."
Napatango ako kahit hindi naman niya iyon makikita. Tumakbo ako papunta sa walking closet ko at kinuha ang maliit na sports bag. Konti lang ang dinala kong damit at sapatos.
Nilagay ko rin ang perang naipon ko. Malaki-laki iyon, nag-ipon talaga ako kasi alam kong mapupunta ako sa punto na tatanggalin lahat ng credit cards ko.
Nang matapos ay kinuha ko ang slipper ko at dahan-dahan na binuksan ang aking pinto.
Shocks! Kinakabahan ako. Sana wala ng gising.
Nakita kong walang tao sa labas kaya walang tunog akong tumakbo pababa. Nakita ko ang malaking cabinet at nagtago na muna. Sakit ng puso ko sa kaba e pero nakakaramdam ako ng saya.
5 minutes rin akong tumambay rito. Naisip kong baka naiinip na sa labas si Daniela kaya tumingin muli ako kung may tao. Nang makasiguro muli akong walang tao ay tumakbo ako papuntang kusina. Mas malapit doon ang labasan patungo sa likod ng bahay e.
Shit! May narinig akong kalabog! Walang ingat akong binuksan ang pinto at tumakbo palabas. Hingal na hingal ako pero wala akong tigil.
"Carla,anong nangya-" agad ko siyang tinalunan at nagtago sa mga halaman. "Tangina ka." Bulong niya.
Gusto kong matawa pero kailangan muna naming manahimik. Narinig namin ang boses ni Yaya Lucy kaya halos mapapikit kami.