CHAPTER NINE: 🇵🇭🛫🇰🇷 (01)
RICHELLE'S POV.
Mula sa pintuan ng aking kwarto ay nakita ko si Ate Gwiha na may hawak na isang maletang kulay dilaw. Kasalukuyan akong abala sa pag-iimpake ng aking mga dadalhing gamit papunta sa Korea.
"Ate," sabi ko. "Salamat sa maleta, hehe.."
Nginitian niya ako. "Hmm. Okay ka lang? Hindi ka mukhang excited."
"Pinangungunahan kasi ako ng kaba, e," mahinang sagot ko. "Alam mong medyo hindi maganda ang kalagayan ko."
"'Yon na nga ang ipinag-aalala ko, Richelle. But as long us na masaya at excited ka ay paniguradong walang kaba ang dadaloy sa isip at puso mo. Kayanin mo, dahil alam kong ito ang matagal mo nang pangarap 'di ba? Dapat masaya ka e, hindi 'yung gan'to. Unless.." Diretso siyang tumingin sa mga mata ko. "Are you doubting your friend Ashley?"
\\O__O//???
"Are you doubting her-----ha??" naguguluhan kong usal. "Hindi! Hindi, Ate. Hindi naman sa gano'n, sadyang hindi lang talaga mawawala sa akin ang kaba.."
"Sa tingin mo pababayaan n'ya kayo?"
"H-Hindi naman sa tingin ko."
"Sa tingin mo, kailan ka pa n'ya pinabayaan sa kabila ng mga hindi kanais-nais na pangyayari? Kailan pa n'ya kayo pinabayaan? Sa tingin mo ay magiging kaibigan mo ba s'ya kung wala kang tiwala sa kan'ya at kung hindi ka n'ya ginustong kaibiganin??"
Hindi ako kaagad na nakasagot.
"H'wag kang magdamdam ng gan'yan, hmm? Hindi 'yan kailanman makakatulong sa 'yo, Richelle. Mag-enjoy ka lang do'n at siguraduhin mong hindi mo s'ya pag-aalalahanin, hmm? Alam mo bang kaya ako pumayag ay dahil sa nagtitiwala ako sa kaibigan mong 'yon?"
"Talaga Ate?"
"Oo naman! Ay sya sya, tulungan na kita sa pag-iimpake," nakangiting aniya at nagtulungan kami sa pag-aayos ng aking gamit.
*
SALVE'S POV.
"Salve, hindi pa rin talaga ako sang-ayon d'yan sa pagpunta mo sa Korea," sabi ni Ate habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit. "Pero, nand'yan na e. Ano pa bang magagawa ko?"
"Ate.."
"Pero, may tiwala naman ako sa kaibigan mo. Sadyang nag-aalala lang ako sa kalagayan mo. Alam mong kaunting 'di magandang pangyayari ay maaring ma-trigger ang sakit mo."
"Alam ko naman 'yon, kaya nga hindi ko na lang iniintindi pa ang maaaring mangyaring 'di maganda kasi alam kong sasama ang kalagayan ko. Pero salamat Ate.. kasi hinayaan mo akong sumama sa kanila," nakangiting sabi ko.
"Hmm. Mag-ingat ka, ah? Kapag nando'n na kayo e tawagan mo ako. Hmm?"
Nginitian ko s'ya. "Oo naman, Ate. Matik na 'yon."
"Sya sya, tulungan na kita." At nagtulungan kami sa paglalagay ng aking mga gamit sa loob ng maleta.
*
SWYN'S POV.
"Swyn!"
"Yah, hinaan mo nga ang boses mo at nabibingi ako," reklamo ko sa tumatawag.
"Hahaha! Matutulog ka pa ba?" tanong ni Elaine.
"Hindi na. At ayokong mahuli, mahirap na hehe.." sabi ko at natawa siya. "E ikaw ba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/227445845-288-k961059.jpg)
YOU ARE READING
Knock Knock To Our Dream
General Fiction✨THE DREAM SERIES 01, sophiaeeeyah 2020✨ STATUS: ON-GOING (slow update) Language: Tagalog-English-Korean Sa isang samahan na kung tawagin nilang barkadahan, mayroong isa sa kanila na may natatanging pangarap para sa lahat. Iyon ay ang makapunta sa S...