CHAPTER TWENTY
MATAPOS ang interview ni Marcus, agad rin niyang nilisan ang studio. Maraming press ang nakaabang sakanya sa labas at sari-saring mga tanong ang mga ibinabato sakanya. Tila hindi makuntento ang mga ito sa mga narinig sa interview mula sakanya. Mabuti nalang, may mga bodyguards siya upang ma protektahan siya sa pagdumog ng mga press.
Alam niyang maraming nagulat sa mga isiniwalat niya kanina. Matapos ang interview, hindi na niya nakita pa si Marky. Tumakas na lamang siguro. Totoong involved si Marky sa paga-upload ng video. At hindi lingid sa kaalaman niya na gusto siyang pabagsakin ni Damian. Una palang, alam na niyang pinaplastik lamang siya nito.
Si Damian at Marky, may relasyon. At si Damian at Cassandra, nagkakaron din ng sexual relationship. Si Damian, humingi ng pabor kay Marky. Gusto nitong mapabagsak na siya upang ito ang pumalit sakanya. And Marky, at first, didn't allow it. Mas marami kasi itong nakukuhang pera kapag siya ang artista.
Si Cassandra ang unang nakaisip ng idea kung papano ang gagawin upang mapabagsak siya. Of course, Damian agreed to it. At si Damian nga ang naglagay sa mga hidden camera sa taping. Nakita niya lahat ng iyon sa mga CCTV. Alam rin ni Marky yang plano ng dalawa at wala itong ginawa. Si Cassandra naman ang nag upload ng video sa social media. Hindi naman nagwagi ang mga ito sa plano. Hindi siya napabagsak, pero, iniwan naman siya ng kanyang asawa.
"MARCUS, TOTOO BANG MAY ANAK KANA?"
"MARCUS, SINO BA TALAGA SI CALIXTAH? SAAN MO SIYA NAKILALA?"
"TOTOO BANG NAGTULUNGAN SILA CASSANDRA NA PABAGSAKIN KA?"
"TOTOO BANG GALING SA TAPING NIYO ANG S*X VIDEO NINYO NI CASSANDRA?"
"MARCUS! BAKIT ANG KAMBAL MO ANG KASAMA NG ASAWA MO NOONG NANGANAK ITO?"
"BAKIT KAYO NAGPAKASAL?"
"PINILIT KA BA NI CALIXTAH?"
"PAANO NAMAN SI CASSANDRA?"
"TOTOO BANG KASALI SI CASSANDRA SA PAGPAPAKALAT NG VIDEO?"
Ilan lang ang mga ito sa mga naririnig niya. Pero iwinaglit niya sa isip ang lahat ng nasa paligid dahil isa lamang ang gusto niyang gawin ngayon. Ang mapuntahan ang kanyang asawa sa Palawan. Nag-aalala siya, hindi lang sa kanyang mag-ina kundi pati na rin kay Maxus. Yes, galit siya sa kakambal niya, pero may parte sa utak niyang naaawa siya dahil baka bumalik na naman ito sa dati, seventeen years ago.
THE FORMER TV SHOW HOST, MR. MICHAEL DREY STANFPORD'S SON IS BEING KIDNAPPED!
THE KIDNAPPERS ARE DEMANDING FIVE MILLION PESOS FOR RANSOM!
FIVE YEARS OLD BOY WAS FOUND UNCONSCIOUS UNDER A BRIDGE!
CONFIRMED! THE BOY WHO WAS FOUND UNCONSCIOUS IS MR. MICHAEL STANFORD'S SON!
YOUNG MAXUS STANFORD IS STILL COMPOSED AFTER BEING FOUND UNDER THE BRIDGE, TWO WEEKS AGO.
Ilan lamang yan sa mga natatandaan niyang balita noon patungkol sa kanyang kambal noong sila'y limang taong gulang palamang. Masyado pa silang bata ni Maxus ng ma-kidnapped ito. Hindi pa nila matukoy hanggang ngayon, kung sino ang kidnapper at kung ano ang motibo ng mga ito sa pagdakip sa kanyang kakambal.
Dalawang buwan na naka-comma ang kambal niya noon bago nagising. At simula noong nagising si Maxus, nag-iba na ito ng ugali. Dahil malakas rin ang kapit ng kanyang ama sa showbiz, ipinabura nito ang lahat ng balita ang tungkol kay Maxus. Ayaw na kasi nitong maungkat at maipaalala sa kakambal ang nakaraan. Then Maxus, turned into a dangerous man. He's kind but unpredictable.
BINABASA MO ANG
STANFORD SERIES #2:CALIXTAH|R-18|COMPLETED
Romance[WARNING RATED SPG!] STANFORD SERIES #2 Marcus Cale Stanford and Calixtah Bonifacio DATE STARTED: JULY 19, 2020 DATE FINISHED: OCTOBER 19, 2020