CHAPTER TWELVE: 🇵🇭🛫🇰🇷 (04)

22 1 2
                                    

CHAPTER TWELVE: 🇵🇭🛫🇰🇷 (04)

DARYLL'S POV.

"Daryll."

No response from me.

Inalog-alog ako ng taong tumatawag sa aking pangalan. "Daryll, huy!"

"Daryll! Yah!"

"Huh??" Napamulat ako ng mga mata. At nagulat ako sa nakikita ko.

Mukhang nakatulog ulit ako, at nilingon ko si Dane na nakasandal pa rin sa akin at nananatiling tulog. Nag-angat ako ng tingin at nakita sina Ashley at Renz. Nilingon ko ang iba kong kaibigan, ayun bagsak ang katawan.

"Gisingin mo si Dane," utos ni Ashley.

"N-Nakatulog ba ako?" tanong ko.

"Oo, kaya nga ginigising ka, e," sagot ni Renz. "Sige na. May magdadala ng foods sa atin. Lalanding na ang eroplano sa SIA."

"O-Okay.." ang tanging naisagot ko.

"Try everything you can para magising 'yan, okay?" nakangising sabi ni Ashley. "Mahirap gisingin 'yan."

"G-Gano'n?" E di mahihirapan ako.

"Oo," kibit-balikat na sagot niya. "Sige na. Foods are arriving na."

Nilingon kong muli si Dane at bahagyang inalog sa braso. "Dane, wakey wakey. We're going to eat.."

No response from her.

Nang hindi siya gumalaw ay bahagya ko siyang sinandal sa kinauupuan niya at muling inalog. "Hey, wake up."

"Mmmm.." aniya at bahagyang itinaas ang mga braso at nagulat na lamang ako sa sumunod na nangyari.

"W-What are you doing?" kabadong tanong ko. Ang mga braso niya ay nakapulupot na sa aking leeg at naglapit ang aming mukha.

\\O___O//

Nakakagulat, nakakapagtaka, at... nakakapanibago ang ginagawa niya.

"What am I doing?" Bahagya siyang ngumiti at kapagkuwa'y inalis ang mga braso mula sa pagkakapulupot sa akin. "Sorry. Maging ako ay nagulat sa ginagawa ko. Sorry.."

Bumuntong-hininga ako at nag-iwas na lamang ng tingin. "It's okay. Don't mind me.

Ba't niya ginawa 'yon? Doesn't she know na malaking kalituhan at pagtatqka ang ginawa niyang 'yon sa buong sistema ko?

\\O__O//

Does it even have a meaning or hindi niya lang inasahang magagawa niya ang bagay na 'yon?

\\O___O//

\\>>__<<//

Gosh, she's getting into my nerves! Nakakabaliw masyado!

Hindi na kami nag-usap pa at nang makarating ang trays kung nasaan ang pagkain ay kaagad akong kumain nang maiabot ito. Wala akong ibang tinutukan kung hindi ang pagkain at aking pagnguya.

Nang matapos ko ang pagkain ay nag-angat ako ng tingin sa aking mga kaibigan na may kanya-kanyang mundo. Napalingon ako sa kabilang side, do'n sa side nina Mariel at Daehyun. Ngayon ko lang napansing nagkatabi pala sila. Pareho silang hindi nagtitinginan bagaman ay nag-uusap.

"Ano'ng pinag-uusapan no'n?" naisatinig ko ang nasa aking isip.

Lumingon sa akin si Dane. "I don't know?"

Knock Knock To Our DreamWhere stories live. Discover now