CHAPTER 6

2.6K 65 0
                                    

MAGANDA ang venue ng celebration ng opening ng Colombus Entreprise. Magara ang pagkaka-ayos. Maraming tulips ang nagkalat sa bawat direksyon. Buffet style ang food kaya kahit magpabalik-balik ang mga bisita ok lang. Blue and silver ang motif. Lalaking-lalaki nga dahil ayon kay Vincent, mga lalaki daw ang may-ari ng kompanyang iyon na pawang mga kaibigan at kamag-anak niya.

                “Vincent pare!” narinig niyang tawag kay Vincent ng papalapit na lalaki. Gwapo rin ito, matangkad, at hot. Singkit ang mata nito na waring isang koreano. May ilan pang mga kalalakihan ang sumalubong sa kanila at ang isa dun ay si Mr. Andrew Uy, executive din ng Dusit.

                “Mga pare, maganda itong event, hah. Mukhang magaling ang organizer.” Sinalubong din sila ni Vincent.

                “Si Paula ang event’s organizer nito.” Sagot ni Anthony.

                “At pare, bago maging maayos ang event na ito, muntik nang magkamatayan iyang si Paula at Spencer,” sabi naman ng isa pang lalaking gwapo rin pero medyo rugged ang dating. Naka-Amerikana kasi ito pero naka white jeans at sneakers pero kahit ganun mababakas pa rin sa mukha nito ang pagiging professional.

                “Ah, by the way, who is the pretty lady?” tanong ng isa sa mga ito. Playboy ang dating sa kanya ng lalaki dahil parang nang-aakit ang mga mata nito ng mapatingin sa kanya.

                “Spencer, nakatingin si Paula,” bati dito ni Anthony.

                “The hell I care,” wika nito na nakalahad na ang kamay sa kanya. “I’m Spencer, and you are?”

                “She’s Abby, and she is my date,” maagap na tabig ni Vincent sa kamay ng kaibigan.

                “Ah, that’s not nice. You are already taken. Nakakasama ng loob.”

                “I’m not—“

                “Yes she is kaya pare, kaya pagtuunan mo nalang ng pansin si Paula or else baka lalong mag-init ang ulo nun.” Hinawakan ni Vincent ang balikat ng lalaki at ihinarap ito sa kinaroroonan ng tinutukoy nitong si Paula. Napatingin din sa direksyon nila ang babae, matangkad ito at may maamong mukha pero nang makita nito si Spencer, parang uminit ang ulo nito at nagsalubong ang kilay. Itinulak na ng iba pa si Spencer palapit dito.

                “Goodluck.” Wika ng mga ito.

                “Marunong ka na palang pumili ngayon, pare,” wika ng singkit. “By the way, I am Dennis and these is Aiden,” turo nito sa lalaking nakajeans, and “Andre.”

                “She already knows me,” wika naman ni Sir Andrew. “She works in Dusit,” sagot nito ng tiningnan ito ng nagtatakang sina Dennis and Aiden.

                “And that was Spencer,” pagtatapos nito sabay turo sa lalaking kausap na ngayon ni Paula. Mukhang nagtatalo na nga ang mga ito ngayon.

                “Mga ‘tol,” tawag ng isa pang lalaki na gwapo rin. Papalapit ito sa kanila.

                “Whoay, the big man.” Bati ni Vincent sa bagong dating.

                “This is my cousin Gabb, he is the brain behind the Colombus and this is Abby,” pagpapakilala ni Vincent sa kanya.

                “Ah… she’s pretty,” wika nitong nakatitig sa kanya.

                “’Wag mong pakatitigan, couz baka matunaw,” wika naman ni Vincent.

His Blackmailed Girlfriend: The Story of Vincent Cabrera, Colombus Bachelors SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon