CHAPTER 3

3.3K 63 0
                                    

“MS. ABBY, pinapatawag ka po ni Sir Rodel sa office niya,” sabi ng isa sa mga roomboys nila.

                Nilingon ni Abby si Aileen na kasalukuyang nagchecheck ng mga new accounts nang mga kaka-in lang sa hotel nila. Tila may pag-aalala sa mga mata nito. Hindi na naman siya natinag. Inaasahan na niya iyon, kahapon pa. Naihanda na niya ang kanyang sarili kung sakaling ipatawag nga siya ng kanilang manager. Alam niya na mas papaburan ng manager nila kung ano man ang sabihin ng Mr. Vincent Cabrera na iyon. Kahit kaninang nasa bus siya, nag-iisip na siya kung paano siya magpapaliwanag sa lalaking boss niya at ipagtanggol ang sarili against sa lalaking iyon. Kanina ngang nakita ulit niya ang billboard nito sa Magallanes, inurasyunan niya ito para magkaroon ng pigsa sa buong katawan. Tingnan lang niya kung makalabas pa iyon ng kwarto nito sa hotel.

                Kinakabahan din siya nang magtungo sa opisina ng manager nila. Kahit ready na siya hindi pa rin niya maiwasang hindi matakot sa pwedeng gawin nito. Baka bigla na lang siyang mawalan ng trabaho.

                Kumatok siya ng tatlong beses bago pumasok. Noong 1st and last time na naroon siya ay noong iorient siya kasama ng iba pang bagong empleyado ngayong  pangawa yata ay magiging pinakahuli na rin. Pagpasok niya, nakita agad niya ang manager nilang si Sir Rodel na nasa likod nang table nito. Nakita naman agad siya ng may edad na nilang boss. Ngumiti ito sa kanya at iminuwestra ang upuan na nasa harap ng table nito. Aba…nakakangiti pa ito. Sira-ulong matanda ito, mawawalan na nga siya ng trabaho nakakangiti pa sa kanya.

                Naupo siya sa itinuro nitong silya. Lalo na yata siyang kinakabahan ngayon. Parang gusto ng bumulwak ng sikmura niya dahil sa butterflies daw na nasa tiyan niya.

                “Nakilala mo na pala ang isa sa mga bago nating executives, si Mr. Cabrera.” Wika nito sa kanya.

Naudlot ata ang gusto niyang pagsuka. Nawindang ata ang system niya… executive daw… Mr. Cabrera… sino namang Mr. Cabrera yun.

“Napadaan siya dito kanina at ang sabi niya ay gusto tanggalin ka sa posisyon mo.”

Ayun yun oh, sinabi na nga niya. Ano na ang mangyayari sa kanya ngayon, paano na niya ang ticket ng concert na gusto niya, ang mga gifts para sa inaanak niya… magtatago na ba talaga siya, ang pambayad ng apartment niya, ang lotion niya, ang shampoo at conditioner niya, at ang marami pang iba. Ano na ang gagawin niya ngayon?

“Gusto niyang ikaw ang gawing secretary niya.” Sabi pa ng boss niya.

Nasira ata ang pandinig niya, secretary naman ngayon. Ano ba talaga ang nangyayari?

“Starting tomorrow, you will be reporting to him. We already hired somebody to replace you on the counter.”

Tomorrow…will be the end of her world.

“Do you have any questions about your new position?”

Umiling lamang siya. Gusto sana niyang itanong kung pwede na ba siyang mamatay ngayon.

“I guess, that’s it. You may go.” Sabi niya at nginitiin siya na parang napakaswerte pa niya at may bago na siyang trabaho bilang secretary ng isang executive na si Mr. Cabrera. Marami pa sana siyang tanong, paano ito naging executive? kelan pa? bakit siya? pero kahit isa sa mga ito wala siyang naitanong.

Tumayo siya at lumabas sa silid na iyon. Totoo na talaga ang mga nangyayari sa kanya o panaginip lang lahat ng iyon… bangungot at gusto na niyang magising.

Wala sa sariling nakarating siya sa puwesto niya. Nag-aabang na doon si Aileen. Agad na sinalubong siya nito. “Ano ang nangyari?” tanong agad nito.

His Blackmailed Girlfriend: The Story of Vincent Cabrera, Colombus Bachelors SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon