CHAPTER 10

4.3K 105 5
                                    

NARAMDAMAN ni Abby ang malamig na hanging dumampi sa kanyang pisngi. Pagmulat niya ng kanyang mata ay si Vincent kaagad ang nabungaran ng kanyang paningin. Napapitlag siya at umupo. “Ano bang ginawa?!” asik niya dito.

“Ikaw, ano ang pumasok sa utak mo para tumalon ka sa tubig?” angil nito sa kanya.

“Gago ka ba? Tumalon ka rin sa tubig, eh.” Naiiyak na wika niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng lalaki.

“Hindi naman kita sinabihang tumalon!”

“Iniligtas lang kita.”
“Ikaw ang muntik nang malunod, hindi ako.”

“I hate you! Pinag-alala mo kasi ako!” hinambalos niya ang dibdib nito. “Tinakot mo kaya ako.”

“Sabi mo, pakamatay na ako tapos matatakot ka naman!” angil nito sa kanya na waring hindi man lang nasaktan sa paghambalos niya sa dibdib nito.

“Sira-ulo ka ba, nasabi ko lang naman iyon, eh. Hindi ko naman alam na gagawin mo iyon.”

“I will do everything that you say kahit ilang beses pa ako magpakamatay, gagawin ko basta’t sinabi mo because I love you.”

Napamaang siya. “What?”

“I love you!” inulit pa nito. Tinitigan siya nito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang katotohanan sa sinabi nito pero – natatakot pa rin siya.

“I love you ever since the day I saw you. Ikaw lang ang babaeng nakapagparamdam sa akin ng ganito. Ikaw lang din ang babaeng naka-resist ng charm ka. Hindi kita kayang takutin. Hindi ka nagpapatalo sa akin kaya naisip ko na ikaw ang babaeng kailangan ko para magpanggap na girlfriend ko dahil alam kong kaya mo akong iresist. Pero, ako ang walang kakayahan para labanan ko ang nararamdaman para sa iyo. I love you, Abby. I will love you until I stop breathing.”

“Vincent, alam mo naman ang pagkilala ko sa mga lalaki, diba?” hindi niya matingnan ng tuwid ang lalaki. Hindi pa rin niya alam ang sasabihin dito.

“I know, kaya nga tinulungan ko ang Papa mo na makapagpaliwanag sa iyo, isinama ko rin ang mga magulang ko rito para malaman mo naman na hindi lahat ng lalaki ay katulad ng inaakala mo. Gusto kong magbago ang pananaw mo sa buhay. ”

Hindi niya alam na marami na pala itong ginawa para sa kanya. Lahat ng iyon ay dahil mahal siya nito.

“Abby, please tell me that you love me, too.” Pakiusap ng binata. Tumingin siya sa mga mata nito. “Ok, sige. Hayaan mo nalang akong manligaw sa iyo.”

Natawa siya. “Manligaw? Ipinakilala mo na akong girlfriend mo sa lahat ng tao, ngayon ka palang manliligaw?”

“So ibig sabihin, pwede na kitang maging girlfriend? Yung totoo na?” masayang tanong nito.

“Basta ba ‘wag ka na magpapakamatay kahit pa sinabi kong magpakamatay ka, hah?”

Itinayo siya nito at niyakap ng buong higpit habang tumatawa. Maya-maya ay ibinaba siya nito at biglang sumigaw ng ubod ng lakas, “I LOVE YOU, ABBY!”

“I love you, too,” wika niya. Humarap ito sa kanya na masayang-masaya. Akmang yayakapin siya nito nang lumayo siya. “Pwede ba, Mr. Vicencio Alfonso Cabrera, magpolo ka muna. Baka hindi ako makapagpigil, ma-rape kita.” Nagbibirong wika niya.

Lalo pa itong lumapit sa kanya. “Sige nga, rape-in mo ako,” nang-aakit na sabi nito.

“Sira-ulo ka talaga,” inis na inirapan niya ito.

Tumawa lang ang lalaki at niyakap siya. He gave her a hot, searing kiss and she responded very eagerly. She missed his kisses. #

a/n: The END. This story might not be exemplary but I really enjoyed writing it though it had been written so many years ago.

Please read the story of Nathan Kim and also my other stories. Most of them are written in English but I really enjoyed writing them... 

Please support FOREVER IN ABYSS. It will be my first ever full blown novel.

I am also thinking of being active here in Wattpad since I enjoy reading lots of stories from amatuer and pro-writers. 

Amatuer writers are really awesome. More and more people are getting hooked to reading and writing, and really it's worth celebrating. 

A/N: Silent readers... thank you for reading po. Please drop a comment on the comment's box. Kamusta po yung story? Feedback lang po, please. I am still trying to improve my writing style especially that this series will be a 12 story series. Hehehe... Thank you po in advance.

His Blackmailed Girlfriend: The Story of Vincent Cabrera, Colombus Bachelors SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon