CHAPTER SEVEN

13 1 0
                                    

CHAPTER SEVEN

ASHLEY'S POV.

"Oh, Ashley iha," ani Lola Cita sabay ngiti.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nagmano ako't ibinalik ang ngiti. Saktong dumating si Aling Cora, isa sa mga naninilbihan dito sa mag-asawa.

Nagmano rin ako sa kanya. "Kamusta ho?" tanong ko.

"Aba e mabuti naman, iha. Ngayon ka lang ulit bumisita," ani Aling Cora. "Oh eto juice."

"Salamat ho." Inilapag nya ang tray na mayroong dalawang baso at isang pitsel na may lamang orange juice sa lamesa.

"Ano't napabisita ka iha?" tanong ni Lola Cita pagkaupo.

"Hmm.. sasabihin ko lang naman ho na pupunta kami sa South Korea hehehe.." Pagkuwa'y ngumiti sya sa akin. "Gusto ko lang namang ipaalam sa inyo hehe.."

"Alam na ba 'to ng magulang mo?" tanong ni Lolo Essie na nasa pinto.

"Alam na ho nila. Nasa Taiwan ho sila ngayon dahil sa business trip nila."

"Mabuti kung gano'n. Kasama mo ang mga kaibigan mo?"

"Ah oho. Lahat po.. kasi saktong-sakto ho 'yung nakuhang prices hehe.."

"Ba't hindi mo kasama ang nobyo mo?" tanong ni Lola Cita.

"Ah hehehe.. may bibisitahin ho kasi sya ngayon tsaka dala ko ang kotse ng kuya ko kaya 'di kami magkasama.." sagot ko at uminom ng juice.

\\--,//

"Ah gano'n? Hindi namin inaasahan ang iyong pagbisita, iha. Nanggaling kasi kami ng Lolo Essie mo sa Calamba kaya nagulat kami nang makita ka.." ani Lola Cita.

"Ah hehehe.." ang tanging naisagot ko.

Nagkaroon pa kami ng saglit na kwentuhan. Nagpaalam ako sa kanila, at saka ako naglibot-libot sa paligid. Sa right side ng 'veranda' ay mayroong isang maliit na stock house. May kakiputan ang daanan no'n. Dinaanan ko lang ang lugar na 'yon at nagpatuloy-tuloy sa pagtingin.

Nasa garahe na kaagad ako, pero wala doon ang kotse. Kakaiba sila dito, ito ang ginagamit nila bilang outdoor kitchen, bukod pa 'to sa kitchen na nasa loob ng bahay nila. Dito, mayro'ng ref, lamesa't mga upuan, sink, at mga kung anu-ano pang makikita sa isang kusina.

Naglakad muli ako at sa kaliwa ko ay may mga halaman na nasa mga paso, at sa kanan ko naman ay may dalawang upuan na kulay puti at isang lamesang yari sa bato na napapatungan ng isang maliit na paso.

Maya-maya pa'y nasa likuran na ako ng 'event venue'. At may dalawang maliit na pasamantalang tuluyan na bahay sa kaliwa no'n, at sa likuran ay may dalawang pintuan, banyo 'yon.

Narating ko ang pinakadulong daan. Saktong lumitaw si Kuya Mario na nasa kanang daan.

"Oh iha?"

"Oho.." sabi ko.

Kaagad s'yang pumasok sa bahay nila na nasa kaliwa ko. Lumiko ako pakanan at papunta na 'to palabas ng lugar na 'to.

Kinuha ko ang cellphone ko.

05:10 pm na pala.. ang bilis naman ng oras hehe..

Maya-maya..

~*KRING!KRING!*~

"Harris?"

"Nasa'n ka?" tanong n'ya.

Knock Knock To Our DreamWhere stories live. Discover now